CHAPTER 50

244 3 1
                                    

Kinaumagahan din ay may dumating na bangka para sunduin sina Sandro at Allison.

Hindi nag iimikan ang dalawa, walang gustong magsalita.

Hapon ang kasal ni Cedric at Chloe kaya nakahabol pa sa kasal ang dalawa.

Sila kasi ang mag partner bilang maid of honor at best man.

Suot na ni Allison ang kanyang dress habang nakatingin sa salamin, tapos nadin siyang ayusan.

"Baks anong nangyari sa inyo ni Sandro!"

"Wala!" mahinang wika ni Allison.

"Anong wala?" gulat na wika ni Jamie.

"Alam na pala niya ang totoo, nagmukha lang akong tanga!"

"Oh tapos, wala ba siyang sinabi magiging bride ka naba?" usisa ni tp.

"Wala nga, forever naku magiging maid of honor!" nagmamaktul na wika ni Allison.

"Anong minamaktol mo diyan, yan din naman gusto mo sayang lang effort namin sana manlang nakaisa ka!" wika ni Mads.

"Ano ko easy to get!"

"Ay madam hindi ba? Nakatatlo na nga kayo dahil sa karupukan mo ie!" mads said.

"Wala na talaga kayong pag asa suko na kami!" wika naman ni Jamie.

"Hay tigilan niyo na nga ako, may mga kasalanan kayo sakin patapusin lang natin tong kasal na to humanda kayo sakin!"

Nagtawanan naman ang mga kaibigan nito.

"Tara na sa venue, wag kang mag alala mag shoshot puno tayo mamaya!" pinatayo nito ang kaibigan at inalalayan lumabas.

Sakto namang nag start na ang wedding.

"Bro may nangyari ba?" wika ni matt kay sandro.

"Anong sinasabi mo?"

"Sa Island anong nangyari?"

"Wala!"

"As in wala?"

Tumango si Sandro.

"Ang hina mo naman!"

"Mag start na tara na!" wika nito at iniwan na ang marites na pinsan.

Naging maayos naman ang ceremony ng kasal.

Naging busy si Allison at Sandro sa pag alalay sa mga anak nila.

Sa venue ay mayroong mini bar doon ng stay ang magkakaibigan.

"Mabuti naman at napatulog niyo na ang mga anak niyo!" tp said.

"Nandoon naman si Simon keri na niya yun!"

"Ikaw allison?" tanong ni jamie.

"Iniwan ko sa tatay nila, siya na bahala sa mga anak niya!"

"Asus kanina ang cute niyong tingnan happy family!" wika ni jamie.

"Hindi naman totoo yun!" sabay tungga ni Allison sa baso ng alak.

Lasing na ang mga ito lalo na si Allison.

Inakay na siya ng mga kaibigan paakyat ng penthouse.

Doon ay nagsimula na itong mag wala dinig na dinig ang boses nito.

Lumabas ng kwarto si Simon at Sandro, naabutan nila ang mag kakaibigan na inaawat si Allison.

"What had happen?" tanong ni Sandro.

"Pwede bang ipasok mo na ito ang ingay!" wika ni Mads.

"Hindi pwede magigising ang mga bata!" sagot naman ni Sandro.

Finding My Love(As A Friend?)  BOOK 2Where stories live. Discover now