Agad akong lumapit sa Receptionist at sinabi ang pakay ko. agad naman nya akong tinugunan at inassist sa pila ng mga mag a-apply. habang naglalakad sa hallway ay nilingon nya ako ng bahagya at ngumiti ng kaunti
"Hiring kami ngayon nag hahanap kase yung boss ko ng new Secretary nya" buntong hininga nyang saad saakin. Ay teh ang lalim ng buntong hininga ah siguro masakit sa ulo itong boss nya.
"ay akala ko sa mga department department yung para sa hiring. Para pala sa new secretary yon"
"HAHAHA hindi wala ka naman ng mapapasukan sa bawat department dito lahat kase puno na. yung position talaga ng pagiging secretary ang laging nababakante"
"ay bakit ate?" tanong ko naman rito. Agad naman syang tumigil sa pag lalakad at tumigil rin ako napansin kong may pinundot sya sa pader nang tignan ko ay nasa tapat na pala kami ng Elevator. Bumukas naman agad iyon. sumakay naman agad si ate at sumunod rin ako pagka pasok ay pinindot nya ang 15th floor sumara naman agad ang Elevator at nag simulang umandar. Pagka andar nito ay humarap naman si ateng Receptionist sakin.
"Lahat ng secretary ni sir hindi tumatagal ng ilang buwan dito miss yung iba kase kusang nag reresign dahil hindi daw nila matiis ang ugali ni sir yung iba naman ay nagiging fling ni sir tapos pagkatapos nyang gamitin ay tatanggalan nya ng posisyon in short sinesesante nya"
"Ay red flag naman masyado" ani ko sakanya na agad naman nyang ikinatawa. Bumukas ang pintuan ng Elevator at napansin kong nasa 15th floor na kami pagkalabas ko palang ay bumungad agad sakin ang pila ng mga mag a-apply bilang Secretary sa Company nato.
"andito kana good luck sa interview" ngiti nitong ani. Ngumiti naman agad ako rito at tumango agad akong naglakad sa mahabang pila. Pumila agad ako at umupo grabe ang haba ng pila mukang tatanghaliin ang uwi ko sa dami ng nakapila ah.napatingin naman ako sa tumatakbong babae. umiiyak sya siguro di sya natanggap kawawa naman pagnakita ko ulit si ate ay kukunin ko syang side kick sa pag da-drum sa loob ng jeep ramdam ko na kaseng di ako makukuha.
Lumipas ang mga oras ay ako na ang susunod na tatawagin. Kinakabahan ako na natatae hindi naman ito yung unang pinag applyan ko pero nakaka-kaba parin kase. What if hindi ako makuha tangina naman tatawagan ko na talaga si Harper para ihanda yung drum sa bahay. Baka bukas nasa loob nako ng mga Jeep kumakanta habang nag da-drum. Ako na ang susunod na tatawagin para sa interview.
Lumipas ang mga oras ay lumabas na ang babaeng nauna saakin sumunod naman dito ay isang lalaking may katandaan na siguro ito yung assistant nung may ari ng company.
"Next please" saad nito. Tumayo naman agad ako at napatingin ito saakin ngumiti ako ng bahagya dito at sumenyas naman sya na sumunod ako sakanya. Pumasok kami sa isang opisina na sobrang laki. Hala buong bahay na namin to ah grabe yayamanin talaga ang gaganda nung mga gamit feeling ko pag hinawakan koto kakasuhan agad ako eh sa sobrang linis at kintab sa loob parang nag sasabi ng bawal hawakan mamatay ka. napatingin naman agad ako kay kuyang assistant nang bigla itong humarap saakin
"Upo muna kayo miss nag c.r lang si sir sandali" ani nito saakin. Ngumiti naman agad ako sa sinabi nito at umupo sa sofa agad naman syang nag paalam at lumabas ng opisina. nilibot ko naman ang aking paningin sa loob ng Opisina ang ganda ang daming furniture napadako naman ang aking mga mata sa isang table may nakalagay doon
CEO/Engr.KYRO LOUISE GRIFFIN
Wow engineer pala ang boss nila dito siguro matanda nato kase diba yung mga CEO ngayon sa ibang mga company puro matatanda tapos ang itsura kulubot ang balat may balbas puti ang mga buhok dahil sa katandaan at higit sa lahat nirarayuma na baka nga isang ubo nalang matitigok na sya hihihihi pero sabi nga nila diba don't judge the book by it's cover.
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...