Matapos naming mag lugaw sa manila ay bumalik na kami sa kotse at nag patuloy sa pag byahe papunta sa Bulacan.
Hindi ko nga alam kung anong gagawin namin duon pero sabi ni sir Client daw. Out of place na naman ako for business purpose pala ang pupuntahan namin doon.
Maya maya pa ay nakarating narin kami sa San Jose Del Monte Bulacan. dumaretso si sir Griffin sa isang Mall Sm Mall to be exact.
Niliko nya ang sasakyan papuntang parking lot. napansin ko kaagad ang madaming tao na may hawak na mga banner at marami ring mga reporter ang nasa parking lot.
Pag labas palang ni sir Griffin sa driver seat ay pinalibutan na agad sya ng mga body guards. dumaretso ang isa sa mga body guards ni sir at pinag buksan kami.
Pagka apak ko palang sa sahig ng parking lot ay sya ding pag click ng camera. Hindi nila kami malapitan dahil sa dami ng body guards ang nakapalibot samin ngayon.
Jusko naman business purpose ang sabi bakit ginawa kaming artista ngayon?
Hinawakan ni mr. Griffin ang kamay ko at dire-diretsong pumasok sa loob ng mall may mga tumitili pang mga babae ang nadadaanan namin may nakita pa akong isang banner na may nakalagay na pangalan ni sir Griffin.
Anakan mo ako Louise Griffin
Tse! anong anakan? ako muna hoy ako ang asawa kaya dapat rumespeto sa nauna.
Nang nasa loob na kami ng mall ay hindi parin nya binibitawan ang kamay ko. huminto ako kaya napahinto rin sya.
"Teka lang sir ibaba ko lang si Isaiah" nahihirapan kong sabi. binitawan nya naman ako.
Ibinaba ko naman ang bata at humawak sya sa kaliwang kamay ko. nagulat ako ng maramdaman ko sa kanang kamay ko ang kamay ni sir Griffin.
Napatingin ako duon ng pinag siklop nya ang mga daliri naming dalawa.
Jusko ano na naman ba itong nararamdaman ko bakit parang may kumikiliti sa tiyan ko?
umakyat kami sa 2nd floor ng Mall at pumasok sa isang tent na nasa gitna mismo ng 2nd floor may nakapalibot na harang duon at body guards. sa likod ng tent ay may mini stage at maraming mga tao ang naka upo.
Anong meron Fashion show ba?
"Dad" tawag ni sir Griffin sa may katandaan na lalaking prenteng naka upo sa isang mono block sa loob ng tent.
"Oh anak andito kana HA HA HA" tawang sabi ng lalake kay mr Griffin
Tatay nya siguro ito sya ba ang pinunta namin ngayon? or dumaan lang kami.
"Bakit pinapunta mo ako dito? kasama mo naman si Hendrix" sabi ni mr. Griffin
Tumayo ang tinawag nyang dad sa pagkaka upo at lumapit sa pwesto namin si Isaiah naman ay nakatingin lang sa lolo nya.
"Alam mo naman si Hendrix patay na patay sa babae hanggang ngayon hindi pa nauwi"
"Kung ganon sana tinawagan nyo ako para ako na ang nagpa uwi"walang ganang sabi ni mr. Griffin
"Ikaw talaga, oh sino naman itong kasama mo? asawa mo?" takang tanong ng daddy nya
"Secretary ko" walang modo nyang sabi.
Inapakan ko naman ang paa nya at ngumiti sa tatay nya ng matamis. grabe ang lalaking to tatay nya ang kausap nya bakit walang modo syang sumagot.
"Akala ko asawa mo? si andrea parin ba kyro?" marahang tanong ng daddy nya.
"Shut up dad, let's go" naiirita nyang sabi. hinatak nya ako palabas ng tent at dahil hawak ko si Isaiah sa isang kamay ay natangay rin sya.
Huminto kami sa isang arcade tumingin ako kay Isaiah at napangiti ng makita ang saya sa mata ng bata bumitaw sya sa pagkahawak sakin at tumakbo papasok sa loob ng Arcade
Napailing na lamang ako sa kakulitan nya. ganyan rin ako dati minsan pag hindi ako nadadala ni mama sa arcades nag wawala ako sa sahig ng mall tapos binabato ko pa ang slippers ko.
Atleast hindi panty ang binabato
sa true anteh gorl!
Lumingon ako kay sir griffin at nakita kong nakatingin lang sya sa anak nyang excited na pumila sa counter para magpa palit ng tokens.
Naka cross arm lang ito habang walang imik na nakatayo sa gilid ko. para tuloy kaming mga body guard na nasa labas ng arcades yung mukang ready manaksak sa gilid pag hinawakan bigla si isaiah.
Ang humawak sa bata ay...ikikiss ko syempre hihihihihi
hoy harot mo!
sorry ganda lang talaga ambag ko sa buong story nato.
"After mag laro ng anak ko saan mo gustong kumain? " mahinahong nyang tanong sa'kin. napakurap ako ng tatlong beses at nilingon sya.
Nakitingin lang sya sa'kin ng walang emosyon. hala inaaya nya ba akong mag date? teka i'm not ready omg!
Go! Ilalagay ko na ang bandera!
"Ano sir, kahit saan nalang hindi naman ako mapili" ngisi kong sagot sakanya tinaasan nya naman ako ng kilay
"Sure kaba? kahit saan?" naninigurado nyang tanong sa'kin, tumango ako at ngumiti ng napakatamis. bumakas sa muka nya ang pagkabigla at pamumula ng pisngi nya.
Nag blush sya?
Hindi na sya nagsalita pa at pumasok na sa loob ng arcade sinundan ko sya ng tingin papunta sya kay isaiah na ngayon ay naglalaro ng basketball. napakamot ako sa ulo
Dapat sinabi ko nalang sa mcdo eh, para makain ko cravings ko ngayong araw! ang pabebe mo kase celestine ayan tuloy baka mamaya dalhin ka nyan sa hepa avenue tapos ipapalamon sayo puro betamax or isaw!
Kiss nya nalang kaya ako?
Hala si anteh ang harot!
Magtigil ka Celestine boss mo yan, ikalma mo yang perlas ng dagat mo!
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...