Chapter 30: Consequences

12 1 0
                                    


Kinabukasan. . .

Nakaharap sa salamin si Chrystal habang inaayos ang kanyang buhok ng may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto.

Kaagad naman niya itong pinapasok at nakita niya sa repleksyon ng salamin niya, na si Marie ang butler niya ang pumasok.

Inihayag ni Marie na nasa daan na ang magulang ni Chrystal at kailangan na niyang bumababa. Sinang-ayunan naman rin iyon ng dalaga kaya lumabas na siya sa kwarto niya, kasama si Marie at bumaba na sila.

Nasa kalagitnaan sila ng paghihintay ng maalala ni Chrystal si Jake, kaya tinanong niya si Marie kung nakausap ba nito si Jake, sumagot naman si Marie ng 'Opo' at nasabi na rin niya ng tungkol sa pagdating ang kanyang magulang. Nang marinig iyon ng dalaga ay napanatag na ang kanyang loob. 'Mabuti at naiintindihan siya ng kanyang nobyo.' Sa isip-isip ng dalaga.

CHRYSTAL YVES DAMIAN

Nakarinig na ako ng busina mula sa labas. Hudyat na nandito na ang aking mga magulang.

"Tara na po Ma'am", pag-aaya ni Marie. Tumango lang ako at naglakad na kami palabas, kung saan sasalubungin ko ang aking mga magulang. Sa halos ilang buwan na sila'y nawala ay ngayon ko nalang ulit sila makikita at hindi ko pa alam kung magiging maganda ang gagawin naming paghaharap ngayon.

Nagsimulang kumabog ang aking dibdib nang makita ko sila na pababa ng kotse. Papalapit na sila sa akin at ang puso ko ay patuloy pa rin sa pagkabog. Kinakabahan ako.

Tumikhim muna ako at ngumiti ng tipid. "Welcome back Mom and Dad", pagbati ko sakanila. Bibigyan ko sana ng halik si Mom ng bigla siyang umiwas at tinignan ako. Gamit ang malamig niyang mga tingin.

"You will owe a lot of explanation to us Yves", pahayag ni Dad at inaya na si Mom papasok sa loob ng mansyon.

Hindi na ako nakapagsalita, bagkus ay mas lalong nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko. Sa nakita ko na ekspresyon nila ay malalaman ko na marami silang alam at hindi nila nagustuhan iyon.

May naramdaman akong humawak sakin kaya napatingin ako kay Marie na katabi ko, may bahid ng pag-aalala sa mukha niya. Ngumiti lang ako ng tipid sakanya para ipakitang ayos lang ako.

Sumunod na ako sa loob at kasunod ko lang si Marie. Nagtungo kami sa dining area kung saan naghihintay si Mom and Dad.

Pagkapasok ko ay naupo na ako sa upuan at pinagmasdan ang mga katulong na pagsilbihan sila Dad. "Now, leave us alone", utos ni Dad matapos silang pagsilbihan ng mga maids. Umalis naman kaagad sila sa dining area, kasama rin doon si Marie.

Ngayon, kaming tatlo nalang ang nandito sa loob. Hindi ko na nakuhang magbreakfast ng dahil sa tensyon sa dito. Nagwawala na rin ang sistema ko. Habang tinitignan ko sila ay mas lalong nadadagdagan ang kaba ko.

"Nawala lang kami ng Dad mo, ganyan na nangyari sayo Yves?", pagbasag sa katahimikan ni Mom. Hindi patanong ang tono niya, kung hindi pagkadismaya.

Kumuha muna ako ng hangin bago sumagot sa tanong niya. "Mom, Dad, I'm sorry", nakayuko kong sabi. Wala akong iba'ng maisip na sasabihin kundi iyon lang.

"Sorry? Huh! Naloloko ka ng dahil sa lalaki Yves? Nawala ka ng two weeks, pinabayaan mo yung pag-aaral mo, at isa pa nagboyfriend ka ng isang gangster. Ganyan ba ang isang edukadang babae?!", napataas ang tingin ko sa Dad ko ng nagtaas siya ng boses.

"I'm sorry Dad. I'm really really sorry", patuloy ko sa paghingi ng tawad dahil iyon lang ang magagawa ko.

"Sorry for what? For disappointing us? Alam mo ba na pati yang pakikipagrelasyon mo sa lalaking yon, ay alam na rin ng mga kasosyo ko sa negosyo? Ngayon, tinatanong nila sakin kung anong klase ba ang ginawa naming pagpapalaki sayo. Goddamit Yves!", napasinghap ako ng ihampas ni Dad ang kanyang kamay sa lamesa, kaya lumikha ito ng malakas na ingay.

Ngayon ko lang nakita si Dad na nagalit ng ganito. Naramdaman ko na tumutulo na ang luha ko ng dahil sa takot. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Dad at lumuhod sakanya. "Dad, please forgive me. I'm sorry. I'm sorry Dad. I'm sorry", paulit-ulit akong humingi ng tawad sakanya pero hindi niya ako pinansin, tumayo lang siya at inilihis ang kamay niya upang hindi ko ito mahawakan.

"The damage was already done Yves. You better fix yourself and leave that guy", huli niyang salita bago lisanin ang hapag-kainan.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. "You really disappoint us Yves", napalingon naman ako kay Mom na papaalis na rin. Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil pinangunahan na ako ng mga paghikbi ko.

Tumayo ako sa pagkakaluhod ko at saka umupo sa pinakamalapit na upuan. Nanghihina ako sa mga narinig ko. Namalayan ko rin na nanginginig na ang buo kong katawan ng dahil sa takot.

Eto na ba? Eto na ba ang parusa ko? Eto na ba ang karma ko?

~

Maghapon na siguro ako'ng nakakulong dito sa loob ng kwarto ko. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Hindi ko matanggap na ganito pala ang magiging kaparusahan ko.

Pero, bakit ganito? Anak naman nila ako ah? Hindi ba nila ako mapapatawad? Sobrang laki ba ng naging pagkakamali ko? Ngayon nalang ulit kami nagkita pero, ganoon pa ang nangyari.

'You better fix yourself and leave that guy'

Paulit-ulit rin na umuukitkit sa utak ko ang mga katagang yan ni Dad. Hindi ko pwedeng iwan si Jake. Hindi pwede. Mahal na mahal ko siya.

Habang iniisip ko yan ay kusa nalang tumatakas ang mga luha ko sa mga mata ko. Ang sakit lang kasi isipin na, sobra ang naging galit nila sakin at pati si Jake ay idinamay.

Papano nalang kami ni Jake? Alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal at alam rin niya na hindi ko kaya pag nagkahiwalay kami.

Kababalik ko lang tapos ganito pa yung mangyayari? Dapat pala talaga hindi nalang ako umalis.

Natinag ako sa pag-iyak ko ng biglang mag'ring ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang caller ay kaagad ko itong sinagot.

[Babe?]

"Hey Babe", pilit kong pinasigla ang boses ko. Hindi niya pwede malaman ang mga nangyayari dito.

[Sooo, kamusta yung pagdating ng parents mo?]

"Great! Sobra ko nga silang namiss kaya hindi ako nakapasok, para makasama sila ngayon", I'm such a liar.

[Good to hear. Sana makilala ko rin sila. By the way, bakit si Marie pa yung nagsabi sakin na dadating yung parents mo? Busy ka ba kahapon?]

Oh. F*ck. "Ahm. Oo eh. Naghanda kasi ako sa pagdating nila, kaya si Marie nalang yung inutusan ko para tawagan ka"

[Oh. I see. Papasok ka na ba bukas? Gusto mo ba sunduin kita?]

"H-Ha? Hindi pa siguro ako makakapasok. May pupuntahan kami bukas eh. Sorry ah."

Napapapikit nalang ako sa mga sinasabi ko. Hindi ko kayang sabihin kay Jake ang kaganapan dito ngayon. Kaya kailangan ko muna'ng magsinungaling.

[Okaaaaayyy. Wala naman problema don. Basta mag-iingat ka lang palagi. Sige ah, pupunta kasi dito sila Andy ngayon. May pag-uusapan kami. Bye. I love you]

"I love you more. Bye", matapos iyon ay pinatay ko na ang tawag kasabay din non ang pagbuntong hininga ko. Hindi ko alam kung paano ko mareresolba ang problema na ito.

Napatingin ulit ako sa cellphone ko ng magvibrate ito.

From Carlson:

Hey woman. Where are you? Kagagaling ko lang sa condo mo pero wala ka na dito. Pano na yung date natin?

Oh. *Beep sensored* Muntik ko ng makalimutan si Carlson. Ghad. Dapat talaga hindi ako sumasang'ayon sa lalaki na yon. Pero, pano na nga ba yung date?

Aish >.<! Bakit ko ba yon pinoproblema ha? Mas malaki yung problema ko ngayon dito 'no?! Tss.

Baka pag nalaman ni Jake yung tungkol kay Carlson, ay nako hindi ko ma'imagine yung gagawin ni Jake sakanya.

Okay Crystal, mag'focus ka muna sa mas malaking problema.

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon