Tahimik lang ako sa gilid habang nakatayo. pagkatapos ng eksena namin sa hallway kanina ay dumaretso na agad kami sa office ni sir.
"Psstt" napatingin ako sa batang sumitsit sakin ngumiti ito sakin at kumaway. napangiti naman ako sa kakulitan nito kumaway naman ako sakanya pabalik at matamis syang nginitian
Napa tawa naman sya ng mahina at agad iyon napansin ni sir Griffin na abala sa pag pirma ng mga papers sa table nya kumunot ang noo nya at tumingin agad sa anak at sabay tingin rin sakin kaya agad akong yumuko
Diko inaasahan na ang gwapo ni sir tangina may anak na sya siguro maganda ang asawa nya ang gwapo ng anak eh.
"Ms. Gonzales my schedule for today" ani nya sa malamig na tinig agad ko namang binuksan ang memo pad na dala at sinabi ko kaagad ang schedule nya.
"hmm..Isaiah sasama ka sakin sa meeting"
"I don't want to"
"Just shut up kid sasama ka sakin"
" i hate you daddy!" sigaw nito sa ama.tumakbo naman sya agad sakin at yumakap sa bewang ko
"He's a monster mommy i hate him" umiiyak nyang sabi sakin. Natigilan ako sa aking narinig Mommy? anong Mommy? naknampucha hindi ako ang nanay mo bebe
"Isaiah" tawag ni sir Griffin sa anak pero hindi ito tumingin sakanya kaya napabuntong hinga nalamang sya
"Mommy Please come back to us... Come back to me" mahinang saad ni Isaiah sakin.
"Isaiah anak" tawag ulit ni sir Griffin sa anak pero hindi parin sya nito nililingon patuloy lang itong umiiyak sa bewang ko.
Hindi ko alam pero may parte sakin na nanghina nung sinabi nya sakin ang mga salitang iyon pero hindi naman ako ang mommy nya eh lumuhod ako para maging magkapantay kaming dalawa
"Baby ano kase hindi mo naman ako mommy at tsaka wag mong sasabihan ang daddy mo ng Monster bad yun" malambing kong sabi sakanya pero mas lalo lang syang umiyak kaya nilapitan na ito ni sir Griffin at binuhat
"Stop crying na anak i'm sorry okay? i'm sorry na po ang bad ni daddy ni aaway nya ang baby nya" malambing nyang pag papatahan dito. parang hinahaplos ang puso ko sa nasaksihan hindi ko alam kung bakit pero siguro kaya nararamdaman ko ito dahil hindi ko naranasan ang pag mamahal ng isang ama hindi ko naranasan lambingin ng tatay ko pag nagtatampo ako
"Daddy i want my mommy" iyak nito. kanina pa nya tinatawag ang mommy nya simula kanina pati ako tinawag na nyang mommy bakit kase di nalang sinama ni Mr. Griffin ang mommy ni Isaiah para hindi ito umiyak ng umiyak.
"Ah Sir asan po ba ang mommy ni Isaiah?" tanong ko kay sir Griffin bumuntong hininga naman sya at tumingin sakin. hindi ko alam kung guni guni ko ba ang nakita ko sa mga mata nya may pangungulila iyon pero agad din namang nawala
"Wala na ang mommy ni Isaiah" mahinahong ani nito sakin. kaya pala ganyan si Isaiah eh nangungulila na pala sa ina naawa ako sa bata.
Biglang bumukas ang pinto at sumilip doon si mr. lim
"ah sir start na po ng meeting, andon napo ang lahat ikaw nalang ang inaantay"
"susunod ako" ani nito kay mr. Lim tumingin naman sya sa anak nya na umiiyak parin
"love need na ni daddy pumunta sa meeting" malamyos nitong saad.pero ayaw parin mag pababa ng bata sakanya kaya napabuntong hininga ako
"Isaiah want mo bang mag play with ate Pretty?" sabi ko sa bata habang nakangiti
Tumingin ito sakin at tumango ng dahan dahan. Binaba naman ito ni sir Griffin.
"Ikaw na bahala Ms. Gonzales i need to go now" malamig nyang ani sakin tumango naman ako at nilapitan kaagad ang bata naramdaman ko naman na umalis na agad si sir Griffin
"so now baby ano bang want mong laruin hmm?"
"let's play roblox ate pretty" masigla nitong saad sakin kaya agad akong napangiti
Bilis mag change ng mood ni baby boy ah, mana talaga sa ama pero inferness di na sya masungit sakin mukang mag kakasundo na agad kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...