Celestine Leigh POV
Pag bukas ko palang pintuan ng bahay namin ay bumungad agad sakin si mama na naka upo sa sofa habang nag lalagay ng skin care sa muka nya.
"Ma" kinakabahan kong tawag dito. humarap naman sya sakin.
"Oh andyan kana pala nauna pang naka uwi si Harper kesa sayo" sabi nito. kinakabahan naman akong pumasok sa bahay habang hawak ko si Chelsea.
Napatingin agad si mama sa batang hawak ko ng mapansin nya ito. kita ko pa ang pag kunot ng noo nya habang nakatingin kay Chelsea.
Shit naman.
"Sino yan?" nag uusisang tanong sakin ni mama
"Ah ano ma... k-kasi..." Kinakabahan kong sabi.
Baka hindi sya pumayag na amponin ko si Chelsea T^T
"Anak bayan ng kapitbahay natin? namumukaan ko sya yan ba yung bulag na anak nila Noel?" muling tanong sakin ni mama. tumango nalang ako sa tanong nya
Ha? kapitbahay namin ang batang ito? kilala pa sya ni mama kung ganon mapapa dali ang pag kumbinsi ko sakanya na ampunin ko nalang ang bata.
"Oh bakit kasama mo ang bata?" Tanong ni mama sakin
"Nakita ko po sya sa Plaza ma, nanghingi sya ng tubig sakin ang sabi nya rin ay itinakwil sya ng magulang nya dahil daw bulag sya" mahabang pag papaliwanag ko kay mama.
Tumayo sya at lumapit sa bata.
"Kawawa naman nung nakaraan nakita kong sinasaktan ni Noel ang batang ito. pinag sabihan ko si Noel na huwag saktan ang bata ang kaso binantaan nya akong tatagain ng itak pag nakielam pa ako" saad ni mama. huminga sya ng malalim bago nya buhatin si Chelsea.
"Naawa talaga ako sa batang ito hindi sya nakakapag aral tapos inaabuso pa ng tatay. kung may pera lang ako ay inampon ko na ang bata" nang hihinayang nyang sabi. nag pantig naman ang tenga ko sa narinig.
Mas lalo din akong nakaramdam ng tuwa ng marinig ko ang sinabi ni mama. may pag asa na akong pwede kong ampunin ang bata.
"Edi ako nalang ang aampon sakanya mama" masaya kong sabi sakanya. tumingin naman sya sakin at sarkastikong ngumiti.
"Wala kang pera Celestine anong ipapang bubuhay mo sa bata? hindi ka panga sumasahod" irap na sabi ni mama. napangisi nalang ako sa sinabi nya.
"Hindi mo sure ma" nagyayabang kong sabi sakanya.
"Bakit? may sahod kana ba? Kung ganon pahingi ako ng 2k wala ng bigas at gas yung kalan. mamimili narin ako ng stock sa ref" mahinahon nyang sabi. inilahad nya pa ang kamay nya sakin.
Ngumiti ako ng napaka tamis kay mama bago ko kinuha ang Wallet ko at dumukot ng 5k. inilapag ko naman iyon sa kamay nyang naka lahad sakin.
Kita ko pa ang pag laki ng mata nya ng makita nya ang perang nasa kamay nya. agad nyang ibinaba si Chelsea bago nya dali daling binilang ang pera.
"Jusko 5k talaga Celestine?!" hindi makapaniwalang tanong sakin ni mama.
Mayabang naman akong ngumiti sakanya. ano ka ngayon mama kaya kong buhayin ang bata sa sweldo ko.
180k ba naman kada week eh.
Kanina bago kami uwi sa bahay ay dumaan ako sa bangko ichineck ko lang naman kung may bank acc talaga ako. tapos nung nalaman kong meron talaga ako ay pina check ko narin ang laman.
At totoo nga talaga ang sabi ni mr. Griffin na sumasahod na talaga ako. nag withdraw narin ako ng pera. Syempre hindi pwedeng uuwi ako ng walang dalang pasalubong.
Ang pasalubong ay 5k para kay mama
"Ano papayag kana bang ampunin ko si Chelsea?" Tanong ko kay mama na hindi parin makapaniwala.
Binuhat nya ulit si Chelsea na walang kaalam alam sa nangyayari.
"Ano pang tinatayo mo dyan Celestine? ayusin mo na ang kwarto mo ako na bahala sa apo ko" ngingiting sabi ni mama sakin. Agad naman nya akong tinalikuran at dali daling umakyat sa taas para paliguan ang bata.
Natatawa naman akong napailing sumunod naman ako sakanila sa taas. pag pasok ko palang ng kwarto ay rinig ko na agad ang boses ni mama mula sa c.r
Rinig ko rin ang mumunting tawa ni Chelsea sa loob ng banyo. napangiti naman ako dahil doon. agad kong binaba ang sling bag ko at nag simula ng mag ayos ng kwarto.
Saktong kakatapos ko lang mag ayos ay sya namang pag labas nila mama sa banyo. naka tapis pa ang tuwalya kay Chelsea.
"Ihahanda ko lang ang hapunan" Sabi ni mama. tumango naman ako sakanya.
Lumapit ako kay Chelsea at binihisan ko ito. bumili narin ako ng mga damit nya kanina nung naka withdraw ako ng pera. limang piraso palang ang damit nya pero bukas bibili ulit ako bago umuwi galing sa trabaho.
"Bukas bibili ulit ako ng mga damit mo" malambing kong sabi kay Chelsea. ngumiti naman sya sakin
"Opo mama" nahihiya nyang sabi sakin. niyakap ko naman sya ng mahigpit
"Ipapagamot muna kita bago pag aralin uunahin muna natin ang mata mo okay po?"
"opo" sagot nya sakin. malambot talaga ang loob ko sa mga bata.
Binuhat ko sya at inihiga sa kama itinodo ko pa ang Aircon sa kwarto ko. panis may aircon kami bleh.
Humiga ako sa tabi nya dali dali naman nya akong niyakap. naramdaman ko pa ang pagsiksik nya ng muka nya sa leeg ko.
hinimas himas ko naman ang ulo nya. ramdam ko sa yakap ni Chelsea ang saya at kaginhawaan. siguro kase hindi nya naranasan ang ganitong pag mamahal sa pamilya nya.
Nakakaawang bata hindi nya deserve na maranasan ang ganitong pag hihirap. Wala naman syang ginawang mali sa buhay nya ang gusto nya lang naman ay mahalin ng pamilya nya.
Pero hindi nya maramdaman ang pag mamahal ng isang pamilya puro kase sakit ang naranasan nya pati ang pag mamalupit ng isang ama ay naranasan nya.
Kaya napaka swerte ng ibang bata na masaya ang pamilya. sobrang swerte nila na hindi nila nararanasan ang pag mamalupit ng mundo.
"Mamahalin kita ng totoo kahit hindi kita kadugo, ipaparamdam kong mahalaga ka sa mundong ito ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal ng isang ina Chelsea" mahina at may pag lalambing kong bulong sakanya.
Pangako mamahalin kita higit pa sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...