CHRYS' POV
=__=++
" Chrys okay ka lang ba? ", pagtatanong nilang dalawa.
" I'm fine. Lets just get out of here ", wala sa mood kong sabi.
" Okay ", - Both
Nagsimula na kaming tumayo at lumakad palabas ng cafeteria. Pinipilit ko rin na hindi ako makita ng dalawa na yon lalo na nung magaling na Jake na yun. Argh. Panira talaga ng mood. Ano pa sense ng pagsosorry niya kagabi ha?
Nang ---
" YVES?! "
!
Agad akong napatigil sa paglalakad ng may tumawag sakin at alam ko kung sino yun.
Hinarap ko yung tumawag sakin at tama nga ako, yung balyena nga na 'to yung tumawag sakin. Syempre agaw eksena rin kami dito sa loob ng cafeteria at nasa amin na ngayong yung atensyon ng lahat Psh. Nakita pa niya ako sa lagay na yon?
Nagmadali naman siyang lumapit sakin at of course again, nakakapit siya kay Jake kaya may tendency na kasama si Jake sa paglapit sakin.
" Oh! You again? ", plastik kong sabi.
" Yep. Hi ! Dito na pala ako mag-aaral, kung pwede sana maging friends tayo ", - Siya
" What?! Dito ka mag-aaral?! ", gulat kong sabi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
The eff? Hanggang dito pa naman ba nakakapit siya kay Jake? Argh.
" Yah. Gulat ko 'no? Pero pwede ba tayo maging friends? Please? ", - Siya
Si Jake, nakatingin lang sakin. Tss. Ano ba binabalak ng lalaki na 'to ha? Naaasar na talaga ako ng sobra.
" Friends? Uhm. I will think about it, okay? ", - Ako
" Okay! I guess I'll see you around. Byie! Babe let's go ", - Siya
I almost drop my jaw. The heck.
~
Arggghhhh !!!
" Oy baka magtransform ka na into monster ", napatingin ako sa nagsalita na si Jas at tinignan siya ng masama.
" Sorry po ", pagbawi din naman niya agad. Tsk. Alam na niya kasi na wala na talaga ako sa mood.
Kaming dalawa lang ni Jas ang magkasama ngayon dito sa room, dismiss na, kanina pa, pero ayoko muna umuwi at nababadtrip talaga ako. Si Lara nauna ng umuwi may emergency daw sa bahay nila.
" Chrys naman kasi. Huwag mo na muna siyang alalahanin. Nakita mo naman diba? Mas maganda at mas angat ka sa babae na yun ", tumingin nalang ulit ako ng masama kay Jas. Ayokong magsalita, baka kung ano pa masabi ko. Tss.
Sumasakit na rin yung ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa Jake at sa balyena na yon. " Makipag-break nalang kaya ako kay Jake? ", matiim kong tanong kay Jas na ikinagulat niya.
" Huh?! Ano?! Wag! ", pagsagot niya na ikinagulat ko.
" At bakit wag? Wala na kong halaga sakanya. Mas binibigyan pa niya ng oras yung balyena na yun keysa sakin, sakin na GIRLFRIEND niya or should I say soon-to-be-ex-girlfriend niya ", Ouch. Kahit ako may sabi nun ako pa nasaktan. Tss.
" Chyrstal Yves Damian ", pagtawag ni Jas. Edi sige full name pamore. " Alam mo, ganyan talaga, kailangan mo muna magtiis, diba para sayo naman yung ginagawa niya na yon? Para hindi ikaw ang mapahamak, saka wag kang kaagad susuko, maliit na bagay pa lang yan, marami pang posible na dumating na malalaking problema sainyo ni Jake. Intindihin mo nalang siya. Mahal ka niya kaya ipinaglalaban ka niya sa paraan na makakaya niya, kaya dapat ikaw wag mo rin siyang susukuan ", litanya ni Jas na akala mo magso-SONA o di nama'y parang si Papa Jack kung makapag-advice.

BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away
Teen FictionPaano mo nga ba mamahalin yung tao na ayaw mo naman talagang mahalin? Makikilala niyo dito si Chrystal Yves Damian, isang kolehiyala na may simpleng pamumuhay pero mag-iiba ang direksyon ng buhay niya ng makilala niya ang isang ex-gangster na si Jak...