Chapter 23 : Painful, Blind, Secrets

5 0 0
                                    

CHRYS' POV

Tumigil kami sa paglalakad ni Jack at naupo kami sa buhanginan. "Tell me, bakit ganon nalang kalaki ang galit ni Jake sayo?"

"Simula nung bumalik ako dito sa Pilipinas, siguro iyon na yung oras na nagsimulang magalit sakin si Jake. 12 years old na ako noon at galing akong US, lumaki ako doon na ang kasama ko ay ang mga Tito at Tita ko, si Jake naman ay naiwan dito sa Pilipinas kasama sila Mom at Dad. Pagbalik ko dito, pakiramdam ko nag-iisa lang ako, kasi nga wala ang loob ng magulang ko sakin kundi na kay Jake lang. Nagtataka nga ako kung ampon lang ba ako o ano, kasi hindi man lang pinaramdam sakin na namiss nila ako, dahil nga sa nawala ako ng matagal, pero wala akong napala, umasa lang ako sa wala", sa bawat salitang binibitawan ni Jack ay parang sobrang mabibigat ang mga ito, punong-puno ng sakit, lungkot at hinanakit.

"Kaya ako na mismo ang lumapit sakanila, wala din naman kasing mangyayari kung hindi ako gagalaw, hindi nila ako makikita at mapapansin kung nakatayo lang ako kasama ng anino ko. Sinimulan kong kausapin at sumama palagi sa mga magulang ko, hanggang sa makuha ko ang loob nila, pagkatapos naman ay kay Jake, madalas ko siyang inaaya maglaro, pero ayaw niya sakin. Hindi ko alam kung bakit, pero noong huli ay nalaman kong nagseselos siya sakin, kasi madalas na akong gawing prayoridad ng magulang namin kaysa sakanya. Hanggang sa dumating yung punto na nag-away kami ng dahil sa isang laruan, nasira ko kasi yung laruan niya, kaya ayun nagsumbong siya kay Dad, nagalit naman ngayon sakin si Dad, humingi ako ng humingi ng sorry pero hindi niya ako pinapansin kaya kinulit ko siya lalo, hanggang sa masigawan niya ako at kasabay nun yung pag-atake ng puso niya. Oo. May sakit sa puso si Dad. Namatay siya, pero ang sabi ng Doctor ay inatake si Dad hindi dahil sa kakulitan ko kung hindi dahil sa  pinoproblema na niya nung mga oras na iyon yung nalulugi naming kompanya", litanya niya. Nabigla ako ng malaman kong patay na pala ang Dad nila.

"Nang mamatay si Dad mas lalo akong hindi pinansin ni Jake, sa tuwing kakausapin ko naman siya ay sinasabi niya sakin na ako raw ang may kasalanan kung bakit namatay si Dad. But God knows, wala akong kasalanan. Simula non, hindi na kami nag-usap ni Jake, at napagdesisyunan ko naman na aagawin ko ang lahat kay Jake, hindi dahil sa gusto ko siyang galitin, gusto ko lang na mapansin niya ko. Masakit kasi Chrystal yung pakiramdam ng binabalewala ka ng isang taong importante sa buhay mo, nawala ko na si Dad, si Jake nalang at si Mom ang pamilya ko", matapos niya yon ilahad ni Jack ay nakita ko ang mga luhang nag-uunahang kumawala sa mga mata niya.

Mas lalo akong nalungkot sa nakikita ko. Hindi naman talaga masama at mang-aagaw na tao si Jack. Gusto lang niyang makaramdam ng pagpapahalaga at pagmamahal ng isang pamilya. Parang ako lang pala si Jack, naghahanap kami parehas ng aruga at tunay na pagmamahal.

"Jack", pagtawag ko sakanya at agad ko siyang niyakap. Kahit ngayon lang, ipaparamdam ko lang kay Jack na may tao pa rin na nagpapahalaga sakanya at hindi siya binabalewala.

"Ang sakit Chrystal. Sobra ", patuloy pa rin siya sa pag-iyak at ako naman ay patuloy lang siyang inaalo. "Alam ko. Naiintindihan kita Jack"

Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon at siya na mismo ang kumalas sa pagkakayakap namin. Nang harapin ko siya ay mugtong-mugto ang kanyang mga mata at namumula ang kanyang ilong na halatang-halata na galing lang siya sa pag-iyak. "Maraming salamat Chrystal"

Determinado akong ngumiti sakanya. "You're always welcome. Basta tandaan mo, may tao pa rin na nagpapahalaga sayo, at isa na ako doon"

Niyakap niya akong muli. "Thank you. Thank you. Thank you.", walang humpay niyang pasasalamat. "Biglang gumaan ang loob ko. Salamat sayo Chrystal", sabi niya at kumalas ulit sa pagkakayakap.

"Welcome. Welcome. Welcome. Sa susunod wag ka ng iiyak ah? Hindi kasi bagay sayo", sabi ko sa pabirong paraan, natawa naman siya doon. Gumaan din ang loob ko ng makita kong tumawa siya.

"Salamat talaga ah. Gusto pa kitang makasama kaso, baka hinahanap ka na ni Jake", nakangiti na niyang sabi.

Agad namang nasagi sa isipan ko si Jake. Ay patay! Anong oras na ba?

"A-Ay. Oo nga. Sorry ah. Kailangan ko na palang umalis", sabi ko at nagmadali akong tumayo gayon rin naman si Jack. "Okay lang. Salamat ulit."

Ngumiti ako at saka tinapik sa balikat si Jack. "Bye!", sigaw ko at nagmadali akong tumakbo papunta sa hotel.

~

"Jake?", tawag ko agad kay Jake nang makita ko siyang nakaupo sa bandang paanan ng kama. Nakapatay ang mga ilaw pero nakikita ko pa rin siya dahil sa liwanag ng buwan mula sa bintana na malapit sa balkonahe.

"San ka galing?", nakayuko lang siya ng itanong niya sakin yon. Nanindig din ang aking balahibo sa malamig na tono nito.

"S-Sa dalampasigan", kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit.

"Sino kasama mo?", tanong niya gamit pa rin ang malamig at mapanakit na tono ng pananalita niya."A-Ako lang."

"Dammit woman! Liar! Cheater! You're with that bastard! ", agad akong napaatras sa biglang pagsigaw niya at pagtayo.

Nakita niya kami kanina? Kaagad ako lumapit sakanya at hinawakan siya sa braso. "No. It's not what you think Jake. Please let me explain"

"Explain what?! That you are in a relationshit with that asshole?!", sigaw pa niya at hinawakan ako sa magkabilang braso. Naamoy ko rin na nakainom siya ng alak. "N-No! Jake please! Believe me! I love you. I can't do that to you", pagmamakaawa ko, naiyak na ko dahil mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Bullshit! You're a slut!", patuloy pa rin niya sa pagsigaw sakin. Pero hindi ko na rin nakontrol ang sarili ko kaya nasampal ko siya. Pero hindi ko inasahan ang sumunod na pangyayari , sinampal din niya ako dahilan para mapaupo ako sahig. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak.

"Nandidiri ako sayo", iyon ang huli kong narinig mula sakanya bago niya isarado ang pinto.

Hindi totoo ang lahat ng ito. Pakiusap, sabihin niyo sakin na binabangungot lang ako.

Walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha. Nasasaktan ako. Sa lahat ng ginawa at sinabi niya sakin. Ngayon ko lang siya nakita na magalit ng ganito.

Jake hindi kita niloko...

~

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang cellphone kong nagriring. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at hinanap ang tumutunog na bagay na iyon.

Jasmin calling...

Kaagad kong sinagot ang tawag ng makita ko kung sino ang caller.

[Chrys! Thanks God your safe!]

"Huh? Bakit--Ouch", napatigil ako sa pagsasalita ng biglang kumirot ang pisngi ko.

[What happen Chrys?!]

"W-Wala. Bakit ka napatawag?"

[Asan ka ba? I thought you're with Jake pero nung makausap ko siya kanina, hindi ka naman daw niya nakasama at kasama]

Napantig ang tainga ko sa narinig ko.

"W-What do you mean nakausap mo siya?"

[Nakausap ko siya. Nakasalubong ko kasi siya kanina sa daan. Tapos nung tinanong ko siya tungkol sayo, wala naman daw siyang alam. Asan ka ba kasi ha? Wala ka rin sa bahay niyo]

Kusang pumatak ang mga luha ko. Iniwan ako ni Jake dito?

[Chyrs? You still there?]

"Y-Yes. Okay uuwi na ko", pagkatapos non ay pinatay ko na agad ang tawag at tuluyan ng nagsiagos ang mga luha ko.


Bakit ang sakit? Jake bakit?

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon