Celestine Leigh POV"Celestine!"
Napabangon agad ako sa aking narinig. Damn ayan na andyan na ang dragon bubugahan na nya ako ng apoy umagang umaga high blood Nanay ko buti nalang diko namana pagiging dragon nya sa umaga humble kase akong tao eh
"Ano ba Celestine? Hindi kapa ba babangon dyan? Jusko kang bata ka wala kapa atang balak Gumising kung di ka gigisingin!" singhal sakin ni mama. Etong Nanay ko laging galit sa umaga onti nalang mag tatanong nako kay lola kung saan nya pinag lihi si mama.
"Good morning mama" ngiti kong saad dito agad naman nya akong tinapunan ng masamang tingin at padabog na umalis sa aking kwarto napailing na lamang ako sa ginawa ni mama.I did my morning routine right away, I got dressed and then I immediately went downstairs to have breakfast.
Pagkababa ko palang ay nalanghap ko na agad ang mabangong niluluto ni mama dumaretso agad ako sa kusina para kumain. Pagka pasok ko palang ay nahagip ng aking mga mata ang kapatid kong sabog pa. halatang puyat ah puro Mobile Legends kase sa gabi eh Lose streak naman lagi. nilapitan ko ito at agad na binatukan
"Aray ate ano ba!" singhal nito sakin.
"ano sabog ka na naman ayan puyat pa. yan napapala ng mga puyat ng puyat sa Ml di naman nakaka Winstreak sa laro"
"hindi nga ako nakapag laro kagabi gumawa ako ng Project ko"
"Asus gumawa daw sinong niloko mo ha? Hindi kanga nag aaral ng maayos"
"nag aaral ako ng maayos tanong mo pa kay mama"
" mama mo pink" pang babara ko naman sa sinabi nito agad namang nanlaki ang kanyang mga mata at sumigaw
"mama oh si ate mama mo daw pink!" sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata. Agad namang lumabas sa kusina si mama para mag lapag ng pagkain.
"wow bacon yayamanin ma ah. saan mo ito inutang?" tanong ko rito. inambahan naman nya agad ako ng batok
"diko inutang yan binili ko yan at bakit ang ingay ingay nyo? Umagang umaga nag bobombahan na naman kayong magkapatid hala sya kumain na tayo" saad nito samin na agad naman naming sinunod. kumuha agad ako ng fried rice with bacon and egg. Sarap talaga mag luto ni mama parang dati lang wala pang lasa itlog nya eh ngayon may meron na tapos nalalasahan ko narin ang asin sa itlog na niluto nya grabe ang galing updgraded na nanay ko.
Nang matapos kaming kumain ay agad akong tumayo at nag paalam ng aalis dahil kailangan ko pang mag apply ng trabaho. Ilang buwan na matapos akong makapagtapos ng kolehiyo pero hanggang ngayon ay wala parin akong trabaho. Nag a-apply naman ako sa ibang Company pero ang lagi nilang sinasabi sakin ay tatawagan nalang daw nila ako. Sus tawag may ass eh ilang buwan di parin nila ako tinatawagan ayaw ata nila sa magandang nilalang na kagaya ko sabagay pag andon ako sa company nila ay ma a-attract sila sa ganda ko di sila makakapag trabaho ng maayos.
Agad akong sumakay ng trycicle para magpa hatid sa kanto.Sa kanto nako sasakay ng jeep papuntang Company na pag a-applyan ko malapit lang naman yun.ang sabi sabi kase hiring sila ngayon kaya mag tatry ako baka sakaling makapasok ako. Pag nakapasok ako edi Good tumatanggap sila ng magandang dilag na kagaya ko.
Pagka baba ko palang ng trycicle ay agad akong nagbayad. Sakto ang baba ko nakaparada na yung jeep na sasakyan ko papuntang company agad akong tumakbo palapit doon at sumakay pagkasakay ko palang ay halo halong amoy agad ang bumungad sakin. Naknampucha talaga diba uso sa mga to ang tawas? Grabe yung amoy nanapak. pagka upo ko palang ay akala ko aalis na puno na kase ang jeep sakto nga at nakasakay pako pero ang pinag tataka ko lang ay bakit dipa umaalis itong jeep
"oh sakaliwa meron pa oh sa kanan usog usog nalang mga ate, kuya" sigaw ng nag babarter ng jeep. Kumunot agad ang aking noo sa narinig anong meron pa? Gago ba sya? Siksikan na nga sa loob magpapasakay pa sya?
"kuya hindi na ho kasya" agad na sabi ni ateng naka color green. True teh di na kasya
"kasya payan ate dalawa usog usog lang"
"kuya anong kasya pa? Eh siksikan na nga kami rito"
"kaya payan ate ipilit natin yan"
"eh kung Pilipitin ko kaya muka mo kuya?" inis kong sabi rito. Nakakainis na kase pinipilit pang isiksik yung dalawang pasahero parang tanga di ata to nag grade 2 inirapan ko naman si kuyang nag babarter sa inis
"muka na nga kaming isda rito sa loob mag papasakay kapa? Hindi ata jeep tong sasakyan namin eh delata ng sardinas muka na kaming mga isda na nagsisiksikan sa loob kuya" inis kong singhal dito. Napakamot naman sya sa batok at sinabihan na ang driver na pwede ng umalis. Agad namang umandar ang Jeep at nakahinga agad ako ng maluwag.
Nang makitang malapit na ako sa Company na pag a-applyan ko ay agad akong pumara pinaabot ko ang bayad ko at agad bumaba. Eto na Celestine last na to pag di ako tinanggap kukuha nalang ako ng timba sa bahay aakyat sa mga jeep mag bibigay ng sobre uupo sa gitna at kakanta.
Naglakad na agad ako papunta sa Company na pag a-applyan ko nang makarating sa entrance aamba na sana akong papasok ng harangin ako ng ng mga guard
"Miss mag A-apply ng trabaho?" tanong ni kuyang guard sakin
"opo kuya bakit kuya? Dina ba sila hiring? nagbago isip ng boss mo kuya?" sunod sunod kong tanong kay kuyang guard. Malay ko bang binago na nila nung nakasakay ako sa jeep bawat segundo nag babago ang bawat tao ngayon.
"Ah hindi miss kala kase namin isa ka sa mga babae ng boss namin alam mo na sa dami ng babae ni boss nalilito na kami kung sino ba talaga ang Asawa nya"
"Ay Red flag si kuya mo. ang mga ganyang tao dapat binabaon ng buhay sa lupa. Pero kuya di ako isa sa mga babae ng boss mo andito ako para mag apply"
"Ganun ba miss? Oh sige pasok kana miss good luck!" Ngiti nitong saad sakin. ngumiti naman ako dito at agad pumasok inferness ang bait ni kuya Guard kala ko aawayin ako muka pa naman syang nakakatakot.
Pag pasok ko palang ay agad akong napanganga sa ganda at laki ng loob ng Company nato. grabe yayamanin ang ganda ng Loob halatang mayaman talaga ang may ari nito. Syempre Celestine mayaman talaga may ari nito Company nya to eh wag tanga Celesntine. Napailing nalang ako sa aking naisip ano ba naman yan pati isip ko nakikipag talo na sakin hayst.
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...