"Pero diba mayaman naman na sya? Bakit kailangan nya pang mag sideline eh isang labas nya lang ng pera may maipapagawa na syang charity" tanong ko kay mr. Lim
Ngumiti lang sya at itinuon ang tingin sa kotseng pinasukan ni mr. Griffin hanggang ngayon ay hindi parin sya lumalabas sa kotse siguro busy pa sya sa pag bibilang ng mga na ipon na nya.
"Sa totoo lang nag labas na sya ng pera actually ginagawa na nga yung charity. Ang kaso gusto nya yung pera ibibigay nya sa charity na ipapatayo nya ay galing sa pinag paguran nya ang nasa isip nya kase lagi ay hindi natutumbasan ng pera ang pag mamalasakit sa kapwa"
Napangiti ako sa narinig mula kay mr. Lim nakakatuwang may mga tao pa palang kagaya ni mr. Griffin hindi ko expect na ganito sya kalambot sa ibang tao.
Siguro kaya hindi pumupunta si sir sa sarili nyang company dahil dito. kase sa nakikita ko mas priority nya ang pag sideline kesa sa pag tatrabaho sa company nya.
Angas beh!
Pero ngayon ko lang sya talaga nakitang hindi naka maskara para saan ba kase ang maskara tapos nung unang meet namin nasa tv lang sya seryoso trip nya lang ba ang lahat ng iyon?
Lakas ng trip iba talaga nagagawa ng mga mayayaman pag bored.
Kating kati na talaga akong mag tanong eh ang kaso nga lang baka sabihin nakiki epal ako.
Gusto ko ng tanungin kung para saan ang maskara pati narin ang tv screen kineme nya.
Bumaling ako kay mr. Lim na busy na ngayon sa pag papay-pay ng mga barbeque. duon ko lang din napansin na may 2 customer na sila ngayon.
Parang kanina ako lang yung customer.
Tapos kanina pa ako dito hindi ko pa nakakain ang binili kong barbecue. sunog na ata yung pagkain ko sa sobrang tagal ng pag chichismisan namin.
"Ms. Gonzales" napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang pangalan ko.
Nakita kong seryosong naglalakad si Boss na may bitbit na isang plastic labo. sinuri ko iyon ng mabuti wala naman syang bitbit na ganito kanina bukod sa perang binayad ko.
Huminto sya sa harap ko at inabot saakin iyon.duon ko lang din nakita ang laman ng Plastic.
Yung mga Barbecue ko!
Anak ni mang berto! dinala nya yung pagkain ko sa loob ng sasakyan nya? eh bakit? nag kulang ba sila ng uling kaya duon nya niluto?
"Bakit dala mo yung pagkain ko?" taka kong tanong dito.
"Binalutan kita ng Suka special suka to be exact"
"Ha? hindi ko naman sinabing itatake out ko kakainin ko dito"
"Wala akong pake kung kakainin mo or what i just wanna give you the damn vinegar" irap nyang sabi sakin.
Tinignan ko lang sya ng may pagtataka. para saan naman aber? hindi naman nya ako need bigyan ng suka may sawsawan naman sila dito.
Pang laban ata to sa putok. balance ng suka sa putok ng kilikili.
"But why? May suka naman kayo dito sana hindi kana nag abala pa" sabi ko sakanya. inirapan nya naman ako at tinalikuran.
Sungit kala mo naman bagay sakanya
Tinawag ko si mr. Lim at nagpaalam ng uuwi na dahil nga sa gabi narin at kailangan ko pang matulog ng maaga para bukas.
Hindi na ako nag abala pang mag paalam sa Boss ko na busy na sa pag papay-pay ng mga iniihaw nya. hindi ko sya Boss ngayong gabi kase wala kami sa Office.
Bukas ko pa sya magiging boss.
Nag lakad na ako paalis duon. hindi na ako sasakay ng trycicle sayang lang sa pera.
Bibili nalang ako ng Kotse tutal 180k naman ang sahod ko kada week.
Iipunin ko yun tapos mag papagawa ako ng Bahay namin nila mama na malaki tapos bibilhin ko lahat ng gusto ni mama saka ni Harper pag lumaki na ang ipon ko.
Pero kahit 180k ang sahod ko kada week kailangan mag tipid dahil hindi naman ako gastador medyo slight lang pero hindi talaga ako masyadong gumagastos.
Slight lang promise.
Tumingin ako sa mga batang nakakasalubong ko sa daanan. hindi pa naman ako malayo sa Plaza pero mas marami pa palang tao dito kesa sa loob ng plaza sabagay mas maganda kasi ang tanawin dito.
Huminto ako saglit sa isang bench at umupo. maaga pa naman actually wala pang 8pm kaya tambay muna ulit ako mga ilang minuto lang.
Ayoko pa talaga umuwi sa totoo lang T^T
Payapa kong tinignan ang isang lake na nasa harap ko. yes po may lake kami hindi lang masyadong malinaw ang tubig pero sapat na iyon para makita mo ang reflection ng buwan sa tubig.
May mga swan rin ang lumalangoy sa lake may mga puno rin na sa palibot ng lake pero onti lang ito. may naka palibot na Christmas light sa paligid ng lake na mas nag bibigay ganda dito.
May bench rin at tables para sa mga taong gustong tumambay sa lugar na ito. Ang ganda payapa ang paligid kahit na may mga couples ang nakatambay dito.
Nagmuni muni muna ako sandali bago ko napag desisyonang umuwi na. tumayo na ako at nag lakad. hindi pa ako nakaka sampung hakbang ng may humila sa laylayan ng damit ko.
Tinigyan ko iyon at nagulat sa nakita. isang batang babae na gusgusin ang humila sa dulo ng damit ko may hawak syang isang mahabang kawayan.
"pwede pong m-manghingi ng tubig?" tanong sakin ng batang babae humarap ako sakanya at lumuhod sa harap nya para pantayan sya.
"Bakit? na uuhaw kaba?" marahan kong tanong dito. Syempre Celestine uhaw sya alangan namang ipang hugas nya diba?
"Opo" mahina at may hiyang sabi nya sakin. kinuha ko naman ang wallet ko at hinawakan ang kamay nya.
"Tara ibibili kita" ngiti kong sabi sa bata. kumawala naman ang masayang ngiti mula sa labi nya.
Hinatak ko sya papalapit sa isang stall na hindi kalayuan samin. tinignan ko ang mga tinda nila duon puro ito mga inumin sakto lang pala ang stall na nakita ko.
Tumingin ako sa bata na nakatayo lang sa gilid ko. yumuko ako ng bahagya sakanya. Pansin ko ang mga mata nyang hindi kumukurap.
Bulag ba ang batang ito?
"Anong gusto mo?" marahan kong tanong dito. ngumiti sya habang nakaharap sa tindahan.
"Tubig po" Magalang nyang sabi. tumango ako at binili ang gusto nya. pagkatapos kong mag bayad ay inalalayan ko naman sya paupo sa isang bench na nasa tapat lang din ng Stall.
Binuksan ko ang Bote ng tubig at itinapat sa bibig nya. dahan dahan naman syang umiinom ng tubig. Pagkatapos ay ibinaba ko ang bote ng tubig sa gilid ko.
Humarap ako sakanya ng may ngiti pero ang paningin nya ay diretso parin at hindi kumukurap.
Asan kaya ang magulang nya? bakit nila pinapabayaan ang batang bulag na nag papalaboy laboy lang sa kalsada mag isa?
Paano kung may mangyaring masama sa bata madami pa namang adik ang pagala gala sa gabi baka mapano ang batang ito.
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...