Chapter 80
"I'll go check on Kuya."
Napatingin si Hera kay Loki na nasa tabi niya na.
Nasa gitna kasi siya ng silid, kalilinis niya lang ng mga dugong dumanak sa sahig using her magic. Inutusan kasi ni Hades.
"You worried about him?"
"Yes. Nagpaalam na ko kay Mama." Loki smiled at her.
"Well, good to know that someone's worried about him because I'm not." Hera pouted, looking away, rolling her eyes.
Loki laughed, tapping his sister, bago lumabas na ng silid na iyon.
He walked, hindi alam kung saan pupunta. Nasa second floor kasi ang ballhall kaya hindi siya sigurado kung bababa ba siya para mahanap ang kapatid o nandito lang siya sa second floor.
He noticed a balcony kaya naglakad siya palabas doon, sumilip at nakitang garden pala ang tabi ng palasyong ito sa banda roon.
Papasok na sana ulit siya when he heard voices from below.
He looked down at nakita ang hinahanap niyang kapatid, may hawak na espada na nakatutok sa leeg ng babaeng ikinagulat niyang makita.
The woman has magenta colored hair na nagmukhang light dahil sa sinag ng buwan. May shawl pang nakabalot sa kaniyang balikat pababa na tumerno sa suot niyang gown. She looks classy and elegant with it.
He suddenly wondered who that is dahil mukhang kasing-edad niya lang ang pangalawa nitong kuya.
"Aren't you going to answer?" Nakangisi si Ares sa kaniya.
Pansin sa babae ang panginginig niya sa takot but she's trying her best to masked it.
Nainis si Ares kung kaya't itinaas niya ang espada, handang pugutan ng ulo ang babaeng nasa harapan niya na nataranta at kaagad na sumagot sa kung anong tanong sa kaniya ng ikalawang prinsipe.
"I l-love you, Your Imperial Highness!"
Natigilan si Ares sa narinig. He looked at the woman, amusement can be seen in his eyes.
Itinutok niya ulit ang espada sa leeg nito.
"You love me?" Natatawa nitong tanong. "You followed me here because you love me?"
"I... A-ano..."
Lumunok ito, humugot ng malalim na hininga bago nagsalita, takot na mainis ang prinsipe.
"I actually w-want to confess t-to you so I followed y-you here."
"You followed me to confess?" Hindi makapaniwala si Ares pero hindi nawala ang ngisi sa labi niya. "Your name?"
Hindi nakasagot ang dalaga ngunit nang mapansin na nauubusan na ng pasensya si Ares, kaagad din siyang sumagot, not having any other choice but to reveal herself.
"Proserpine of the Ezackart Family, Your Imperial Highness."
"You're that bastard's daughter?" Natawa si Ares, referring to Duke Ezackart.
Hindi nakasagot si Proserpine. Her hand is still clutching her shawl, nanginginig pa rin.
"Tell me, crazy bitch of the Ezackart Family."
Ares called her by her nickname in the society.
"Tell me the reason why you love me."
"E-excuse me?" Nagulat ito.
"What? Don't tell me wala kang rason na nagustuhan mo ko?"
He's definitely teasing her in the most serious way na mas nagpakaba sa dalagang kausap. Akala kasi nito ay seryoso talaga siya.
BINABASA MO ANG
Reborn as the Tyrant's Son
FantasyRomeo and the Lily is a romance fantasy novel about Romeo, an aspiring knight who met the kind and pure lily, Amena. As they face the hardships together to have their happily ever after, Hera, the Emperor's sister, made Amena's life miserable for st...