chapter 5

32 7 2
                                    

Hindi rin ako nag tagal sa hospital at agad naring umuwi. Kaya na siguro ni kuyang Aning ang sarili nya malaki na sya oks na siguro yung dinala ko sya sa hospital sya narin ang mag bayad ng sarili nyang bills basta ang sabi ko sa nurse may pupuntang kamag anak nya. alangan isipin ko pa sya may trabaho ako bukas bawal umabsent pag bago kalang baka ikaltas sa sweldo ko sayang naman yon jusko. Hindi ko rin sinabi kanila mama ang nangyari kanina pagkauwi ko nga kanina agad kong nilinis yung sahig na puno ng dugo yung sofa namin tinanggalan ko ng sapin nagpapasalamat panga ako na hindi tumagos sa sapin eh baka pag tumagos yon hindi ko alam ang sasabihin ko kay mama.

"sana maganda ang maging araw ko bukas hayst" buntong hininga kong sabi sa harap ng salamin nag susuklay kase ako kakatapos ko lang maligo ginabi na nga ang uwi ko eh 7pm nako nakauwi buti nalang nauna akong naka uwi baka pag di ako naabutan ni mama bubugahan nya ako ng apoy. Pagkatapos kong mag suklay ay agad akong humiga sa kama at natulog na

***kinabukasan***

"Good morning World" masaya kong sabi. Agad akong bumangon at ginawa ang morning routine ko pagka labas ko palang ng c.r ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Napatingin naman agad ako doon at nakitang si mama pala ang nagbukas ng pinto

"oh buti gising kana, akalo ko ay kailangan kapang gisingin"

"no need na mother nature ang maganda mong anak ay Gising na" masayang ani ko rito na agad naman nyang ikinangiwi

"Ang asim mo nak"saad nito saakin at agad na lumabas. Napatanga ako sa sinabi ni mama anong maasim? Kakaligo ko lang ah grabe si mama maasim daw ako edi mas maasim sya anak nya ako nanay ko sya.

Bumaba agad ako pagkatapos kong magbihis at mag ayos pagka baba ko palang ay naabutan ko ang mga kaibigan ni Harper sa Sala na masayang kumakain. Nakuha ko naman ang mga atensyon nila at agad naman silang napatingin saakin.

"uy hi ate Leigh Good morning" Uhog1

"ate kain na" Uhog 2

"uy ate ang ganda mo talaga sa umaga" Uhog 3

"Ate Leigh morning po" Uhog 4

Nangunot ang aking noo sa mga bati nila. Anong good morning walang good sa morning ko pag ang mga uhuging ito ang bubungad sa umaga ko ang ganda ganda na ng gising ko tapos etong mga uhog nato ang sasalubong sakin duh.

"Wow sarap ng kain nyo ah Bahay nyo?" masungit na tanong ko sa kanila. Kakapal parang walang mga bahay tong mga batang ito.

"eh ate makikikain lang naman damot mo" ani ni uhog 4 saakin napatingin naman ako rito at agad na lumapit sa harap nya nakatingala sya saakin habang ngumunguya

"Hoy wala kabang pagkain sainyo kaya dito ka kumakain?"

"meron kaso pinapalayas nako ni mommy ko kase daw pag lalaba nalang ng brief ko diko pa daw magawa eh"

"Kakawang bata sumalangit nawa ang iyong kaluluwa" saad ko dito. Nginitian nya lamang ako agad naman akong pumasok sa kusina para kumain. Pagkapasok ko palang ay agad namang bumungad saakin ang mag inang kumakain na

"Grabe ha di manlang ako inantay parang di pamilya"madamdamin kong saad kanila mama. Napatingin sila saakin si harper ay ngumisi lang saakin at tumuloy na sa pagkain

"Wag kana mag inarte dyan kumain kana maaga pa pasok mo" ani ni mama saakin. Ngumuso naman ako sa kanyang sinabi at nagsimula nalang kumain. Nang matapos kumain ay nagpaalam na agad ako kay mama na papasok na.

Pagbaba ko palang ng jeep ay bumungad agad saakin ang malaking Company na pag tatrabahuan ko.

"Eto na Celestine May trabaho kana kaya moto Para saan pa ang pinag aralan mo nung Online Class kung hindi mo gagamitin sa kinabukasan mo" Ani ko sa aking sarili at Nagsimulang maglakad sa Entrance ng Company. Pumasok agad ako at binati naman ako nila kuyang Guard pati narin ang Receptionist na nag assist saakin. Sumakay ako ng Elevator at pinindot ang 15th floor. Nang makarating sa 15th floor ay agad akong lumabas at bumungad saakin ang isang table na malapit sa pintuan ni sir may nakalagay doong pangalan

Secretary/Celentine Leigh Gonzales

Enjoy Reading:)

Defending Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon