Chapter 104

702 38 3
                                    

Chapter 104

"Where were you?"

Iyon kaagad ang bungad ni Ares kay Loki after he came back from who knows where.

"Someone stole my money kaya hinabol ko pa." Kinamot niya ang batok niya, laughing slightly.

"Did you managed to get it?" Lingon niya kay Davidson na siyang kasama niya kanina pero naunang bumalik dahil iniwan niya ito.

Davidson showed him the wrapped package that Romeo accidentally let go earlier when he helped Loki, the Imperial Prince in disguise.

"That's good. Find out everything about the man that helped me. I need the information tomorrow, first thing in the morning." Utos niya.

Ares stared at his younger brother. "Can we go home now?" Bagot niyang tanong.

Loki blinked as he stared at the blond haired male. He, then, laughed dahil pansin niya ang pagod sa mukha ng kapatid niya, gusto na talagang umuwi.

"Yes, let's go home, Kuya."


"Shit." Romeo sat down on a bench, hands ruffling his own hair, problematic for the sudden loss of his job.

Dahil hindi niya nai-deliver ang dapat niyang i-deliver, at nawala pa niya ang package na iyon, malamang, tanggal kaagad siya sa trabaho. His last salary was also deducted kaya kulang ang pera niya kaya grabe ang pamomoblema niya.

He tiredly rested his back on the backrest, looking up to stare at the black sky full of twinkling stars. Doon siya tumulala.

"Hoy, Kuya! Anong ginagawa mo riyan?!"

He was startled when someone suddenly shouted beside his ear. Kaagad siyang lumingon sa tabi niya and saw the smiling face of his 10 years old adopted brother, Tybalt.

"What are you doing here? Gabi na, ah." Nag-aalala niyang tanong.

With his question, kinabahan bigla si Tybalt. Napakamot ito sa noo niya as he laughed awkwardly. "W-wala..."

Kumunot ang noo ni Romeo sa naging asta ng kapatid. He glanced at the kid's hand behind his back at napansin ang hawak nitong Sampaguita flower. "Naglalako ka?"

Lumaki ang mga mata ni Tybalt, pilit na itinatago ang hawak sa kaniyang likuran kahit na nakita na ito ng kuya niya.

Romeo sighed, sitting properly. "Tybalt, hindi ba't sinabi kong itigil mo na 'yan? Masyado ka pang bata para sa ganitong responsibilidad. Hindi mo kailangang maghirap. Bata ka pa. Dapat ay nage-enjoy ka munang maglaro."

Tybalt pouted. "Eh, Kuya, gusto kitang tulungan. Alam ko namang nahihirapan ka rin, eh."

"Look, I'm already an adult. Responsibilidad ko 'to. Kaya ko, kaya hindi mo ko kailangang tulungan. 'Wag mong ipilit na lumaki agad para sa responsibilidad. 'Wag mong ipagpalit ang pagkabata mo para tumanda agad. Ayaw kong ipagkait sa inyo ang pagiging bata niyo, alam mo 'yan." Pilit niyang paliwanag.

"Pero, Kuya..."

He sighed again. "Tybalt, please?" Pagmamakaawa niya, hinawakan ang parehong pisngi nito.

"Kaya ni Kuya, 'wag kang mag-alala. Malaki na si Kuya, kaya niya 'to." He smiled.

Tybalt felt guilty. "Okay po, Kuya. Sorry po..."

Tumawa si Romeo. "Ba't ka nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan. Saka ka lang magsorry kung may mali ka talaga. It's just... Tybalt, enjoy your childhood, ha? Dahil kahit kailan ay hindi mo mababalik ang oras para maging bata ulit."

Reborn as the Tyrant's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon