Inangat ko ang aking ulo sa pagkakayuko. Agad akong huminga ng malalim.para pakalmahin ang sarili. Tangina dimo deserve to Leigh hindi mo deserve lahat ng nararanasan mo ngayon.
Tumayo ako para sana mag c.r at ayusin ang sarili ng biglang bumukas ang Elevator at lumabas ang isang lalakeng hindi ko inaasahan na susundan ako. luminga linga ito sa paligid at nakita kong pinipigilan sya ng Secretary nya. Bago pa sya makalingon sa kinapupwestuhan ko ay agad akong tumayo at patakbong pumasok sa office ni sir Griffin.
Pagka sara ko palang ng pinto ay napasandal ako dito nanghihina akong umupo sa likod ng pinto habang nakatakip ang aking mga kamay sa bibig ko.
"Leigh! "sigaw nito sa labas.
"sir tama na po"saad naman ng secretary nya
"Bitiwan moko nicole i need to talk to my daughter"
"Pero sir wala naman sya dito"
"nandito sya nicole ramdam kong nandito ang anak ko! "sigaw naman nya sa secretary nya.
Mas lalo kong tinakpan ang bibig ko dahil ramdam kong nasa likod lang sya ng pinto. agad akong napatingin sa Door nob ng biglang gumalaw ito. tumayo naman ako para ilock ito at dumaretso sa table ni sir Griffin. sumuot ako sa ilalim ng lamesa nito.
"You Mr. Try to Enter to my office. Sisiguraduhin kong dika makakalabas ng buhay sa Company nato" isang baritonong boses ang aking narinig agad naman akong lumabas sa ilalim ng lamesa at sumilip kung saan nanggagaling ang boses na iyon
Sa tv screen ni sir Griffin. lumingon naman ang tv screen sakin at nagulat ako sa aking nakita isang pares ng mga mata ang nakatingin saakin kulay asul ito at malamig na nakatingin sa direksyon ko. Pero hindi ko maaninag ang buo nyang muka dahil sa dilim ng ilaw ng tv screen kahit maliwanag pa ay diko talaga makita ang buong itsura nito.
Bumalik ang atensyon ko sa pinto ng biglang kumalabog ito.
"Ilabas mo ang anak ko dyan, leigh anak alam kong nandyan ka sa loob mag usap tayo anak pakinggan mo muna si papa"
"You know what Sir? I would rather leave. than rather leave this company as a cold corpse" malamig naman na sagot nung lalake sa Tv
"S-Sir umalis na po tayo please" rinig kong ani naman ng Secretary ni papa. hindi ko na narinig ang boses nito at agad akong pumunta sa pinto. binuksan ko ito ng maliit para masilip kung nandoon pa si papa pero wala na sya doon kaya agad akong nakahinga ng maluwag
Humarap ako sa tv screen at ngumiti ng maliit.
"Salamat" mahinang saad ko dito. Tumingin lang naman sya ng malamig sakin at umandar na ito pabalik sa pwesto ng office chair ni sir. nang humarap ito ay nakamaskara na ulit sya.
"S-Sir maraming salamat po" pag uulit kong pasasalamat dito
"Bakit nagpapasalamat ka?"
"kase tinulungan nyo po ako"
"Don't Bothered"
"Pero sir ang ganda ng mga mata nyo kulay asul tapos hindi ko lang nakita ang buo nyong muka kase madilim eh."
"shit" mahina nitong saad na narinig ko naman.
"Nakita mo?"
"Opo ganda ng kulay ng mga mata mo"
" you shouldn't have seen that,just fvcking leave and forget what you saw"
"B-Bakit po?"
"Don't Ask just fvcking leave"malamig na utos nito sakin agad naman akong lumabas ng office nya at dumaretso sa lamesa ko agad akong umupo doon at huminga ng malalim.
Bakit kaya inutos nya saaking kalimutan ko ang nakita ko? Mga mata lang naman nakita ko hindi naman buong pagkatao nya. Pero malaki ang pasasalamat ko sakanya kase tinulungan nya akong magtago kay papa. Kahit masungit sya ay may kabutihan pa palang natitira sakanya.
Kailangan kong suklian ang pagtulong nya sakin bukas mag babake ako ng cookies para sakanya yun nalang ibibigay ko para makain nya. tutal yun lang naman ang kaya kong ibigay sakanya
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...