Chapter 25

10 1 3
                                    

pagka labas namin ng Company ay binaba ko kaagad ang bata. kita sa muka nya ang galak halatang gustong gusto na nyang kumain ng ice cream sabagay ang mga bata pa naman ay mahilig sa ice cream.

"Ate pretty i want two ice cream po ha bitin po kase ako sa isa" ngiti nyang sabi sakin kaya napatawa naman ako ng mahina sa sinabi nya

"Oo na po basta mag behave kana mamaya okay?" malambing kong tanong sakanya na syang ikinatango nya

Tumingin naman ako sa paligid para mag hanap ng mabibilhan ng ice cream. Pero puro Karinderya lang ang nakikita ko kaya binuhat kong muli ang batang kasama at nag simulang mag lakad.

Saan ba kase ang bilihan ng ice cream dito? Dami ko ng iniisip dumagdag pa itong ice cream nato.

Maya maya pa ay nakarating kami sa isang maliit na tindahan sa gilid ng kalsada. Baka naman may ice cream na sila dito ang hirap mag hanap.

"Pabili po!" sigaw ko sa labas ng tindahan

"Ano iyon iha?" sagot naman ng tindera sakin may dala pa itong maliit na upuang kahoy

"Ah may tinda ho ba kayong Ice cream?"

"Ay oo meron ilan ba?"

"ah dalawa ho" inabot ko sakanya ang 50 pesos na sya namang kinuha nya mula sakin. Susuklian nya sana ako ng tinanggihan ko.

Panis Brad ako lang ang bumibili na tumatanggi sa Sukli.

Maya maya pa ay inabot nya na sakin ang dalawang ice cream na binili ko. kinuha ko naman ito at binuksan ang isa bago ibigay sa batang kasama ko.

Natuwa naman sya ng iabot ko ang isang ice cream sakanya. Kinuha naman nya iyon sakin at nag simulang kainin iyon.

"Ate Pretty salamat po!" galak nitong sabi sakin na ikangiti ko ng malaki.

Ang cute cute talaga ng anak ng boss ko nakakagigil ang taba ng pisnge. Madali rin syang paki samahan kahit na medyo nag susungit sya sa ibang tao.

Pero okay lang iyon mabilis din naman syang mapaamo. Bigyan mo lang ng pagkain bati na kayo HAHAHA.

Pero ako hindi. Hindi ko kailangan ng pagkain pag nag tatampo ako ang kailangan ko Pera men! Pera!

Gagawin ko sa pagkain? Kaya ko namang bumili ng pagkain eh. Sus bilhan pa kita ng isang sakong bigas tapos isaing mo lahat.

Pagkatapos nyang maubos ang isang ice cream ay binuksan ko naman ang hawak kong ice cream na ang flavor is cookies and cream miss u balik kana hindi na ako galit.

Iniabot ko sakanya iyon at kinuha naman nya. Nakatingin lang ako sa bata habang sarap na sarap sya sa pag kain ng ice cream.

Grabe ang takaw sa ice cream hindi ba sya pinapakain ng tatay nya? Para syang gutom na bata kung kumain.

Pero hindi halata sakanya kase gwapo ang batang ito tulad ng boss ko hehehe boss baka naman pa anak isa lang.

"Bilisan mo kumain baby boy para maka balik na agad tayo sa Company" tumango lang ito sakin at pinag patuloy ang pag kain sa Ice cream.

Sana'll kinakain eme lang baka sakalin nyo ako baka sabihin nyo bad influence ako. Hindi ko naman kasalanan kung puro Bol--wagna nga baka pag nalaman ng kapatid ko na alam ko laman ng cp nya sikmuran ako non bigla.

Napatingin ako sa batang kasama ko ng hatakin nya ang damit ko ngumiti sya sakin at binuhat ko naman ito.

Nagpaalam na ako sa matandang tindera at nag pasalamat sakanya.

Nag simula na akong mag lakad pabalik sa Company. nakita ko pa ang ibang Employees na nasa labas yung iba naninigarilyo pa sa gilid siguro break time nila.

Yes! Iba-iba ang oras ng break time bawat department bongga sya dai!

Defending Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon