CHAPTER 29

184 4 2
                                    

LIVING AREA

"Sa tingin ko importante po ang pinunta niyo dito sa dis oras ng gabi!" umpisa ng mama ni allison.

"Paumanhin kung ginabi na kami, masyado palang malayo itong lugar ninyo!" umpisa ng ginoo.

"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo!"

"Nandito kami upang makausap si allison!" tumingin ito kay allison.

"May mahalaga din po akong sasabihin sa inyo tito!" sagot naman ni allison.

"By the way we came here to settle everything for once!"

Nakikinig lang ang lahat.

"Allison you deserve the truth, gusto kong maging patas sa pagitan ninyo ni sandro, kaya hindi na ako magpapaligoy ligoy pa!"

"What do you mean tito?" naguguluhang tinitigan ni allison si sandro.

"Sandro lose his memory for a while, nung panahong nagkita kayo sa hospital ay naalala ka na niya pero nagpanggap siya!"

" Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit niya ginawa yon!" dugtong pa nito.

Natigilan si allison, nawalan ng alaala tapos ngayon hindi na?

Anong kalokohan to?

"Allison you left without saying anything!" sabat ni atty.Liza.

"Pero hindi yun dahilan para saktan niya si allison ng ganito, hindi niyo alam ang totoong nangyari!"

"Mom!" pigil nito sa ina.

"Pero allison—"si madeline.

"They don't deserve the truth!"

"Now i know why you l came here!

"If it's about the child , wag kang mag alala ibibigay ko sayo ang lahat ng karapatan mo!" wika niyo habang nakatingin kay sandro.

Hindi na isang night and shining armour ang tingin niya dito, bakit nakatingin lang ito.

Wala ba itong sariling desisyon?

Bakit puro galit nalang ang nasa mga mata nito.

"Mabuti naman kung ganun iha, wag kang mag alala hindi namin kayo pababayaan!"

"Ibibigay ko ang lahat ng tulong na kaylangan niyo ng apo ko!"

"Hindi na ho kailangan kaya ko ho!" matigas na wika ni allison.

"Allison ibinibigay lang namin ang para sa apo namin hayaan mo na kami!"

Natahimik si allison.

"Umalis na ho kayo!" hindi mapigilan ni allison ang luha habang nagsasalita.

Gusto pa sanang magsalita ng unang ginang ngunit pinigilan ito ng asawa.

Huling lumabas ng pinto si sandro, tumigil ito at nagsalita.

"be thankful, pops didn't agree with my decision to take my child!" may galit na wika ni sandro.

"Ang kapal ng mukha mo!" tumayo si allison upang sugurin si sandro.

"Ako? Walang ibang dapat sisihin sa lahat ng to kundi ikaw lang allison!"

"Umalis ka ng walang paalam, makasarili ka!" sumbat ni sandro sa babae.

"1Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko, wala kang karapatan sumbatan ako ng ganyan!" sigaw ni allison, napalingon ang lahat kay allison.

Nagulat ang mga ito ng makitang umaagos na ang pinaghalong dugo at tubig mula sa babae.

Finding My Love(As A Friend?)  BOOK 2Where stories live. Discover now