Chapter 78

660 45 2
                                    

Chapter 78

"Oh?"

Nagulat si Eden when she opened the door of her room at bumungad sa kaniya si Callirhoe na kasama ang gwapong bata na nakita niya kanina when she arrived at Aileth Empire's palace grounds. May hawak itong jewelry box.

"Good afternoon, Your Royal Highness. Pardon for the intrusion." Bati nito sa kaniya. "I was actually here for my sister, si Ate Hera."

"Ay, hala!"

Nataranta siya nang malamang prinsipe rin pala ito.

"Pasok po, Your Imperial Highness." She opened her door widely para makapasok ito.

"Are you sure, Your Royal Highness? Lalaki po ang papasok sa kwarto niyo." He blinked.

"Oh, ayos lang." She smiled, ushering him to come in.

Nang tinignan niya si Callirhoe, nagpaalam na ito na aalis muna kaya nagpasalamat siya bago sinara ang pinto ng kaniyang sariling kwarto.

"Her Imperial Highness is in the bathroom. Nagpapalit siya for her ballroom gown." Anunsyo nito sa pinaka-batang prinsipe. "Uhm... Please sit down po."

"Thank you po."

Naupo ito sa couch while she sat down on her bed, hands on both her knees dahil sa awkwardness.

"Ah... I forgot to introduce myself po pala." He beamed brightly. "My name's Aileth Morana di Lokesio, the Third Imperial Prince of the Aileth Empire."

Nabigla ito at natatarantang tumayo para magpakilala. "Edinariel Yuri po, just call me Eden."

"I'll call you Ate Eden na lang, hehe. Please call me Loki na lang din po."

He was so chill for a child, nagulat si Eden actually. Ang layo kasi ng ugali nito sa ugali ng panaganay nila. Akala niya ay kasing-lamig din nila ang Kuya Hades nila, but they were actually very different from each other.

Hera is too hyper while this Loki is really sweet. Napaisip tuloy siya kung ampon ba ang panganay nilang kapatid o sadyang pinaglihi lang sa yelo.

"How old are you, Ate?" Loki asked nang mapansin ang pananahimik ng prinsesa.

"I'm currently 18 years old." She smiled.

"You're the same age as Kuya Ares." Loki gasped. "What's your type in a man, Ate?"

He suddenly got excited and curious. Ewan niya pero gusto niyang maging parte ng pamilya ang prinsesang ito.

"Mayaman."

Loki blinked, nagulat. Hindi niya inaasahan ang narinig.

She looks like someone who would choose an attitude more than anything else. Mas nakuha tuloy nito ang interes niya.

Natawa na lamang siya. "Mayaman ang pamilya namin, Ate. Gusto mo bang ipakilala kita kay Kuya Ares?"

"Hala siya oh."

Nanlaki ang mga mata ni Eden sa narinig. Hindi niya naman kasi aakalaing ise-set up siya ng batang ito.

Tinawanan lang naman siya ni Loki. "Sali ka sa ball mamaya, Ate?"

"Oo, eh."

Doon na gumuhit ang kaba sa hitsura ni Eden. Hindi siguro ito sanay sa maraming tao.

"Pero hindi ako magtatagal. Baka raw kasi mapa'no ako."

Loki pouted. "Kasama mo naman po si Callirhoe, ah."

"Ayos lang naman sa 'kin na hindi ako gano'n katagal mag-stay roon. Mabilis lang kasi akong mapagod, aside from the magic weakness I have."

Reborn as the Tyrant's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon