Tulala akong nakahiga ngayon sa kama ko dito sa kwarto ko. Wala akong magawa ngayong araw pinag half day kase ako ni sir Griffin eh.
Okay lang nakalibre naman ng Starbucks .
Tumagilid ako ng higa at niyakap ang unan ko.ngayong araw ang daming nangyari dalawang beses akong nahuli ni sir Griffin tapos naka Encounter ko yung babaeng obsess sa Boss ko.
Napaayos ako ng higa ng maramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Kaya agad ko itong tinignan at nakita kong bahagya. sumilip duon si Harper na naka sumbrero pa.
"Oh?" pabalang kong tanong sakanya. nilakihan naman nya ang awang ng pintuan at pumasok sa loob ng kwarto ko.
Duon ko lang din napansin ang suot nya. naka plain v-neck white t shirt sya habang ang short nya ay kulay dirty brown na lalagpas sa tuhod.
Wow suotan natin pang tomboy talaga ah.
"Sama ka? Aalis ako" tanong nya sakin habang ang dalawang kamay nya ay nasa bulsa ng short nya.
"Saan punta mo?" takang tanong ko Sakanya. tamad akong bumangon mula sa pag kakahiga at inayos ang buhok kong nagulo.
Eh yung bangs ko? Maayos pa kaya?
"Sa plaza lang tatambay ano sama ka? madaming food stall ngayon sa plaza tapos marami ding tao" sabi nya sakin na sinamahan pa nya ng pag taas baba ng dalawa nyang kilay.
Tumayo ako at dumaretso sa c.r. Bago ko pa maisara ang pintuan ay nilingon ko pa si Harper na naka upo na ngayon sa kama ko.
"Sama ako hintayin mo lang ako" sabi ko sakanya at pumasok na ng tuluyan sa c.r
Wala rin naman akong gagawin ngayong araw. kaya mas mabuti pang lumabas naman ako kahit saglit lang minsan lang naman ako maka punta sa plaza.
Lalo na ngayong may trabaho na ako baka hindi ko na magawa.
Pagkatapos kong mag bihis ay agad din naman kaming umalis ni Harper nakita pa nga namin si mama sa labas ng bahay kausap nya yung mga kumare nyang cctv.
Rinig ko panga ang pinag uusapan nila nung nadaanan namin sila.
"Mare grabe talaga akala ko nga yung anak ni Rochel yung buntis!"
"Ay hala akala ko nga rin kase maagang nag asawa yon diba?"
" Pero yung anak pala ni Marissa ang buntis!"
"Diba bunso nyang anak yon? 16 years old palang pero nagka anak na agad"
"Ang rinig ko ay yung naka buntis daw sa anak ni Marissa ay yung anak ni Berto na panganay!"
"Hala diba 35 years old na yon?"
Napairap nalang ako sa hangin ng malagpasan naman sila. Tang haling tapat chismisan. hindi ba sila nahihiya? pinag uusapan nila yung anak ng kapitbahay namin.
Eh samantalang yung anak nga nila pabaya sa pag aaral. hindi naman sila pinag chismisan ni aling Marissa.
Lumipas ang oras ay nakarating nadin kami sa Plaza. at tama nga si Harper ang dami talagang mga tao ngayon. kaliwa't kanan ang mga nag bebenta ng mga pagkain, gamit, laruan pang bata at kung ano ano pa.
Pansin ko pa ang isang Musical Band na hindi kalayuan sa pwesto ko pinag kakaguluhan ito ng mga kababaihan. nakita ko pang tumingin sa pwesto ko ang vocalist at kinindatan ako nito.
Luh si kuya.
Napangiwi ako dahil don agaran naman akong umalis duon at nag lakad sa isang stall ng mga damit. nag tingin tingin lang ako ng mga tindang damit na animoy bibili talaga ako.
Kunware bibili ako pero mag bubulsa talaga ako ng damit.
Nang mag sawa ako sa pag tingin ng mga ukay na damit ay lumipat naman ako sa isang store na puno ng mga pambatang laruan.
Napangiti ako ng makakita ng isang Toy track. agad pumasok sa isip ko ang anak ni sir Griffin. feeling ko magugustuhan nya ang laruan na ito.
Hindi ito mamahalin tulad ng ibang mga laruan nya pero galing naman ito sa puso ko.
Nilabas ko galing sa heart ko naka bara kase sya.
Kinuha ko ito at nilapitan ang tinderang busy sa pag seselpon sa gilid.
"Ate bibilhin ko po ito" ngiti kong saad dito. tumingin naman sya saglit sa akin bago tumingin sa laruang dala ko.
Tumayo sya at kumuha ng plastic sa gilid. Lumapit sya sakin at kinuha ang laruang dala ko agaran naman nyang ibinalot iyon at ibinigay sakin.
"Magkano?" tanong ko rito. umasik muna sya bago sumagot sa tanong ko.
Sungit ni ate Pandak naman.
"70" maikli at walang gana nyang sabi sakin. tumango ako at kinuha ang wallet ko sa bulsa ko. kumuha ako ng 100 pesos at ibinigay ito sakanya
tinanggap nya iyon at inilagay nya sa Shoulder bag na nakasabit lang din sa kina uupuan nya. pagkatapos non ay lumabas na ako ng Stall nila.
Akmang mag lalakad na sana ako palayo duon ng may maramdaman akong may humak sa braso ko. Tinignan ko ito at takang tumingin sa tindera ng makita kong nakahawak sya sa braso ko.
Bakit? anyare? kulang ata bigay ko.
"Sukli mo" Maikli nyang sabi sakin. ngumiti ako at umiling sakanya hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko at tinanggal ito.
"Hindi na sayo na" ngiti kong sabi dito. tumango naman sya at tinalikuran ako.
Sayo na sukli ate bayad ko sa mataray mong tingin sakin.
Hindi ko na ito pinansin pa at nag patuloy nalang ako sa pag lilibot.
Daming stall ngayon ah parang gusto kong gumastos ng gumastos ngayon lalo na sa pagkain.
Handa akong maubusan ng pera basta sa pagkain ko gagastusin.
Ayoko sa material na bagay hindi ko madadala yan pag namatay ako sa mundo mas gusto ko ang pagkain kase kahit ilibing ako nasa loob ng katawan ko yung pagkain.
Habang buhay kitang dadalhin.
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...