chapter 3

30 5 3
                                    

Lumipas ang 15 minuto ay wala parin ang boss nila. Grabe naman mag c.r yon pati ata inidoro sa loob ng C.r kinain na nya ang tagal naman. Tatayo na sana ako para magreklamo kay kuyang Assistant ng biglang gumalaw ang office Chair humarap ito saakin at may nakapatong doon na maliit na screen tv bumukas ito at may isang lalaki ang nakamaskara. Nagulat ako sa aking nakita at sumigaw ng napakalakas

"AAAAAHHHH PUTANGINA ANG PANGET MO" sigaw ko rito agad naman akong tumakbo sa pinto at akmang bubuksan ko na ito ay biglang nagsalita ang lalaking nasa screen tv

"Shut the fvck up and sit down woman" ani nito sa malalim at malamig na boses agad akong napalingon dito at naistatwa sa aking kinakatayuan. Tangina lord kung katapusan ko na ang araw nato please lang kayo na po ang bahala sa mga manok ko sa bahay naiiyak kong dasal sa aking utak. hindi ako gumalaw sa aking kinakatayuan at humigpit na lamang ang hawak ko sa dulo ng suot kong damit. Ngunit ni isang hakbang ay hindi ko na gawa dahil sa takot.

"don't wait for me to repeat what i said" ani nito sa malamig na tono. napalunok naman agad ako sa aking narinig at nanginginig na bumalik sa aking kinauupuan kanina umupo ako doon habang ang dalawang kamay ko ay nakapatong sa aking mga hita

"Good. Let's start"saad nito saakin

"Name" Tanong nito saakin na agad ko namang sinagot sa nanginginig na boses

"C-Celestine Leigh Gonzales"

"Age?"

"22"

"Birthday?" napakunot ang aking noo sa sunod na tanong nito sakin. Birthday? Seryoso? Kailangan bayon?

"s-sir pati birthday?"tanong ko rito

"yeah"malamig nitong sagot

"B-Bakit?"

"Wag kana mag tanong sagutin mo nalang"

"A-August 31"

"bakit gusto mong mag apply sa Company ko?"

"Kase magandang Company to"

" okay Tanggap kana you can start tomorrow" ani nito na nagpa blanko sa utak ko. Tanggap nako? Seryoso ba to? OMG!

Defending Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon