chapter 32

7 1 3
                                    

HARPER'S POV

Yes! sa wakas may Pov narin ako HAHAHAHA btw hi sainyo Harper nga pala ang magan--este gwapong kapatid ni Celestine leigh

Walang aangal sainyo ako nato.

kasama ko si ate leigh pumunta sa plaza pero nung dumating kami ay humiwalay agad ako sakanya ng palihim. Hindi naman nya mapapansin yon lutang palagi ang isang iyon.

Pero inlove sa boss.

Pasipol sipol akong nag lalakad sa Plaza habang ang mga mata ko ay tumitingin tingin sa paligid.

Naknampucha daming bebe girls!

Napangisi ako ng may makita akong isang babaeng naka upo sa gilid ng stall ng Siomai ni kuya Vince.

Ganda guys!

Naka suot ito ng fitted croptop. busy itong kumakain ng Siomai sa gilid. ngumiti ako ng bahagya bago ko ito nilapitan.

Huminto ako sa tapat ng lamesa nito inayos ko pa ang t shirt ko bago umupo sa tapat nya. napatingin sya sakin na may pagtataka sa mga mata.

Ngumiti ako sakanya ng matamis at inilahad ang kamay ko sakanya. Tinignan nya lang iyon.

"Harper pala miss" Walang hiya kong pag papakilala sakanya.

Kahit hindi nya tinanong ang pangalan ko willing akong sabihin sakanya. hindi na ako mag papakipot tutal hindi naman ako pusong babae.

Bakit ako mag papakipot sa babaeng ganto kaganda? Hindi na sya pwedeng tumanggi pa ako na lumapit.

"And?" taas kilay nyang tanong sakin. natawa ako ng mahina at binawi ang kamay kong naka lahad sakanya.

"Gusto ko lang naman mag pakilala" maangas kong sabi sakanya.

"Hindi ko naman tinanong ang pangalan mo" May pag susungit na sabi nya.

Tumikhim ako at inayos ang sumbrelo ko. nakaka tanggal angas pag hindi maayos ang sumbrelo par dapat laging maayos para dagdag pogi points.

Napakagat ako sa labi habang nakatingin sakanya ng may pagka mangha. wow ganto yung mga gusto kong babae eh.

Akmang mag sasalita na sana ako ng maramdaman kong may tumayo sa gilid ko. kunot noo ko itong tignan.

Nawala ang gana ko ng makita ko kung sino ang taong nasa gilid ko. rinig ko pa ang pag singhap ng babaeng nasa tapat ko na kanina lang ay kausap ko.

Napairap naman ako dahil doon. umay naman oh! sya na naman ano bang ginagawa ng gagong to dito?

Inaagaw nya ang atensyon ng babaeng magiging girlfriend ko!

Inis syang nakatingin sakin na para bang may ginawa akong mali sakanya. tumayo ako at hinila sya paalis duon.

Tumigil ako sa gilid ng isang poste. humarap ako sakanya at nag cross arm. huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Pag nakikita ko ang gagong ito naiinis ako ng todo!

Naagaw nya kase ang atensyon ng mga babae ko! titignan nya palang ang mga ito ay kinikilig na syempre sino bang hindi mag kakagusto sa isang Hugo Lewis.

"I told you Harper stop this." malamig nitong sabi sakin.

"Ano na naman ba? pati ba naman dito Hugo?"

"I told you kung nasaan ka nanduon rin ako" marahan nyang sabi sakin.

Napa asik ako dahil duon tinanggal ko ang sumbrero ko at inis syang tinignan.

"Layuan mo ako pwede ba? Nakakaasar kana" Walang modo kong sabi sakanya.

Ngumisi sya sakin at lumapit hinawakan nya ang hibla ng buhok kong naka harang na sa muka ko.

"No. hindi ako lalayo sayo Harper" malambing nyang sabi. hinawi ko ang kamay nyang marahan ng humahaplos sa muka ko.

Germs!

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ako pusong babae Hugo!" pasigaw kong sabi sakanya.

Tangina nakakaasar na talaga hindi ako babae! hindi ako pusong babae bakit hindi nya maintindihan ang bagay nayon!

"Hindi ako naniniwala" walang pake nyang sabi sakin na para bang wala lang ang sinabi ko sakanya.

"Hugo kahit anong gawin mo hindi mo ako makukuha. Babae ang gusto ko hindi lalake alam mo namang pusong lalake ako Hugo" walang pasensya kong saad dito. ngumiti lang sya ng matamis bago kunin ang dalawa kong kamay.

Pumiglas ako sa pagka hawak nya pero mas hinigpitan nya pa iyon.

"Hmm...no baby hindi ka pusong lalake hindi ko nakikita sayo yon" malambing nyang sabi sakin. itinapat nya ang dalawang kamay ko sa labi nya at may pag lalambing nya itong hinalikan.

"kahit anong gawin mo Harper hindi mo maalis ang nararamdaman ko para sayo. pusong babae o hindi wala akong pake. itulak mo ako ng paulit ulit, saktan mo ako sa mga salita mo. But baby I will not give up, I will chase you no matter what, I will chase you until you love me back" seryoso at may pag lalambing nitong sabi sakin.

Hindi ako nakasagot sa sinabi nya nakatingin lang ako sakanya. habang sya ay titig na titig sakin nakikita ko pa sa mga mata nya ang pagka seryoso, at pagmamahal.

Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. hindi sya titigil hanggat hindi nya nakukuha ang puso ko hindi nya ako lulubayan hanggat hindi ako nahuhulog sakanya.

Pero paano ko gagawin ang bagay na gusto nya kung ang nasa puso ko ay iba. paano ko masusuklian ang pagmamahal na binibigay nya sakin kung ang puso ko ay hindi para sa lalake.

"Hugo... hindi kaba titigil? ilang beses ko ng sinabi sayo to hindi...hindi talaga para sa lalake ang puso ko Hugo hindi ko kayang suklian ang pag mamahal mo" mahina at marahan kong sabi sakanya.

Ayoko ng ganito ayokong makita syang nahihirapang suyuin ang puso ko ayokong makita ang pag asa sa mga mata nya. nag babakasaling baka pwede talaga ang gusto nya.

"Shh... Stop Harper kahit anong sabihin mo hindi ako titigil. mamahalin kita sa ayaw at sa gusto mo. Alam kong darating ang araw na mamahalin mo rin ako. sa ngayon hayaan mo muna ako, hayaan mo munang mahalin kita ang gagawin mo lang naman ay hayaan akong mahalin ka. Hahayaan mo lang akong habulin ka yun lang ang gusto ko Harper yun lang mahal ko" malamyos nyang sabi sakin.

Wala akong nagawa kundi ang bawiin ang kamay ko at talikuran sya. hindi ako lumingon sakanya dire-diretso ang lakad ko paalis sa lugar na iyon.

I'm sorry Hugo pero hindi ko kaya ang gusto mo. hindi ko kayang makita kang hinahabol mo ang katulad ko.

Kahit anong gawin mo wala kang mapapala sa kagaya ko. sorry i'm really sorry pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko kaya...

Defending Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon