CHRYSTAL YVES DAMIAN
Isang linggo na ang nakakaraan ng huli kong makausap si Jake. Isang linggo na rin akong hindi nakakapasok. Hindi ko pa rin kasi kayang harapin si Jake.
Yung magulang ko? Tss. Kahit nandito na sila, parang ako lang din mag'isa ang nage'exist dito sa mansion. Palagi silang wala, and guess what? Inaasikaso nila yung kumpanya nila. Wala naman nagbago eh. Kung makakasama ko man sila ay, palagi nila akong sinusumbatan at pinapagalitan. Minsan naman hindi nalang nila ako pinapansin.
Habang naglalakad ako papunta sa pool area ay napahinto ako ng makita ko si Dad na nakatayo malapit sa pintuan papunta ng pool area at may kausap siya sa telopono.
Hindi na sana ako tutuloy pa at babalik na ako sa kwarto ko ng mapahinto ako ng marinig ko ang pangalan ng Black Rain.
"That's good. Napahirapan mo ba yung pinakaleader nila?---Hahaha. Very very good. Panigurado hindi na niya gugustuhin pa na makipagkita kay Yves.--- Of course, the deal is the deal. I won't let you down."
Napatakip ako ng bibig sa narinig ko. Dali'dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Ano ginawa nila kay Jake? Ano ginawa nila sa Black Rain?
Nanginginig ang buo kong katawan sa takot. Kaagad ko rin kinuha ang cellphone ko at dinial ang numero ni Jake.
"Sh*t", I cursed. Nakapatay yung cellphone ni Jake. Kumuha agad ako ng coat sa dresser ko at nagmadaling bumaba. Kailangan kong puntahan si Jake. Baka kung ano na nangyari sakanya.
Pababa palang ako ng hagdan ay may narinig na agad akong tinig. "Saan ka pupunta Yves?"
Bigla akong napatigil nang makita ko si Dad na nakatayo malapit sa dulo ng hagdanan. "A-Ah. Kila Jasmin po Dad"
"You can't fool me Yves. If you're trying to escape from us just to see that stupid boyfriend of yours, well you are wrong. You can't. Go back to your room", malamig na pahayag niya na nakapagpatindig ng balahibo ko.
"One more thing. Baka hindi mo na makilala yung boyfriend mo. Sa mga oras na 'to basag na siguro yung mukha niya at ng mga kagrupo niya"
?!
"Dad ano ginawa niyo kay Jake?!", hindi ko na napigilan ang sarili ko at ang mga luha ko.
Imbis na sagutin niya ako ay ngumiti lang siya. Ngiti ng demonyo.
Aalis na sana siya pero nagtatakbo ako palapit sakanya. "Dad, ano ginawa niyo kay Jake?", lumuluha at nakikiusap kong tanong.
Maya'maya pa ay namalayan ko nalang na nakasalampak na ako sahig. Sinampal niya ako. Oo. Sinampal niya ako na anak niya. "You should learned your lessons Yves", huli niyang sambit at tuluyan na akong iniwan.
Napahagulgol ako sakit na naramdaman ko. Hindi sa sampal kundi sa mga pagpapahirap niya sakin at kay Jake. Bat ba nila yon ginagawa? Wala naman kaming ginagawa na masama ni Jake.
"Ma'am?!"
Patuloy lang ako sa paghagulgol. Wala pang segundo ay may naramdaman na ako na nakayakap sakin. "Marie", pagtawag ko sa pangalan niya. "Ano ginawa nila kay Jake? Wala naman siyang ginagawang masama ah?", patuloy ko sa pag'iyak.
"Sshhh. Tumahan na po kayo. Aalamin ko po ang nangyari. Pangako."
~
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Papagabi na, pero hindi pa rin ako makalabas ng kwarto ko ng dahil sa nangyari kanina. Papano niya yon nagawa sakin? Kahit kailan hindi pa niya ako napapagbuhatan ng kamay.
Tahimik lang akong nakaupo sa tapat ng bintana at pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan. Ano na kaya balita kay Marie? Umalis kasi siya kanina upang puntahan si Jake. Hindi ako pwedeng lumabas ng bahay. Maging sa sarili kong kwarto bawal akong lumbas.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away
Ficção AdolescentePaano mo nga ba mamahalin yung tao na ayaw mo naman talagang mahalin? Makikilala niyo dito si Chrystal Yves Damian, isang kolehiyala na may simpleng pamumuhay pero mag-iiba ang direksyon ng buhay niya ng makilala niya ang isang ex-gangster na si Jak...