"Ate Pretty sorry po if naging bad ako sayo kanina" nguso nitong ani saakin. ngumiti naman ako sakanya at ginulo ang buhok nito
"ano kaba ayos lang naman. Pero hindi parin tama na sagot sagutin mo ang daddy mo okay?" malambing kong saad dito. Pag dating talaga sa bata ay nagiging malambot ako minsan kase ay nakikita ko ang sarili ko sa mga bata lalo na yung mga batang iniwan ng ama.
"pero ate my daddy is bad sometimes"
"hmm? Lagi ka ba nyang inaaway?"
"opo ate ni aaway nya ako, want ko lang naman po is makasama na ulit si mommy eh" mahina nitong saad sakin. Kumunot naman ang aking noo sa narinig.
Kanina ko pa talaga gustong tanungin kung asan ang mommy nya pero sabi na kase sakin ni sir Griffin ay wala na. Anong ibig nyang sabihin na wala na? Iniwan ba sila? Or patay na?
"baby asan ba ang mommy mo?" marahan kong tanong rito
"sabi ni daddy nasa malayong lugar si mommy, sabi naman ng mga kasambahay namin is patay na daw si mommy kaya dina daw babalik" malungkot nyang saad sakin
Nakakaawa naman ang batang ito napaka bata pa nya para maranasan ang lahat ng sakit dapat ang mga batang kagaya nya ay nag eenjoy lang dapat sa buhay nag lalaro sa kalsada ng tesk, jolen, pogs, chinese garter at kung ano-anong laro payan.
"hayaan mo baby boy hanggat andito si ate pretty dika na magiging sad dapat happy kalang kase pag dika happy malulungkot din si ate pretty"malambing kong saad dito. Ngumiti naman sya sa aking sinabi at tumango
"sabi mo yan ate pretty ha hindi mo po ako iiwan"
"promise" ngiti kong saad sakanya. Lumapit naman sya sakin at yumakap napatawa naman ako sa kanyang ginawa at niyakap sya ng mahigpit.
"Ate pretty gusto ko po ng ice cream let's buy po" saad nito sakin
"ha? Pero baka pagalitan tayo ng daddy mo pag umalis tayo"
"but ate i want ice cream po eh"nguso nitong saad sakin. Napabuntong hininga naman ako
"sige na nga pero sandali lang tayo ha?"
"opo! " masaya nito saad sakin na ikinangiti ko.
Hinatak nya agad ako palabas ng Office ni Sir Griffin nadaanan pa namin ang mga ibang employees na may kanya kanyang ginagawa.
Pagkarating naman namin sa tapat ng elevator ay agad ko naman iyong pinindot. Hindi nag tagal ay bumukas iyon pumasok kaming dalawa doon
"ate pretty karga" saad nito sakin habang nakataas ang dalawang kamay.
Agad ko naman syang kinarga.
"Baby, mamaya pag nakalabas tayo sa Company hindi ka dapat makulit ha? Dapat good boy ka lang okay?"
"opo" malambing nyang saad sakin. Damn nakaka lambot naman ng puso ang batang ito napaka gwapo na nga malambing pa.
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...