"GOOD MORNING WORLD! " masayang sigaw ko.maganda ang gising ko ngayong araw hihihi. Bumangon agad ako at patakbong pumunta sa bintana ko para buksan ito. Pagbukas ko palang ay nalanghap ko na agad ang simoy ng hangin ang mga huni ng ibon sa umaga ay masarap talagang pakinggan.
Napatingin naman ako sa mga kapitbahay namin na may kanya kanyang gawain nahagip ng aking mata ang kapit bahay namin na kung mag puyat sa gabi ay dinaig pa ang adik.
"Good morning boyet!" sigaw ko rito na sinamahan ko pa ng masiglang ngiti. Napatingin naman sya sa direction ko at binati rin ako nito pabalik
"Grabe boyet ang ganda ng panahon ngayon nasa labas ka kase eh"
"Ano namang kinalaman ko sa panahon ngayon?" takang tanong nya sakin
"Tignan mo" turo ko sa araw na tinignan din naman nya
"tirik ang araw ngayon dahil nasa labas ang pinagkukuhanan nya ng enerhiya" saad ko sakanya habang nakaturo sa kalbo nyang ulo na kumikinang pa dahil sa araw. napangiwi naman sya sa sinabi ko at napailing
Napatingin naman ako sa dumaang kapitbahay namin na may dalang aso si Aling Cecilia pala ito
"Aling Cecilia magandang umaga po" ngiti kong bati sakanya. Tumingin naman sya sakin at ngumiti rin na isang pagkakamali nya dahil nalaglag ang pustiso nya napangiwi nalamang ako at lumabas nalang sa kwarto ko
"Goodmorning ma! Good morning Harper! " masigla kong bati sa kanila ng madaanan ko sila sa sala bakas panga ang pagtataka sa muka ni mama dahil sa kinikilos ko si Harper rin ay napangiwi
Eh kase naman maganda ang gising ko dahil sa panaginip ko naliligo daw ako nun mga 7:30 ng gabi tapos nung paglabas ko sa c.r ay marami daw perang nakakalat hihihi ibig sabihin ngayong araw yayaman ako.
Pumasok ako sa kusina para magluto ng agahan ko. pagkatapos kong mag luto ay kumain na agad ako. habang kumakain ako ay pumasok si Harper sa kusina nilapag nya ang pinagkainan nya sa lababo at lumapit sakin hinawakan naman nya ang noo ko
"wala ka namang lagnat bakit muka kang baliw kanina habang nakangiti?" takang tanong nya sakin. hinampas ko naman ang kamay nya na nasa noo ko at inirapan sya
"Wag mo sirain ang araw ko maganda ang gising ko ngayon harper" inirapan ko naman sya. iniligpit ko naman ang pinagkainan ko at dali daling umakyat sa kwarto ko para maligo at mag bihis. Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay dami dali akong bumaba.
"Ma alis na po ako" sigaw ko kay mama ng makita ko syang nag wawalis sa bakuran namin
"Oh anak ingat" sigaw nito sakin dahil nakalabas nako sa gate namin
Pag dating ko sa Terminal ng jeep ay sumakay agad ako puno na yung jeep nung sumakay ako buti nalang nagkasya pa. napatingin naman ako kay ateng katabi ko na naka kapit sa hawakan sa taas ng bubong ng jeep. grabe ang amoy ni ate amoy pritong suka
Kinalabit ko naman ito. tumingin naman sya sakin. ngumiti naman ako sakanya
"Alam mo ate maganda araw ngayon no?" ngiti kong tanong sakanya. tinaasan nya naman ako ng kilay
"eh ano naman ngayon?" masungit na sabi nito sakin
"wala naman ate siguro masarap ulam mo ngayong umaga"
"Bacon and egg ang almusal ko"
"Wow sarap nga ah, pero ate may nasagap akong chismiss"
"talaga? Ano naman yon?"tanong nito sakin
"yung mga tao kase sa mundo ngayon puro nag kakalat ng basura sa paligid sa kanal tapos puro sila POLUSYON" pag diin ko sa huling salitang sinabi ko sakanya
"Ay totoo yan ineng hirap na daw ang mundo huminga dahil sa di pag aalaga nang tama ng mga tao sa mundo"
Hinawakan ko naman ang braso nyang nakataas at marahang binaba.ngumiti ako sakanya at ngumiti rin sya sakin pabalik
"wala tayong magagawa sa ibang tao na ayaw sumunod sa batas. Ang magagawa nalang nating mga may pagmamahal sa mundo ay tumulong sa pag aalaga ng kalikasan LET THE EARTH BREATH" ngiti kong saad sakanya. ngumiti naman sya sakin at sumang ayon sa sinabi ko. Ate ang ibig ko talagang sabihin doon is LET ME BREATH close mo nalang kase ang arms.
Nang makarating sa Company ay agad akong pumasok binabati ako ng mga co-employees ko at binabati ko rin sila pabalik. Sumakay naman na agad ako sa Elevator ng marating ko ito di nag tagal ay nakarating din agad ako sa 15th floor lumabas agad ako at pumunta sa Table ko inilapag ko doon ang mga gamit ko bago pumasok sa office ni sir Griffin
Lumapit ako sa Tv Screen at pinindot ko ang yellow botton sa gilid maya maya pa ay bumukas ito ngunit walang sir Griffin ang bumungad sakin kundi ang isang maliwanag na kwarto maganda ang design non Gold, and black ang color tapos yung mga gamit halatang mamahalin.
nakarinig naman ako ng ingay sa gilid hindi ito kuha sa camera pero rinig ko ang ingay na nanggagaling doon mamaya pa ay may isang bulto ng lalaki ang nag lakad papunta sa Walk in Closet na katapat lang ng Camera naka Towel lang ito sa ibabang bahagi ng katawan nya may nakasabit din sa leeg nya na towel nagpupunas ito ng basang buhok habang papalapit sa Closet
Napatingin naman ako sa ibabang bahagi ng katawan nya. Shemay may abs tangina 8 packs abs kaya iyon? Shit super duper shit ang hot beh. Napalunok naman ako sa aking nasaksihan i need water please tubig!. Pero diko makita ang muka nya dahil nag pupunas ito ng buhok nya humaharang ang towel na hawak nya sa muka nya.
napaayos naman ako ng tayo ng maramdaman kong haharap ito sa Camera bago pa ito makaharap ay nasagi ko naman ang mga papel na nakalagay sa table ni sir Griffin naglikha naman iyon ng ingay kaya napatingin naman ako doon. napabaling ulit ang tingin ko sa tv screen ng biglang may mag salita
"What the fvck are you doing here Ms. Gonzales?!" rinig kong singhal ni sir Griffin sakin nakasuot ito ng maskara at t shirt na puti
"A-Ano sir k-kase..."nauutal kong sabi dito.
"Fvck! Get out! "sigaw nya sakin. Agad naman akong umalis sa Office nya. napasandal naman ako sa table ko. Shit nakakahiya Celestine nakakita kalang ng abs natameme kana Jusko lord patawarin nyo po ako sa kasalanan ko ngayong araw huhuhuhu
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...