Gusto kong itanong sakanya ang bagay na yon ang kaso baka sabihin nya ay nang hihimasok na ako sa buhay nya.
Wagna beh delikado ang buhay pag naging chismosa ka.
Hahayaan ko nalang na sya mismo ang mag sabi sakin. siguro naman may balak syang sabihin saakin ang bagay na yon asawa nya ako.
Joke lang practice lang guys.
Napansin ko rin sakanya na medyo blooming sya ngayon ah. siguro may nangyaring maganda kaya ganto sya ngayon.
Pero nung nasa TV palang sya muka syang problemadong tao.
Napa tigil ako sa pag titig sakanya ng umangat ang tingin nya at tumingin sa direksyon ko. Kunot noo nya akong tinitigan.
Grabeng noo yan mas kunot pa sa balat ng lola ko.
"Uupo ka nalang ba dyan? wala kabang trabaho?" kunot noong tanong nya sakin.
Napa tayo agad ako dahil sa sinabi nya. ay shet! Oo nga pala Secretary nya ako Hindi bisita!
Napakamot ako sa ulo at dali daling umalis sa Office nya bago ko pa maisarado ang pinto ng office nya ay narinig ko pa ang pag asik nya.
Pagka labas ko ng Office ay napasandal ako sa pintuan. nakaka dalawa na ako kay sir jusko naman.
Napatingin ako sa Elevator ng mapansin kong bumukas iyon. may lumabas na magandang babae mula sa Elevator naka Fitted Dress sya na kulay White na hindi lalagpas sa tuhod.
Shet! yayamanin uy.
Pansin ko rin ang mala gatas nyang puti kulay brown ang buhok nito at kung mag lakad ay parang model.
Grabe si ate parang artista sa ganda.
Bigla akong napaayos ng tayo ng makita kong papalapit ito sa pwesto ko. nang makarating sya sa pwesto ko ay tinaasan nya agad ako ng kilay.
"Secretary kaba ni Louise?" mataray nyang tanong sakin. ay masungit si ganda oh.
"Ah opo, may appointment po ba kayo kay sir?" marahan kong tanong sakanya. nung tignan ko ang schedule ni sir wala naman syang appointment kahit kanino.
"Move" malamig nitong sabi sakin. nagtataka ko naman syang tinignan.
"Po?"
"Alis sabi nakaharang ka sa Pintuan" Muli nyang sabi sakin. hindi na ako nakapag salita at agad na umalis sa harap ng pintuan.
Inirapan nya naman ako bago buksan ang pintuan at pumasok sa loob. Sungit naman ni ate maganda kalang pero mas maganda ako!
Tama yan lamang kalang ng 10 hilod sakin pero mas lamang ako sakanya ng 20 buhos ng tubig.
Napa buntong hininga nalang ako at agad ng umupo sa tapat ng table ko. may trabaho panga pala ako. hayst buhay kay sarap ng humimlay.
__________________•.•__________________
Kyro's POV
I was busy signing some documents when my office door suddenly opened. I didn't look up because I already knew who entered.
"So totoo nga ang balita" she said. hindi ko sya pinansin at nag patuloy nalang sa pag pirma.
Tsk this woman alam ko ang pakay nya sakin ngayon. naramdaman kong lumapit sya sa likod ko kaya asar ko syang tinignan.
"Why? Gusto ko lang naman i-check ang mapapangasawa ko" Malandi nyang sabi sakin. hinawakan nya ang balikat ko at hinimas ito.
Huminga ako ng malalim para pigilan ang inis ko sa babaeng ito. gusto ko syang sakalin sa totoo lang hindi ko naman gusto ang Engagement na ito.
Sya lang ang may gusto nito alam ko ang ginawa nya para mapapayag ang magulang ko sa kagustuhan nyang maikasal sakin.
Tinabig ko ang nakakadiri nyang kamay na nasa balikat ko. tumayo ako sa pag kaka upo at malamig ko itong tinignan.
"Hindi kaba napapagod?" Malamig kong tanong sakanya. ngumiti sya ng may pang aakit at lumapit sakin ng sobra.
Naramdaman ko pang idinikit nya ang hinaharap nya sa dibdib ko. napa irap ako dahil sa ginawa nya. Akala nya siguro makukuha nya ako sa ganitong paraan.
"Why so mad love? dapat maging mabait ka sakin kase ako ang mapapangasawa mo" diin nyang sabi sakin pero natawa nalang ako sa sinabi nya.
Hinawakan ko ang bewang nya at hinapit. naramdaman ko ang pagka gulat nya pero hindi ko na iyon pinansin pa. hinawakan ko ang muka nya at hinimas ang pisngi nya.
Ngumiti sya sakin at inilapit pa lalo ang katawan sakin. ngumiti ako ng may pang aakit sakanya bago ko inilapit ang muka ko sa tenga nya para bumulong.
Rinig ko pa ang malanding tawa nya. Alam ko ang gusto ng babaeng ito. matagal na syang obsess sakin simula palang ng college pero ayoko sakanya kase...
"Nakakadiri ka" Malamig at may halong pandidiring sabi ko sakanya bago ko sya itulak palayo sakin.
Bakas pa sa muka nya ang pagka bigla dahil sa ginawa ko. pero hindi ko na iyon pinansin at tumingin sa pintuan ng office ko na kanina pa naka bukas.
Tinignan ko ang Secretary kong tulalang naka tingin saamin ngayon. iniisip na nya siguro na may relasyon kaming dalawa base din kase sa muka nya ay halatang ganun ang iniisip nya.
Nilapitan ko agad ang Secretary ko at hinawakan ang kamay nya. ngumiti ako ng matamis sakanya bago ito halikan sa noo. ramdam ko ang pagka bigla nya sa ginawa ko.
"Love kanina kapa ba? I'm sorry may tinapos lang ako" Malambing kong sabi kay Celestine pero tulala lang syang naka tingin sakin.
Lumingon ako sa likod ko para tignan ang kadiring babaeng iyon. Bakas sa muka nya ang irita, inis, at galit pero wala akong pake.
Magalit kalang hanggang sa mamatay ka.
Muli akong tumingin kay Celestine ng hindi parin ito gumagalaw sa kinakatayuan nya. pinag saklob ko ang mga daliri namin bago sya hinatak palabas ng Office ko at iniwang nag wawala ang nakakadiring babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...