Matapos ang eksena namin sa mall ay nanglibre si sir griffin ng lunch namin. busy ako sa pagkagat ng manok dito sa inasal nang maramdaman ko ang pag akbay ni sir sa'kin.
Taka ko naman syang binalingan ng tingin. ngumiti lang sya at muling tumingin sa entrance ng inasal kaya napatingin rin ako doon.
Napatawa nalang ako ng mahina dahil sa nakita. kaya naman pala andito kase yung obsess kay sir may kasama syang dalawang babae at mukang maarte rin kagaya nya galaw palang akala mo naman hindi nag kakaroon ng libag sa katawan.
Sinamaan ko ng tingin ang babaeng busy sa pag order sa counter. langyang babae nato! hindi pa ako nakaka get over sa pananampal mo sa'kin. aabangan kita sa company at sisiguraduhin kong mababawian kita!
Dislocate buto mo sakin
"Daddy, i want soup pa po" sabay kaming napalingon ni sir griffin sa anak nyang busy na kumakain ng kanin. hinaplos nya ang buhok ng anak at nag tawag ng waiter para mag pa refill ng sabaw.
"Ikaw celestine? gusto mo paba?" tanong nya sa'kin. tinignan ko ang plato kong may lamang liempo, sisig at palabok. napalunok ako, nakakahiya kung sasabihin kong bitin ako sa manok pero bitin talaga ako. kulang yung isang manok sa'kin feeling ko hindi umabot sa mga alagad ko.
"Hindi na po, busog narin ako sir" nahihiya kong saad sakanya. tumango lang sya at nagpatuloy narin sa pagkain nya. inabot ko ang halo-halo at nilantakan ito.
Grabe sarap talaga pag libre ng boss kahit anong orderin mo walang problema kase hindi naman ikaw yung magbabayad. sana araw araw nya nalang akong ilibre.
Baka naman oh kahit isang manok pa
Tinaas ni sir Griffin ang kanang kamay para kuhanin ang atensyon ng isang waiter na naglalagay ng sabaw sa kabilang lamesa. lumapit ito at nilagyan ang mga mangkok namin natutuwa namang humigop ng sabaw si Isaiah.
"After nyo kumain punta tayo sa park" pag aaya ni sir samin. tuwang tuwa namang tumango ang anak nya ako naman ay ngumiti lang at pinag patuloy na ang pagkain.
Miss ko na anak ko
Sayang kung alam kong gagala lang pala kami edi sana isinama ko na ang baby ko para makapag laro sya at para makilala nya si Isaiah.
Nang matapos kaming kumain ay agad naman kaming lumabas. dumaan pa kami sa gilid ng lamesa nung babaeng obsess kay sir hindi naman nya kami napansin kase busy syang magpa ganda.
Marahang inabot ni sir Griffin ang kamay ko at hinawakan iyon. nakaramdam ako ng kakaiba sa hawak nya para akong kinuryente saglit tapos parang may mga tutubi ang nagliliparan sa loob ng tiyan ko.
May zoo sa loob ko
Lumabas na kami ng mall at dumaretso sa parking lot para kunin ang kotse.sumakay ako sa passenger seat matapos kong isakay sa likod si Isaiah. nag simula namang magmaneho si sir.
Hindi ko alam kung anong trip nya at bakit naisipan nyang mamasyal ngayon. pero pwede nadin ito para makapag pahinga sya sa trabaho nya at para makapag laro naman sa labas si Isaiah.
Nasa byahe na kami at bored akong sumandal sa upuan habang tahimik na nakamasid sa labas, si Isaiah naman ay naglalaro ng roblox sa tablet nya. nilingon ko ang speaker sa loob ng kotse at napanguso ng maalala kong ayaw pala ni sir Griffin sa music.
Bumuntong hininga ako. gusto ko ng music para hindi ako ma bored ngayon ang usapan meeting sa client pero ano to? para kaming nag family bonding jusko kung alam ko lang edi sana pinag handaan ko ng mabuti ang araw na ito.
Meeting sa client na may onting harot hihihihi >_<
Pasulyap sulyap ako sa stereo nya napansin nya atang kanina pa ako panay tingin doon kaya sya na ang nagbukas, taka ko syang tinignan
"You can play some music" aniya. tumingin ako sakanya ng hindi makapaniwala. binagsakan ba sya ng kabutihan at naisip nyang payagan akong magpatugtog?
"Anong tingin yan?" kunot noo nyang tanong. ngumiti ako nag pa cute sakanya sumulyap sya sa'kin at nalukot ang muka nya
"Tingin ng maganda" pagpapa cute ko. umiling sya at umirap, masama ko naman syang tinignan bago i-conect ang cellphone ko sa stereo nya.
Nag simula akong magpatugtog ng bts song. sumasabay ang katawan ko sa bawat beat ng kanta nila sinasabayan ko pa iyon ng onting giling, si sir naman ay poker face lang din na nakikinig.
Natapos ang unang kanta at sunod ko namang pinatugtog ang magic shop ng bts, emotional kong sinasabayan ang kanta at may pa head bang pang kasama.
"Ttatteuthan cha chan janeul mashimyeo jeo eunchasureul ollyeodomyeo" sabay ko sa kanta, kahit na bubulol ako dahil korean ang kanta nila ay go lang basta bts ang sasabayan ko.
"Neon gwaenchaneul geoya oh yeogin magic shop" birit kong kanta. pasulyap sulyap sa'kin si sir at mahinang natatawa. maya maya pa ay sinabayan nya ang kanta.
"So show me, i'll show you" bigla nyang kanta. napatigil ako bigla at napatitig sa maganda nyang boses hindi ko alam na ganito kaganda ang boses nya nakakalaglag panty besh.
"Naega nain ge shireun nal yeongyeong sarajigo shipeun nal, muneul hana mandeulja neoye mam sogeda" patuloy nyang pagkantana. tulala lang ako habang pinapakinggan sya fluent sya mag korean kahit na feeling ko ngayon nya lang narinig ang kanta ng bts.
Galing may talent ka pala sir eh kiss mo nga ako
"You gave me the best of me, so you'll give you the best of you" pag sabay nya. napangiti ako habang pinagmamasdan sya.
Naramdaman ko ang pagdukhaw ni Isaiah samin. nanliliit ang mata nyang pinag mamasdan kaming dalawa ng daddy nya.
"Momma? are you going to eat my daddy po?" inosenteng tanong ni Isaiah. nanlalaking mata ko syang tinignan, narinig ko naman ang pagtawa ni sir sa driver seat.
"Hindi!" agad kong sagot. tumaas ang kilay ni Isaiah sa'kin umiling iling ako sakanya. inalalayan ko naman si Isaiah sa pag balik nya sa upuan. ibinigay ko sakanya ang tablet nya at pinaglaro nalang sya ulit ng roblox.
"And you gonna be happy, mak naeryeoanjeun jeo nuncheoreom sumeul shwija cheoemcheoreom" muling kanta ni sir Griffin. masama ko naman syang tinignan at hinampas ang braso nya.
" And you gonna be happy, turn this all around everything modeum ge saeroun zero 0'clock" natatawa nyang kanta habang walang tigil ko syang hinahampas.
Bwiset!
Tumigil ako at masamang tumingin sa labas habang naka cross arm. kainis bakit ganon ako magreact? at pakiramdam ko ng marinig ko ang pagtawa nya ay kinilig ako ng may halong saya.
Ngayon ko lang sya nakitang ganito tumawa pag nasa office kami lagi syang seryoso at galit pero ngayon ibang iba sya. parang ang saya nya ngayon.
Namula ako at napakagat labi pigil ang kumakawalang ngiti sa mga labi ko.
••••••
Songs
Bts
Magic shop
Zero 0'ClockA/N: under editing po yung story and also update later^_^
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...