Chapter 21 : Meet my...

4 1 0
                                    

CHRYS' POV

"Pano mo nalaman yung size ko?", nagtataka kong tanong kay Jake habang sinusukat yung ibang gamit na pinabili niya para sakin.

Alam niya pala na hindi ako magdadala ng mga damit kaya ipinabili na niya ako. Kasama na rin doon yung mga size ng damit, shorts, at mga underwears ko.

Nakakahiya.

"Kay Marie", simple niyang sagot at naupo siya sa paanan ng kama at nakangiting pinagmasdan ako.

"Huwag mo nga akong tignan", medyo naiirita kong sabi. Nakakaloko kasi yung ngiti niya eh. Hindi ko alam kung may binabalak ba siyang masama o wala. Tss. "Bakit ba? Masama bang tignan yung pangarap ko?", nakangiti naman niyang sabi.

Harhar. Pangarap your face.

Hindi ko nalang siya pinansin at inayos ko na yung mga damit ko sa cabinet dito, pero napahinto ako ng may maalala ako. "Sino nga pala yung Ma'am Jane?"

"Si Mom ba?", tanong niya na ikinabigla ko. "WHAT?! M-Mom mo?!", gulat kong tanong sakanya.

Y-You mean, makikila ko na mamaya yung Mom ni Jake? No way! Hindi pa ko ready!

"Yeah? Any problem with that Babe?"

"Are you crazy?! Hindi mo man lang agad sakin sinabi----"

Napatigil ako ng may biglang kumatok sa pinto namin.

Who's that?

"Ako na", pagprisinta ko, nakatayo naman na din kasi ako eh. Kaagad kong binuksan yung pinto ng kwarto namin at tumambad sa akin ang isang hindi katandaan na babae.

"Yes Ma'am?", magalang kong tanong, hindi siya sumagot bagkus ay pinasadahan lang niya ng tingin ang buo kong katawan. Mula ulo hanggang paa matapos iyon ay ngumiti siya ng todo na akala mo ay nanalo siya sa lotto?

Huh?

"Babe sino ba--- Mom?", napatingin ako kay Jake na nasa likuran ko at agad ko rin naibaling yung tingin ko sa babae.

MOM?!

~

"Ang ganda pala talaga ng asawa mo", masiglang sabi ni Tita Jane. Sabi niya Mom nalang din daw yung itawag ko sakanya, pero sa kadahilanan nga na hindi matapang ang hiya ko ay Tita nalang muna ang itatawag ko sakanya.

Napagalaman ko rin na sila Jake din pala yung may ari ng island na ito (Jaja Island) kaya pala kilala siya ng mga tao dito. Tss. Kung hindi ko pa malaman kay Tita hindi niya talaga babalakin na sabihin sakin.

"Tita Jane, hindi niya po ako asawa, girlfriend po", pagtatama ko kay Tita. Hindi naman sa ayoko ng ganun, pero ang awkward kasi eh, alam niyo yun?

"Naku. Ganun naman din yon pag ikinasal na kaya ng bunso ko. Hihihi", nakakatuwa yung Mom ni Jake, ang cute. Tapos kahawig din niya ito.

"Oo nga naman Babe. Hayaan mo pag ikinasal tayo, dito tayo magha-honey moon", napabaling naman ako sa katabi ko na si Jake. Agad ko siyang siniko, pero yung hindi halata, baka kung ano pa isipin sakin ni Tita Jane eh.

Baliw na 'to. Honeymoon agad yung nasa isip?

Mabait naman si Tita at halatang tuwang-tuwa siya sakin. Kanina nga kulang nalang mahiya yung hangin na dumaan sa pagitan namin ng bigla niya ako yakapin sa sobrang saya niya. Hahaha. Ngayon lang daw kasi nagdala ng babae dito si Jake at hindi raw niya nababalitaan na nagkaka-girlfriend ito, kaya sobrang saya niya nung nalaman niya na nandito kami.

O diba? Ang dami ko na agad alam? Hahaha. Nahahawa ako sa kadaldalan ni Tita eh. Sorry naman.

"Hahaha. Saka dapat dito rin ganapin yung reception", pagsang-ayon pa ni Tita. Mag-ina nga -.-

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon