CHRYS ' POVKinabukasan....
Naglalakad na ko ngayon dito sa hallway.
Time check. 7:45 am
Hhmm. Maaga pala akong pumasok ngayon.
Kagabi, ginamot muna ni Jake yung sugat ko sa tuhod at pagkatapos nun ay sabay kaming nag-dinner. Medyo late na ng mapagpasiyahang umuwi ni Jake, napasarap kasi kami sa pagkukwentuhan saka sa pagmomovie marathon. Ang saya pala niyang kausap, hindi ako nabored sa pinag-usapan namin saka sobrang dami niya saking ikinwento tulad nalang kung saan siya lumaki, kung ano yung mga hilig niya, saka kung ano yung mga ginagawa niya dati nung kasama pa siya sa Black Rain.
Hmp. Medyo curious pa rin ako sa history ng Black Rain. Gusto kong malaman kung bakit nasali dun si Jake pero hindi niya yun binanggit. Kagabi nga sa tuwing magtatanong ako kung bakit siya nasali at naalis sa group na yun, palagi niyang iniiba yung usapan kung hindi man, hindi niya pinapansin yung tanong ko na yun. Siguro ayaw lang niya talaga pag-usapan yun kaya hindi ko na ipinilit. But still gusto ko pa ring matuklasan ang sagot sa tanong ko na yun.
" Hi Chrystal ", nakangiting bati sakin ng isang lalaking estudyante na nakasalubong ko sa hallway. Ngumiti lang ako sakanya.
" Good morning ", - Student guy 2
" Hey. Good morning. Have a nice day ahead ", - Student guy 3
Bawat makakasalubong ko na bumabati sakin ay nginingitian ko lang ---
" Chrys! "
!?
Napalingon ako bigla sa tumawag sakin at nakita ko si Jas at Lara.
" Oh? Ang aga-aga kung makatawag kayo sakin ", sabi ko sakanilang dalawa ng makalapit sila sakin.
" Hahaha. Bakit masama ba? ", - Jasmin.
" Hindi naman ", pagsagot ko.
" Hindi naman pala eh ", - Jas.
" Ay! Sya nga pala Chrys punta tayong mall ngayon ", - Lara
" Ha? Diba may pasok pa tayo? ", nagtataka kong tanong sakanya. Nagpatuloy lang kaming tatlo sa paglalakad.
" Haha. We forgot to inform you. Wala yung tatlong Prof natin nasa seminar daw. Kaya wala muna tayong klase, mamayang hapon na ulit yung start ng class natin ", litanya ni Jas.
Ohhh...
Tumango-tango lang ako bilang reaksyon ko.
" So ano pa hinihintay natin? Lets go na? ", pag-aaya ni Lara.
" Huh? Seven in the morning palang so it means wala pang bukas na mall sa ganitong oras ", pagpapaliwanag ko. Like duh? Ang aga-aga pa kaya.
" Ay oo nga 'no? So saan na tayo ngayon pupunta? ", - Lara
" Hhm... Punta nalang tayo ulit sa Amorris Academy ", suhestiyon ni Jas na ikinagulat ko.
" Ha? Ano naman gagawin natin dun? ", nagtatakang tanong ni Lara.
" Uhhm. Mangha-hunting tayo? ", nakakalokong sabi ni Jas.
?!!
" Huh?! Ay oo! Marami nga akong nakikitang gwapo nung nag-aaral ako dati dun. Tara! ", biglang pagsang-ayon ni Lara at halata sa mukha niya ang pagka-excite.
Hala?! Medyo wanted na nga ako sa school na yun eh, tapos babalik pa ko? Saka kagagaling lang namin dun.
" Oh Chrys? Pano? Tara na? ", tanong ni Jas.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away
Teen FictionPaano mo nga ba mamahalin yung tao na ayaw mo naman talagang mahalin? Makikilala niyo dito si Chrystal Yves Damian, isang kolehiyala na may simpleng pamumuhay pero mag-iiba ang direksyon ng buhay niya ng makilala niya ang isang ex-gangster na si Jak...