CHRYS' POVUgh. Ang sakit ng ulo ko. Dapat pala talaga hindi ko nalang inisip yung lalaki na yun eh. Napuyat tuloy ako. Tch.
" Ma'am eto na po yung breakfast at gamot niyo ", sabi ni Marie at inilapag ang tray na may laman na pagkain sa kama.
Nagsimula na kong kumain para makainom na ko ng gamot.
" Ma'am siya nga po pala. Tumawag po kanina sila Sir at Madam pinapasabi po nila na hindi muna po sila makakauwi, baka po next month pa raw po sila makauwi ", litanya ni Marie kaya agad akong napatigil sa pagkain.
" What? ", - Ako
" Sabi po nila Sir at Madam baka next month pa raw po sila makauwi, madami raw po kasi silang inaasikaso doon ", pag-ulit ni Marie.
Deep sigh. Lalong sumasakit yung ulo ko sa mga narinig ko. Hindi man lang nila ako kinamusta. Tss.
Tumango lang ako at saka ipinagpatuloy ang kinakain ko.
Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng halaga sakanila.
~~~
Nagdaan ang mga araw hindi pa rin umuuwi ang mga magulang ko at hindi ko pa rin nakikita ulit si Jake. Sobra siguro naging galit sakin ng lalaking yun kaya hindi siya nagpapakita. Haayys.
Uwian na namin ngayon at as usual andito kami palagi sa labas ng school sa main gate. But this time kasama ko na si Lara at Jas.
" Chrys, hinahanap mo pa rin ba siya? ", pagtatanong ni Jas kaya napalingon ako sakanya.
" Sino? ", tanong ko rin.
" Edi si Jake. Duh? Palagi ka nalang ganyan, palaging lumulutang yung utak mo, miss mo na siya 'no? ", sabi naman ni Lara.
Hindi nalang ako sumagot at ibinalik ko nalang ulit yung tingin ko sa daan at sa mga taong naglalakad.
Haayy. Oo, tama sila Jas at Lara, miss ko na nga si Jake, kahit ilang araw ko palang yun nakakasama malaki na rin ang naging puwang niya dito sa isip at puso ko. Ewan, masyado yata akong fast learner kaya agad siyang nagkaroon ng halaga sakin. Tss.
" Aysus. Miss na nga niya si Jake. Tsk. Tsk. So sad naman ", - Jas
" Oo nga. Nakipagbreak ka kasi eh, kaya malamang hindi na sayo yun magpapakita ", - Lara
Mga kaibigan ko ba 'to ha? Imbis na i-up nila yung feelings ko lalo pa nila itong dinadown. Psh. Mas lalo tuloy akong nalulungkot.
" Guys, tara mag-bar tayo ", sabi ko.
" Ha? Bakit--- "
" Sige, go ako, wala namang pasok bukas eh ", pagputol ni Lara sa sinasabi ni Jas.
" Good. Let's go ", - Ako
" Pero, Chrys hindi yan yung kasagutan kapag nalulungkot ka ", parang nag-aalalang sabi ni Jas.
" Ha? Sino ba may sabing nalulungkot ako ha? Gusto ko lang makapagbonding tayo. Diba Lara? ", - Ako
" Oo nga naman Jas ", pagsang-ayon sakin ni Lara.
Yes! Hahaha.
" Tch. Sige na nga "
~~~
JAS' POV
( At Bar )
" Taposh sha na nga yung may kashalanan sha pa galit? Huh! Baliw talaga yung Jeyk na yan. Pshh-- ", patuloy na pagbubuhos ng sama ng loob ni Chrys.
Hay. Napamahal na talaga siya kay Jake. Andito kami ngayon nila Lara at Chrys sa bar, para naman daw makapagbonding kami. Pero, ang nangyayari ngayon ay malabong tumutukoy sa salitang bonding. Tss.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away
Teen FictionPaano mo nga ba mamahalin yung tao na ayaw mo naman talagang mahalin? Makikilala niyo dito si Chrystal Yves Damian, isang kolehiyala na may simpleng pamumuhay pero mag-iiba ang direksyon ng buhay niya ng makilala niya ang isang ex-gangster na si Jak...