"Oh, Good evening ms. Gonzales" naka ngiting bati sakin ni mr. Lim
Naknampucha anong meron bakit sumasideline din sya ngayon? tapos kasama nya pa si boss ah? bakit nag hihirap naba sya ngayon?
"Kulang ba ang sahod mo mr. Lim?" takang tanong ko dito. napatawa sya ng mahina bago nya tinanggal ang sumbrelong suot nya.
"Hindi naman saktong sakto lang ang 50k a week sakin Celestine" natatawa nyang sabi. napanganga naman ako dahil sa laki ng sahod nya.
Seryoso? 50k?! tapos kada week? tangina besh!
Tumingin ako sa boss ko na busy sa pag iihaw. rinig ko pa ang mga pag sipol sipol nito habang nag iihaw.
Malapit na akong mag isang buwan sa trabaho ko pero hindi ko parin alam kung mag kano ang sahod ko.
Sana 50k rin kada week.
"Bakit ms. Gonzales kulang ba ang sahod mo? kaya nag tatanong ka sakin kung kulang ba ang sahod ko?" tanong sakin ni mr. Lim
Kunot noo ko naman syang tinignan. Anong kulang ang sahod ko? eh hindi panga ako sumasahod ngayong buwan.
"Hindi pa ako sumasahod mr. Lim" agarang sabi ko Sakanya. nilakasan ko pa ang boses ko para marinig ni Mr. Griffin
"Ha? hindi kapa sumasahod? bakit hindi ba pumapasok sa bank account mo yung pera?"
"Mr. Lim paano ako sasahod eh wala pa akong isang buwan sa company" natatawa kong sabi. pero kumunot lang ang noo nya at bumaling sa boss ko na busy parin sa pag iihaw.
"Hindi mo ba sya pinapasahod?" takang tanong ni mr. Lim kay mr. Griffin. bumaling sya kay mr. Lim
"Pinapasahod bakit?" walang gana nyang sabi kay mr. Lim
"Kung ganon naman pala bakit hindi nya alam na sumasahod sya?"
"ewan ko" walang ganang tugon ni Mr. Griffin
Nakatanga lang ako sa kanilang dalawa. ibig sabihin matagal na akong sumasahod? pero bakit hindi ko alam?
Ako lang yung empleyadong walang alam na sumasahod na pala.
"Teka lang ibig mo bang sabihin na matagal na akong sumasahod?" agarang tanong ko sa boss ko.
Ngumisi sya sakin. binitawan nya ang pamay pay na hawak at lumapit sakin ng kaunti. kita ko pa sa gilid ng mata ko ang pag aayos ni mr. Lim ng mga tinda na ihaw-ihaw.
Marahan syang tumango sa tanong ko. Anak ng! ang tagal ko ng tinitipid ang sarili ko tapos may sahod na pala ako!
"Pumapasok ang sahod mo sa bank account mo" sabi nya. tumaas ang isa kong kilay sa narinig.
"Anong bank account? wala akong bank account" takang tanong ko dito.
Totoo naman wala akong bank account paano ako mag kakaroon ng account sa banko eh wala naman akong ipapasok don.
Sama ng loob pwede ba don?
Tumawa sya ng mahina bago nya sinuklay ang magulo nyang buhok gamit ang kamay nya. napalunok ako at umiwas ng tingin.
Shet naman b-bakit ang gwapo nya sa paningin ko?
"Lahat ng employees ko Ms. Gonzales may mga sariling bank account. noong araw na tumapak ka sa company ko at natanggap ka. duon kana rin nagkaroon ng sarili mong bank account at sa unang trabaho mo sakin may unang sweldo kana agad" pag papaliwanag nya sakin.
"so sumasahod na talaga ako?" paninigurado kong tanong sakanya. tumango sya at tinakpan ang lalagyanan ng isaw na nasa harap nya.
"Mag kano?" mahina at marahan kong tanong sakanya. tumingin syang muli sakin na may seryosong tingin.
"180k kada week" maikli at walang gana nyang sabi.
Napaatras ako ng bahagya at napatakip ng bibig dahil sa narinig.
T-Tangina tama ba ang narinig ko? 180k?! Every week?!
Mayaman na pala ako ng hindi ko alam! kaya ko ng tustusan ang sarili kong pamilya sa trabahong meron ako ngayon.
"Seryoso ka?" tanong ko sakanya. umismid sya bago nag salita.
"bakit? ayaw mo? I can take it back if you don't want it" kibat balikat nyang sabi sakin.
Hindi! Hindi ko tatanggihan ang 180k per week!
"By the way Ms. Gonzales ano palang ginagawa mo dito?" takang tanong sakin ni mr. Lim Nilingon ko ito at ngumiti.
Oo nga pala gusto ko rin itanong yan sakanila kaso nawala sa utak ko kanina. buti nalang nag tanong sya sakin kaya naalala ko ulit.
"Malapit lang bahay ko dito mr. Lim" ngiti kong sabi. tumango tango naman sya at tumingin sa boss ko.
Muli akong tumingin kay mr. Griffin at nagulat ng seryoso syang nakatingin sakin.
"B-Bakit?" tanong ko dito. inilahad nya ang kamay nya sakin at tinaasan ako ng kilay.
Tinignan ko lang iyon at kunot noong binalingan sya ng tingin. anong hinihingi nya?
"Wala kabang balak mag bayad?"kunot noo nyang tanong sakin.
"Bayad saan?" lutang kong tanong sakanya.
"Bumili ka ng tinda ko so obligasyon mong bayadan ako"
"Ah oo nga sabi ko nga mag babayad na" agaran kong sabi sakanya. narinig ko pa ang pag asik nya
Kinuha ko kaagad ang dala kong wallet at dumukot ng 100 pesos. agad kong binigay sakanya iyon.
"Ayan huwag mo na akong suklian" ngiti kong sabi sakanya
Inirapan nya naman ako at tinalikuran. sinundan ko sya ng tingin at kumunot ang noo ko ng dumaretso sya sa isang BMW na naka park sa hindi kalayuan saamin.
Binuksan nya ang passenger seat at pumasok sa loob.
"Anong gagawin nya sa loob ng kotse?" wala sa sarili kong tanong.
Narinig ko naman ang pag halakhak ni mr. Lim kaya binalingan ko ito ng tingin.
"Ilalagay nya yung pera sa ipon nya" natatawa nyang sabi sakin.
"Ipon? para saan? diba mayaman naman sya so bakit kailangan nyang mag ipon?" takang tanong ko
"Para sa Charity na ipapatayo nya kaya nga sya sumasideline para sa Charity na ipapatayo nya. nung una hindi ko ma gets kung para saan pa ang pagiging tindero nya sa gabi tapos ang pagiging tindero nya sa karinderya nung tinanong ko sya kung bakit nya ginagawa ang ganitong bagay ang sabi nya lang sakin ay para daw sa Charity na gusto nyang ipatayo" nakangiti nyang pag papaliwanag sakin.
Parang may humaplos sa puso ko ng marinig ko ang sinabi ni mr. Lim hindi ko alam na may ganitong side pala si sir ang akala ko puro kasungitan nalang ang meron sya
Pero nagkamali ako hindi ko inakalang may ganito syang ugali may malambot syang puso para sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
Defending Love
عاطفيةfight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...