Matapos ang eksena namin ni mama sa Sala ay agad naman nya akong pinaakyat para magpahinga na dahil may pasok pa ako bukas. Sumunod naman ako sakanya at agad naman akong natulog kagabi. Pero pag naalala ko talaga ang sinabi ni mama na nag sama lang talaga silang dalawa dahil lang sakin ay sobra akong nasasaktan hindi para sa sarili ko kundi para kay mama.
minahal ni mama si Papa ng lubos pero hindi nagawang mahalin ni papa si mama dahil sa umpisa palang talaga ay si Tita Jasmine na talaga ang mahal ni Papa. napabuntong hininga nalamang ako. ngayong araw andito ako sa office ni sir may iuutos daw kase sya sakin ngayon hindi ko nga lang alam kung ano yon.
Tumayo agad ako ng maramdaman kong humarap sakin ang tv screen na nasa Office Chair bumukas iyon at nakita ko si sir na nakamaskara na naman.kailan nya kaya tatanggalin yung maskarang suot nya?
"Miss. Gonzales I want you to Deliver these papers to Sapphire Company"ani nito saakin. Agad naman akong lumapit sakanya at kinuha ang mga papers na nakapatong sa lamesa.
"Sige po dadalhin ko kaagad ito sir"
"Good now leave"malamig na saad nito sakin. Nakita ko naman na papatayin na nya ang screen ng biglang may maalala ako
"Ah teka sir"saad ko dito. Tumingin naman sya saakin at hinintay ang sasabihin ko.
"Pamasahe po Hehehe" marahang saad ko dito. Sumandal naman sya sa upuan at nag cross arm
"Seriously? Are you going to get a massage?
"Ha?" nagtataka kong sabi rito
"You said Pamasahe right? You mean massage?" tanong naman nito saakin. Agad naman akong natawa sa sinabi nito.
"sir hindi po pamasahe sa katawan ang sinasabi ko po ay Pamasahe papunta doon sa Company" natatawang saad ko dito. Grabe akala nya ata mag papamasahe muna ako bago umalis
"hindi mo kase nililinaw, and stop laughing" inis nitong saad saakin agad naman akong tumahimik at umayos ng tayo
"don't you have money? "
"Sakto lang pera ko sir pang lunch tapos pamasahe ko pauwi"
"pumunta ka sa parking lot may guard doon sabihin mo heheramin mo ang isa sa mga kotse ng company."
"eh sir hindi po ako marunong mag drive" nahihiya kong saad dito. Bumuntong hininga naman si Sir sa tinuran ko sakanya. Napansin ko naman na may kinakalikot sya sa gilid. Bigla syang tumayo at may hawak na itong Cellphone. Itinapat nya ito sa tenga nya. Mukang may tinawagan si Sir batay kase sa kilos nito mukang may kausap sya sa cellphone nya. Maya maya pa ay bumalik sya sa kinauupuan nya
"Wag mo na pala ihatid si Cristine na ang mag hahatid ilapag mo nalang ulit dyan yung papel. Bumalik kana ulit sa trabaho mo" saad nito sakin at agad pinatay ang tv screen.
Luh grabe yon beh. Kala ko naman ako na maghahatid ng papers nato sa Sapphire Company sayang. Pero dibale na sakto naman at marami akong ginagawa ngayon eh. Inilapag ko ang mga Papers sa Desk ni sir Griffin at agad na lumabas sa office nya. Pagkalabas ko palang ay pumunta naman ako agad sa aking table at nag simula ng magtrabaho.
Bagong araw bagong sakit sa katawan na naman pero kailangan kumayod dahil may pamilya akong binubuhay.
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...