chapter 9

32 6 4
                                    

Sa sobrang pag iisip ko kung bakit ganun ang boss ko ay hindi ko na namalayan ang oras. grabe sa sobrang lalim ng pag iisip ko ay hindi kona napansin ang oras 7:00 na pala tapos na ang trabaho ko. Agad kong niligpit ang mga gamit ko para makauwi na. Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ay agad naman akong tumayo at sumakay sa Elevator.  Habang nasa loob ako nito ay biglang tumunog ang Cellphone ko agad ko namang kinuha iyon sa bag at tinignan kung sino ang nag text.

**Harper Dugyot**
Ate Uwi kana gutom nako

Nangunot ang aking noo sa nabasa. Wala ba si mama sa bahay? baka umalis tapos hindi nakapag luto. Sa susunod tuturuan ko na si harper magluto para kahit wala ako or si mama sa bahay ay makakapag luto sya ng pagkain nya. Agad akong nag tipa ng reply dito. pagkatapos kong mag text sakanya ay agad ko naman ng pinatay ang cellphone ko at ibinalik sa bag.

bumukas ang Elevator at agad akong lumabas dito pagkalabas ko palang ay napansin ko kaagad ang mga employees na palabas narin sa Company. nakisabay naman agad ako sakanila pagkalabas ay pumara agad ako ng jeep para makauwi na agad.

Pagkapasok ko palang sa bahay ay napansin ko kaagad ang makalat na sala namin binaba ko ang bag ko sa sofa at iniligpit ang mga kalat.

"Harper! " sigaw ko ng matapos ko ang pagliligpit. nakarinig naman ako ng pagsarado ng pinto sa taas. Tsk hindi talaga marunong maglinis itong batang to kababaeng tao dugyot.

"Bakit?" tanong nito saakin

"Bumaba kana dito magluluto nako"

"Baba ako mamaya ate tapusin ko lang nilalaro ko"

"mamaya nayan Harper sinasabi ko sayo Tatamaan ka sakin" pag babantang saad ko naman rito. Napakamot sya sa kanyang ulo at pumasok sa kusina agad naman akong sumunod sakanya para magluto ng pagkain nya busog ako ngayon madami akong kinain kanina kaya pang isahang tao lang ang lulutuin ko.  Kumuha ako ng nuggets sa ref eto nalang lulutuin ko mas mabilis pa.

Nang maluto ang nuggets ay agad ko itong inihanda at binigay kay harper ngiting ngiti pa sya nung nilapag ka yung pagkain sakanya halatang excited kumain.

"Harper sa susunod tuturuan na kita mag luto kahit pag piprito lang muna" saad ko dito nag okay sign naman sya saakin at pinag patuloy nya ang pagkain nya nakataas pa ang isa nyang paa sa upuan parang di talaga babae itong kapatid ko

"Harper mag Jowa kana" saad ko dito. Tumingin naman sya saakin na naka kunot ang noo

"Lason mga lalake" ani nito na parang nandidiri pa

"Hindi ah maganda ka naman Harper di kalang marunong mag ayos"

"Gwapo ako ate" mahina nitong saad sakin. na agad ko din namang naring

"Hoy!  Anong gwapo?"

"Ate Ayoko sa may Hotdog"

"Wag mong sabihin sakin na tomboy ka?"

"Gwapong tomboy tsaka anong gagawin ko sa hotdog? Tsk mababantot naman mga Hotdog ng lalaki eh di nila hinuhugasan buti pa sa pechay laging may dilig" naka ngisi nitong ani saakin. Napatanga naman ako sa sinabi nya saakin agad akong lumapit dito at binatukan sya

"Aray ate naman! " saad nito saakin habang hinihimas ang ulo nya

"Hoy tigil tigilan mo yang kabalastugan mo Harper ha, anong gwapo tapos hotdog?  Gusto mong ibaon kita sa lupa tapos diligan?"

"eh ayoko talaga sa mga lalake ate pusong lalake kase ako"

"Harper hindi pwede, masasayang ang lahi natin kung babaliko ka" inis kong ani rito, sayang ang ganda ng kapatid ko kung baliko rin lang pala sya tangina naman T^T huhuhuhu.

Agad naman syang tumayo at inilagay ang plato nya sa lababo humarap sya sakin ng nakanguso

"Ah basta lalake ako" ani nito saakin. Agad naman syang tumakbo at umakyat sa kwarto nya napahinga nalamang ako ng malalim dahil sa sinabi nya.  Wala nakong magagawa kay Harper sya na nagsabi na pusong lalaki sya susuportahan ko nalang sya kung saan sya masaya.

Defending Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon