Hinihingal akong naka rating sa sakayan ng Jeep. shocks! maaga nga ako nagising pero magiging late rin naman dahil sa tagal kong kumilos.
"Oh sakay na! sakay na!" sigaw ng nag babarter ng jeep
Dali dali naman akong sumakay at pumuwesto sa likod ng driver. pag upo ko palang ay nalanghap ko na agad ang sari-saring amoy na nanggagaling din sa mga pasahero.
Anak ni mang karding bakit ganto ang umaga ko bakit puno ng mga kamyas ang naamoy ko sa loob ng jeep jusko hindi ba uso sa kanila ang tawas?
"Oh okay na puno na!" rinig kong sigaw ng nag babarter
Naramdaman ko naman ang pag andar ng Jeep na syang ikinahinga ko ng maluwag.
"Bayad po" ani ng katabi ko. tumingin ako sakanya tinaasan sya ng kilay.
"Ate pwedeng paabot?" nag susumamo nyang sabi.
Inirapan ko sya at hinawakan ang wrist nya. taka naman syang tumingin sakin pero hindi ko sya pinansin. agad kong hinatak ang wrist nya kaya napatayo sya ng bahagya sa kinauupuan nya.
Saktong pag tingin ng driver samin mula sa mirror na nakasabit sa itaas sa harap. ay ang pag tama ng pera sa pisnge nya. kinuha naman nya ito at bumaling sa babaeng katabi ko na hinihimas ang wrist nya.
"Saan ito neng?" tanong ni manong driver.
Tumingin ako sa katabi ko at ngumiti ng matamis. kita ko pa ang pag sama ng tingin nya sakin bago sya sumagot sa driver.
"Oh kaya mo naman pala mag bayad ipapa suyo mo pa sakin" mahinhin kong sabi dito. inirapan nya naman ako at bumulong bulong sa hangin.
Kaya naman nya mag bayad ipapaabot pa parang tanga lang anteh?
Maya maya pa ay na napansin kong malapit na ako sa harap ng Company ay dali dali akong pumara at nag bayad. bago pa ako makababa ay narinig ko pa ang pag sipol ng isang pasahero.
Tumingin ako dito habang nakayuko. nginitian nya naman ako ng may pang aakit. ngumiti naman ako sakanya pabalik bago inapakan ang paa nya.
"Putangina!" daing nya sa sakit.
Sakit no? heels kase pinang tapak ko sayong gago ka. Bastos!
Pag baba ko palang ay dumaretso agad ako sa Company. binati ako ng mga guards bago pag buksan ng pintuan.
Bumungad agad sakin ang mga Employees na nagkakanda ugaga. grabe mga workaholic ang mga employees ngayong araw.
"Good morning ma'am leigh" pag bati sakin ng mga nadadaanan kong employees.
Binati ko rin sila pabalik at nag madaling pumunta sa Elevator. tunog lang ng Heels ko ang maririnig sa hallway ng Company.
Nakasuot ako ng White Plain Long Sleeve na tinupi ko hanggang siko tinernohan ko ito ng High Waist Pants na kulay itim. ang buhok ko naman ay naka Pusod habang may mga hibla ng buhok ko ang nakalag lag sa gilid ng muka ko.
Nakarating ako sa office ni sir Griffin na medyo hinihingal Pa. kumatok ako at pumasok. bumungad sakin ang boss ko na busy sa pag pipirma.
"Good morning mr. Griffin" masigla kong bati sakanya.
Umangat ang tingin nya sakin pailalim. tinignan nya ako ng mariin bago sumandal sa Swivel chair nya.
"Late ka my Secretary" mariin nyang sabi.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at umiwas ng tingin.
"Ah ano sir traffic po kase" pag sisinungaling ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...