chapter 27

9 1 0
                                    

Nahihiya akong tumingin kay sir Griffin na busy na sa pag aayos ng kalat ng sarili nyang anak.

Kung kanina ay naka tayo ako sa harap ng table ni sir ngayon naman ay nasa gilid nako ng lamesa ni sir.

Hanggang ngayon ay nahihiya parin ako kay sir dahil sa nakita nya sakin kanina. kung kanina wala akong pake kung may makakita sakin na nag s-sexy dance ngayon ay binabawi ko na!

Okay lang sana kung mga co-employees ko lang ang naka kita eh pero hindi! mismong Boss ko pa ang nakakita ng pag giling ko!

Bakit ko ba kase naisipan mag sasayaw sayaw sa office. Kainis wala pa akong isang taon sa trabaho pero feeling ko matatanggal nako.

Napatingin ako kay sir Griffin ng lumakad ito sa table nya. may kinuha sya sa ilalim ng mga papel na nakalapag sa table nya.

Napatingin sya sakin ng mapansin nyang nasa gilid ako ng Table. Agad akong umiwas ng tingin at bahagyang kinagat ang ibabang labi.

Shet wag mokong tignan! nahihiya na nga ako tumitingin kapa! dukutin ko mata mo eh.

Narinig ko pa ang matunog nyang pag ngisi bago bumalik sa anak nyang naka upo sa sofa. Lumuhod ito sa harap ng anak at ibinigay nya ang hawak nya.

Isa iyong maliit na card na kulay itim. tumingin ako sa bata ng biglang tumayo ito at ngingiting yumakap sa daddy nya.

Ano yun? Anong binigay nya sa anak nya? Death Note?

"Buy anything you want" saad nya sa batang naka yakap sakanya ng mahigpit.

Ang galing after bangayan, lambingan. Akala ko kase after bangayan jugjugan.

Nakita ko namang masayang tumango ang bata sakanya at bumitaw sa pag kakayakap bago nag tatakbong lumabas ng office ni sir.

Tumayo si sir sa pagkaka luhod at kunot noong tumingin sakin. Ibinulsa nya ang isang kamay habang ang isa naman ay nasa baba nya.

Pilit akong ngumiti sakanya at bahagyang inayos ang tayo. Lumapit sya sa kinakatayuan ko at seryoso akong tinitigan.

"Seriously? Sexy dancing in my Office?" kunot noo nyang sabi sakin. Ngumuso ako at umiwas ng tingin.

Malas mapapagalitan pa ata ako ngayon ah umay boi.

"n-nabored lang ako sir hehehe"nahihiya kong sabi sakanya. sinamahan ko pa iyon ng peace sign.

Umiling iling sya at tinalikuran ako. pabagsak syang umupo sa sofa at pumikit ang isang kamay nya ay naka patong sa sandalan ng sofa habang ang isa ay nasa necktie nya. 

Napansin ko pa ang marahang galaw ng kamay nyang naka hawak sa Necktie nya. na para bang tinatanggal nya ito.

At tama nga ako dahil hindi nag tagal ay hinatak pababa ni sir Griffin ang necktie nya at itinapon kung saan. Bumangon sya habang ang mga mata ay nakapikit parin.

Tamad nyang hinubad ang black Coat nya at inihagis rin ito kung saan. Muli syang sumandal sa Sofa. napansin ko rin na bukas ang tatlong butones ng Polo long sleeve nya.

Galing ah! Multi tasking ang kuya mo beshy!

"Tatayo ka nalang ba dyan mag damag?" saad nya habang naka pikit parin.

Napa kunot noo ako dahil sa narinig. Ako ba ang tinutukoy nya? siguro naman ako nga kase dalawa lang kami dito sa Office maliban nalang kung may nakikita syang hindi ko nakikita!

Agad akong lumapit sa single sofa na katapat nya at umupo. delikado na baka mamaya bugahan ako ng apoy first meet palang namin pero nakakahiya na agad.

First meet na hinding hindi ko na babalikan pa.

Tahimik lang akong naka tingin sa boss kong feeling hari sa harap ko ngayon. Muka syang natutulog base din sa muka nya ay halatang pagod na sya sa trabaho.

Partida meeting palang ang pinuntahan nya.

Napa iwas ako ng tingin sakanya ng mag mulat ito ng mata. Shet yung tingin ni sir parang hinuhusgahan na buo kong pagkatao wag ganon uy!

"did you check my schedule?" malamig nyang saad sakin. napalingon ako sakanya at ngumiti.

"Oo sir" ngiti kong sabi sakanya. Tumango tango naman sya at tumayo lumakad sya papalapit sa Table nya at umupo

Mukang mag tatrabaho na ulit sya nakapag pahinga na sya eh. kaya balik trabaho na sabagay tambak sya ng gawain ngayon.

Pero... nakaka panibagong makita syang ganito ang ayos. Medyo sanay na kase akong nasa TV lang sya tapos naka Maskara. ano kayang trip nya kung bakit nya ginawa ang bagay nayun?

Bakit sya laging nasa TV at naka maskara kung pwede naman pala syang magpakita o lumapit sa mga tao.

Pero kung ano man ang rason nya ay alam kong malalim iyon. Pansin ko rin kanina na habang nag lalakad kami sa Hallway bawat taong nakaka salubong nya ay iniiwasan sya. Pero yumuyuko naman sila bilang pag galang tapos pagkatapos ng pag galang ay agad agad na aalis.

Ano ba kasing meron? tagal ko ng nag tatrabaho sakanya pero hindi ko parin alam ang rason.

Curious talaga ako besh!

Defending Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon