Naalimpungatan ako ng may maramdamang may mumunting kamay ang humahaplos sa pisnge ko. idinilat ko agad ang mga mata ko at bumungad sakin ang anak ko.
Anak ko...
Napangiti naman ako hinawakan ko ang kamay nyang humahaplos sa pisnge ko. natigilan naman sya sandali.
"G-Gising kana po mama" mahinhin nyang sabi. tumayo ako at hinalikan sya sa noo
"Hmm ang aga mo magising" may pag lalambing kong sabi sakanya. tumingin naman ako sa bed side table ko at nakita ko ang oras
6:30 am palang pala ng umaga napaka aga pa.
"Ganitong oras po ako nagigising kase nag lalaba po ako ng mga damit nila mama" nahihiya nyang sabi. napabuntong hininga naman ako at hinaplos ang buhok nya.
"A-Asan po ang mga damit nyo? lalabhan ko po mag lilinis rin po ako ng bahay pagkatapos" muli nyang sabi sakin. kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.
Ano... hindi nya kailangan labhan ang mga damit ko kaya ko namang mag laba ng damit ko.
"Chelsea baby, hindi mo naman na kailangan labhan ang damit ko kaya ko naman iyon saka hindi mo rin kailangan mag Linis ng bahay kase bisita ka namin hayaan mong si tita Harper mo ang gumawa non mag pahinga ka nalang dito sa kwarto natin" mahabang alintana ko sakanya.
Nakita ko pa ang pag nguso nya na para bang hindi sya sang-ayon sa gusto ko. hindi ko sya masisisi nasanay syang inaalila sa kanila.
Kaya naiintindihan ko kung bakit ganito sya ngayon. pero iba na ang sitwasyon nya ngayon hindi na nya kailangan mag laba araw araw sa umaga hindi narin nya kailangan mag linis ng bahay.
Tumayo na ako at binuhat sya. tutal gising naman na ako ay mag aasikaso narin ako ng sarili maaga nalang ako papasok ngayon para maaga rin ang uwi ko.
Pag baba pa lang namin ay rinig ko na agad ang ingay na nang gagaling sa loob ng kusina. agaran naman akong pumunta doon.
"Ma naman! alam mo namang hindi ako straight!" naiiritang sabi ni Harper kay mama na nakapamewang pa sa harap nya.
"Jusko naman Harper! ang lakas ng loob mong ireject yung anak ni mayor! yun na nga yung sign para maging maginhawa ka sa buhay mo" sagot naman ni mama kay harper
"Bakit ba kase pinipilit mo si Hendrix sakin ma? hindi naman tiga dito yon! dayo lang yon sa lugar natin" napipikong sabi ni harper. Kita ko pa kung paano sya mag timpi dahil sa inis.
Ibinababa ko naman si Chelsea sa upuan. kumuha ako ng plato at inilapag sa harap ng bata sinandukan ko sya ng fried rice na at Bacon and egg
"Ang aga aga nag raratratan kayong mag ina dyan" mahinahon kong sabi sa dalawa na busy na sa pagkain.
"Leigh pag sabihan mo yang kapatid mo aba kahapon nireject nya yung anak ni mayor sa Plaza"
"Ma ilang ulit ko ba kaseng sasabihin na hindi ko nga kase sya gusto! anong magagawa ko kung ang puso ko ay babae ang gusto?" irap na sabi ni Harper kay mama.
Tumabi naman ako kay Chelsea na busy sa pagkain. Tama lang yan maging busy ka sa pagkain wag mong pakinggan mga ratratan sa harap mo.
Masasanay karin normal things lang sa bahay to.
"Hayaan mo na kasi ma kung ayaw nya talaga wala kang magagawa at saka saan mo naman nalaman na nireject ni Harper yung anak ng mayor sa plaza kahapon?" tanong ko kay mama.
"Aba edi sa anak ni Carla nakita nya daw itong magaling mong kapatid na kausap ang anak ni mayor kahapon narinig pa daw nya mga sinabi nitong kapatid mo" iritableng sabi ni mama. bumaling ako kay Harper na asar lang na nakatingin sa pagkain nya.
"Anak ni Mayor? anong ginagawa ng anak ni mayor dito? diba tiga San Jose Del Monte Bulacan iyon?" takang tanong ko kay Harper. bumaling ang tingin nya sakin at nag kibat balikat.
"Wag mo akong tanungin sa bagay nayan ate wala rin akong alam kung bakit nandito sya ngayon" walang gana nyang sabi. tumayo sya at nag paalam na mag aasikaso na sa pag pasok.
Napailing nalang ako at pinag patuloy ang pagkain. bumaling ako kay Chelsea na hindi parin tapos sa pagkain. pansin ko rin na makalat syang kumain
Itinaas ko ang laylayan ng damit nya at pinunas sa makalat nyang bibig.
"Leigh bakit nga pala maaga kang nagising ngayon?" biglang tanong sakin ni mama
"Nagising kase ako ng maaga ma sakto gising narin si Chelsea saka maganda narin yung maaga ako sa trabaho"
" Pupunta ako ng Grocery mamaya isasama ko nalang si Chelsea bibilhan ko sya ng mga biscuits na gusto nya para may pang meryenda sya" sabi nya. tumango ako tinapos na ang pagkain.
Maya maya pa ay nakita kong tapos na si Chelsea sa pag kain. bumaba sya sa kinaupuan nya at binuhat ang platong pinag kainan nya.
Lumakad sya sa lababo at inilagay iyon don kita ko pa ang pag huhugas nya ng kamay pagkatapos nyang ilapag ang pinag kainan nya sa lababo.
" Tapos na po ako mag didilig lang po ako ng halaman sa labas" pag papaalam nito samin.
"Kaya mo ba apo?" malambing na tanong ni mama kay Chelsea.
Tumango naman ang bata at lumabas na ng kusina. naiwan kaming dalawa ni mama na nakatingin sa pinag labasan ni Chelsea.
"Napaka bait na bata" ngingiting sabi ni mama habang ang paningin ay nasa pintuan parin ng Kusina.
Ngumiti ako ng tumango hindi ako tatanggi sa sinabi mama totoong napaka bait na bata ni Chelsea. kaya napaka swerte ko sakanya dahil dumating sya sa buhay ko.
My Little Angel...
"Ma ayusin mo ang pag aalaga mo kay Chelsea tandaan mong una mo syang apo saka ko na susundan si Chelsea pag naka bingwit na ako ng Afam na Hygenic tapos kulay blue ang mata para maiba naman" sabi ko kay mama habang seryosong nakatingin sakanyan.
Pabiro nya akong inirapan na ikinatawa ko. alam kong hindi nya pababayaan ang bata sanay naman na mag alaga ng bata si mama napalaki nya nga kami ni Harper ng sya lang. si Chelsea pa kayang nag iisa lang.
BINABASA MO ANG
Defending Love
Romancefight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you for who you are. not for people who accept you just because you have money. find someone to be with...