Chapter 20 : Vacation

7 1 0
                                    

CHRYS' POV

Nang makapasok kami sa campus ay agad na kaming dumiretso sa likod nito kung saan madalas kaming nakatambay ni Jake pag break time na.

Nang makarating kami sa likod ng campus ay kusa akong napatigil nang makita ko ang mga ilaw na nakabilog sa buong ground.

"Wow", tangi kong sabi. May ganito pala dito? Bakit hindi ko ata napapansin kahit na madalas kaming nagpupunta dito ni Jake? "Ang ganda", pagpuri ko pa at naglakad ako sa damuhan na kitang kita mo ang kagandahan ng kulay ng dahil sa mga ilaw. Hindi siya ganoon kaliwanag pero sapat na para makita mo ang dinadaanan mo.

"Mas maganda ka", napalingon ako kay Jake na ngayon ay nakangiti sakin at may hawak na puting rosas. Saan niya yon nakuha? (Chos.)

Napaawang ng kaunti ang labi ko sa pagkamangha. Napaka-gwapo niyang nilalang. Bakit kaya Siya gumawa ng ganito kaperpektong tao?

Napangiti ako ng lumapit siya sakin at iniabot sakin ang puting rosas. "Salamat", hindi maitatanggi sa boses at mukha ko na sobra akong masaya ngayon.

"Hindi ako tumatanggap ng thank you", nakakaloko niyang sabi kaya medyo napamulat ang mata ko pero agad ko rin naman iyon binawi at saka ngumiti ako.

Ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok ni Jake at tinignan siya sa mga mata. "I love you", pagkasabi ko non ay hindi ko na siya pinagsalita at agad ko ng sinakop ang kanyang bibig ng sakin.

I wish we could be like this forever. Pure love and full of happiness. It makes my heart pound everytime that he will touch me and it feels like I can't let go of him. I want to be lock in his arms no matter what happens. He's my home. My soul. My life. My everything.

"I love you more", nakangiti niyang sabi matapos maglayo ng aming mga labi at agad niya akong niyakap.

Kahit hindi niya sabihin ang salitang 'mahal kita' ay ramdam na ramdam ko iyon. Sa mga kilos at ginagawa niyang pagpapahalaga sakin ay sapat na para patunayan niya na mahal na mahal niya ako.

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin at yumuko at iniluhod ang isa niyang tuhod at inilahad ang isa niyang kamay sakin na parang, "Can I have this dance?", nakatodo ngiti niyang tanong sakin.

Napailing ako at sinabing "Walang music"

"Edi kakanta ako", desidido niyang sabi na ikinatawa ko ng kaunti. "Okay", nakangiti kong sagot at inilihad ko na rin ang kamay ko sa kamay niya.

Kaagad naman siyang tumayo at hinapit ang bewang ko upang mapalapit ako sakanya. Inilagay ko ang isa kong kamay sa balikat niya at yung isa naman ay sa kamay niya. Siya naman ay nakahawak sa bewang ko at ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko.

Nagsimula na kaming sumayaw at si Jake naman ay nagsimula na rin kumanta, ako naman ay nakatingin lang ng diretso sakanyang mga mata.

"Waiting for your call I'm sick, call I'm angry, call I'm desperate for your voice. Listening to the song we here to sing in the cards you remember butterfly, early summer, is flying on repeat just like when we were meet"

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pinagmamasdan ko ang bawat paggalaw ng labi niya habang kumakanta siya. Ang sarap pakinggan ng boses niya. Hindi maikakaila na magaling rin siya sa pagkanta.

"Like when we were meet. 'Cause I was born, to tell you I love you. And I am torn to do what I have to. To make you mine stay with me tonight"

Pagkatapos niyang kumanta ay tumigil na kami sa pagsayaw pero nanatili pa rin kaming nakatayo at mas inilapit pa niya ang katawan niya sakin at pinagsandal niya ang noo namin.

Wala sa aming nagsasalita, bagkus ay nagpapakiramdaman lang kami. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinamantala ang mga sandaling ito.  Nararamdaman ko ang paghinga niya na nakakapagpahina ng tuhod ko. Pakiramdam ko oras na bitawan niya ako ay mahuhulog ako.

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon