Chapter 19 : He's Back

10 1 0
                                    

CHRYS' POV

" Oh bat kausap mo ata yung karibal mo kanina? ", nagtatakang bungad sakin ni Jas ng makapasok ako sa room. Bakit alam niya na nag-usap kami?

" Huh? Nothing. Kasali na raw kasi ako sa circle of friends niya ", kahit ayoko. Like duh? Tumabi na ko agad sakanya ng magsimula ng mag-bell.

" Really? May circle of friends pa talaga siya ha? ", natatawang sabi ni Jas. Wala nga pala ngayon si Lara, kasi may emergency daw ulit.

" Mapa ", simple kong sagot at wala akong balak alamin. Hindi ako interesado kay Angelica, kung hindi lang dahil kay Jake hindi ko talaga gagawin yon. Tss.

Tumango-tango lang si Jas at nanahimik na sa kadahilanan na dumating na kasi yung Prof namin. Saka hindi ko na rin muna ikukwento sakanya yung nangyari kagabi sa bahay, para kahit papano may privacy naman yung relationship namin ni Jake. Hihihi. Naalala ko nanaman siya. *~*

~

-____-

" Grabe nga eh. Pinag-aagawan nila 'tong Babe ko. Mabuti nalang at ako yung pinili niya ", masayang kwento ni Angelica habang nakakapit kay Jake.

" Ay oo, sa gwapo pa naman niyang boyfriend mo eh, talagang pag-aagawan siya ", pagsang-ayon naman ni Jas, close na sila eh, may magagawa pa ba ako? Tssss. Naiirita nanaman ako sa nakikita ko.

Nakapoker face lang ako at hindi nalang ako nagsasalita. Nawalan ako ng gana. Andito nga pala kami ngayon sa isang coffee shop sa harap ng school namin, dismiss na rin kasi ng klase at in-announced na rin kanina na next week nalang daw ulit yung pasok namin, may seminar kasi ang lahat ng prof. Mas okay yun, kasi maiimbyerna lang ako pag nangyari na may pasok bukas. -.-

" Hehe. Kaya love na love ko 'tong si Jake eh. ---- Wait, Yves, bakit hindi ka nagsasalita? May problema ba? ", pagtatanong niya. Mabuti naman at nalaman niyang andito pa rin ako hano?

" Oo eh. Yung boyfriend ko kasi may kasamang iba. Tss ", wala sa mood kong sabi at tumingin ako kay Jake na nakatingin din pala sakin. Argh.

" Ha? Totoo? Tara resbakan natin yung babae na yon ", saad naman niya habang inihahanda na yung kamao niya.

Oh ghad. Kung alam mo lang Angelica. Tsk.

" No. It's okay. Kaya ko rin naman siyang pabagsakin mag-isa eh. Anyway, pwede na ba akong mauna? May pupuntahan pa kasi ako eh ", at sa totoo lang, ayaw lang talaga kita makasama. -____-

" Eh sige. Babe pwede mo ba siyang ihatid sa pupuntahan niya? Dito lang kami ni Jasmin, balik ka nalang agad dito, okay lang ba sayo yun Yves? ", suhestiyon pa niya. Wala talaga siyang alam tungkol samin. Poor Angelica.

" Sure, hindi ko rin kasi dala yung kotse ko eh ", nakahalf smile kong sabi at tumayo na ko. " Jas, mauna na ko ah, just text me later, aryt? Bye guys "

" Bye din guys, babalik agad ako. Let's go Yves ", paalam din naman ni Jake at nauna na kaming lumabas ng shop.

~

(At School-Parking Lot)

" Saan mo ba balak pumunta? ", pagtatanong agad niya ng makapasok kami sa kotse niya.

" Malayo sainyo ni Angelica ", nakabusangot ko namang sagot. Naiinis lang talaga kasi ako eh. Hindi na kasi kami nakakapag-bonding ni Jake ng dahil lang sa Balyena na yun. Tss.

Hindi muna niya pinaandar ang saaakyan bagkus ay lumabas ulit siya ng kotse at---

HUH?!

" Saan mo ba ako dadalhin?! ", agad niya kasi akong hinila palabas ng kotse at hinatak ako kung saan man niya balak pumunta.

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon