Chapter 42

8 1 0
                                    

Celestine leigh POV

Nagising ako ng maramdaman kong may maliliit na kamay ang humahaplos sa muka ko.

"Dad! she's awake! Daddy momma is already awake!" sigaw ni Isaiah ng makita nyang dumilat ako.

Inilibot ko ang paningin ko at napag tanto kong nasa office parin pala ako. bumangon ako at umupo sa sofa.

Bumukas ang isang pintuan sa loob ng office ni mr. Griffin at lumabas doon ang boss kong naka Plain white t shirt at maong pants bakat pa ang T shirt nya sa katawan nya.

"Gising kana" sabi nya. tumango ako at nahihiyang tumayo humawak pa sa kamay ko ang bata.

"Napahaba ata tulog ko sir Pasensya na po" nahihiya kong sabi.

"It's fine fix yourself aalis tayo" sabi nya habang ang paningin nya ay nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Isaiah.

"Saan po tayo pupunta?" takang tanong ko.

"San Jose Del Monte Bulacan"

"Po? anong gagawin natin duon sir?"

"Meeting sa Client natin so kung ready kana aalis na tayo" sabi nya sakin. dali dali naman akong tumayo at kinarga si Isaiah

Sabay kaming lumabas ng Company yung iba nga ay napapatingin pa samin lalo na kay sir Griffin nag tatanong ang mga mata nila kung bakit nandito ngayon ang boss namin.

Wala akong alam dyan basta ako trabaho lang.

Dumaretso kami sa parking lot at huminto sa tapat ng isang black Mercedes.

Anak ni mama! may dream car shet!

Pumasok naman si sir Griffin sa driver seat kaya pumasok narin ako sa passenger seat. hindi ko na ibinaba si Isaiah kase ayaw nyang bumitaw sakin.

Mag tatanong palang sana ako kung anong gagawin namin sa Bulacan ng pinaandar nya na ang sasakyan kaya imbes mag tanong ay tumahimik nalang ako sa harap.

"Momma look!" turo ni Isaiah sa harap.

Tumingin naman ako sa tinuro ng bata at nagulat ng makita ko ang isang batang babaeng naka white dress habang naka talikod at naka harap sa dagat.

"Kilala mo sya baby?" malambing kong tanong kay Isaiah.

Sasagot na sana si Isaiah ng sumagot na ang daddy nya kaya napa baling ang tingin ko kay sir Griffin.

"She's my Daughter ate ni Isaiah" maikli nyang sabi.

"Asan na po sya sir? bakit hindi ko sya nakikitang kasama nyo?" Tanong ko

"Nawawala ang panganay ko hanggang ngayon hindi ko parin sya makita ang sabi nila may kumuha sa anak ko pero ang sabi nila nag layas daw si Adrianna nung namatay ang mommy nila" pag papaliwanag sakin ni sir Griffin.

Dalawa pala ang anak nya ang akala ko ay si Isaiah lang ang nag iisa nyang anak. hindi ko maimagine ang pinag dadaanan ni sir Griffin ngayon.

"Pero sir Pinahanap nyo na po ba sya?" tanong ko

Tumango sya at hindi na sumagot siguro ayaw nyang pag usapan ang tungkol sa anak nya masyadong sensitive siguro para sakanya.

Kaya pala nung isang araw may kausap nyang men in black siguro yun yung mga humahanap sa anak nya tapos pumunta sila sa Office para mag bigay ng information sa anak ni sir.

Maya maya pa ay tumigil si sir Griffin sa isang gilid bumaba sya at pinag buksan nya ako ng pintuan. nag pa salamat naman ako at inayos ang buhat ko kay Isaiah.

Pumasok si Sir Griffin sa isang lugawan kaya sumunod rin ako sakanya. pag ka upo ko palang ay duon ko lang naramdaman ang pagka ngawit sa pag bubuhat ko kay Isaiah.

"Bigat mo Isaiah Jusko" nag rereklamo kong sabi sa bata pero tinatawanan nya lang ako.

"Kyro ikaw bayan iho?" tanong ng isang matandang babae na may bitbit pang isang timba.

"Oho ako po" ngiting sabi ni sir Griffin.

Tuwang tuwa naman ang matanda at nakipag usap pa kay Sir Griffin. psh akala ko kakain kami kase hindi pa ako kumakain makikipag kuwentuhan lang pala sya.

"Oh sino naman ang magandang kasama mo kyro?" naka ngiting tanong nya.

Ngumiti naman ako at nagmano dito nginitian nya naman ako ng napakatamis.

"Ah asawa ko po si Celestine nay Misis ko" pag papakilala sakin ni mr Griffin pero hindi ako naka react agad nung sinabi nyang asawa nya ako.

Anong asawa?! Secretary mo ako pisteng yawa!

"Ke ganda naman iho magaling kang pumili ng Asawa" ngiting sabi ni nanay.

Nag pa cute pa ako kay nanay at hinawi ko pa ang buhok ko. ay totoo nay maganda talaga ako duh

Bumaling ako kay sir Griffin at nakita ang muka nyang nag tataka. tinig nyan naman ako ng WHAT-THE-HELL look nya.

"Ah nay tatlong lugaw ho" ngiting sabi ni sir Griffin tumango naman ang matanda at dali daling pumunta sa counter.

Humarap naman sakin si sir Griffin at tinignan ako ng may pagtataka.

"What the hell Celestine itigil mo nga yang pag papa cute mo pinag titinginan ka nila" naiirita nyang sabi. bumusangot ako at inirapan sya.

Palibhasa kase hindi sya cute hmp!

Maya maya pa ay dumating narin ang order namin na lugaw. nangunot pa ang noo ko ng ibaba ng babae yung tatlong bowl ng lugaw sa harap ni mr. Griffin pansin ko pa ang pag ipit nya sa dibdib nya sa mismong harap ni sir.

Pero itong si sir busy sa pag lalagay ng chicharon sa lugaw ni Isaiah kaya hindi nya napapansin.

Akmang uupo pa sa harap namin yung babae ng tadyakan ko yung isang upuan sa harap kaya nawalan sya ng balanse at natumba.

"Aray!" impit nyang tili.

Deserve may asawa na yung tao nakuha mo pang landiin? hindi kaba naturuan ng mama mo na lumugar?

"Jusko Nora! ano ba kaseng ginagawa mo?" tarantang sabi ng matandang kausap ni sir kanina.

Bumaling ako kay sir na hindi pinapansin ang nangyayari sa harap nya bagkus ay patuloy lang sya sa pag papakain sa anak.

Narinig ko pa ang mahinang pag tawa ni Isaiah na parang alam nya ang ginawa ko. si sir naman ay kumain na ng lugaw kaya kumain narin ako ng lugaw ng matiwasay.

Ang sarap ng lugaw grabe sino kayang nagluto nito? bakit ganito kasarap grabe naman specialty siguro nila ang lugaw na ito.

Defending Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon