Nagready na si allison, pupunta daw sila ng sand dunes, may nagaganap kasing party doon ngayon at inuman.
Our guest wanted to expirience it, kaya no choice kami ni cedric.
SAND DUNES
"We're glad you came!" salubong sa kanila ni matt at sinamahan sila sa table na para sa mga special guest.
Pag karating nila sa table ay gustong umatras ni allison, nandun din kasi sina sandro at jamie
"Ah guys pwede bang ceastfire muna tayo and enjoy the night?" pakiusap ni matt sa lahat.
Inalalayan naman ni cedric si allison upang makaupo.
"Don't be too obvious na hindi ka komportable, nandito lang ako sa tabi mo!" bulong ni cedric kay allison.
"Thank you!" nakangiting wika naman ni allison sa binata.
Mataman lang naman na nagmamasid si sandro.
"Mabuti nakarating kayo allison?" si jamie.
"our guest wan't to expirience sand dunes kaya sinamahan namin sila!" si cedric.
Tumango naman si allison.
"Ah sila ba yung mga investor niyo, naku much better if they expirience sand dunes activities!"
"I have an idea, what if i tour natin sila this is our chance to promote the province!" masayang wika ni matt.
"I tour na natin sila sa buong province, ok lang ba sa inyo?" baling nito kay cedric at allison.
"I should ask allison about that matter!" nakangiting sagot ni cedric.
"Allison what do you think?" si matt.
"Ok lang naman, if we can help the province why not?" si allison.
"Ako na ang bahala sa lahat guys, i will inform you pag ok na ang schedule!" wika ni matt iniangat nito ang baso ng alak.
"Mag celebrate tayong lahat!" dugtong pa nito.
"Sandro bakit hindi na mo kasama si alexa!" lasing na wika ni matt.
"Busy sa work!"
Todo asikaso naman si cedric kay allison.,dahil napaparami nadin ito ng inom.
"Ehhhemmm, meron ba kaming hindi nalalaman sa inyong dalawa!?" si matt ng mapansin nito ang dalawa.
"dapat marites ang pangalan mo, hindi matthew ie!" lasing na wika ni allison.
"Oo nga naman kapre kakahiwalay palang namin ni allison ie sila na agad! Imposible yun!" halatang lasing na si sandro.
"Bakit naman magiging imposible?" iritang wika ni allison.
"I know you still love me, you can't deny it!" nakipaglaban ng titigan si sandro kay allison.
"Ah guys relax ok, sandro relax!" awat ni cedric kay sandro.
"You know what cedric, alam kung babaero ka hindi ka karapat dapat kay allison!" napapalakas na ang boses ni sandro.
"Bro wala ka sa lugar para sabihin yan!" inis na wika ni cedric.
Halata namang napikon si cedric sa winika ng lalaki, halata sa mukha nito ang pagtitimpi.
"At sino ka para sabihin kung sino ang dapat para sakin?" napatayo na si allison sa kinauupuan nito, lasing nadin ito habang hawak siya ni jamie.
"Wala kang pakialam sa buhay ko, kung maging kami man ni cedric wala ka na dun!"dugtong pa ni allison.
"Sandro, nakakahiya na sa ibang guest!" bulong ni matt, bigla namang natauhan si sandro.
Nagulat si sandro, hindi niya alam kung sa sinabi ni allison o sa binulong ni matt sa kanya.
Inilayo naman ni jamie si allison.
"Alam mo sandro para kang bata, wag na wag mo ng lalapitan si allison kundi ako makakalaban mo!" may pag babantang wika ni cedric, umalis na ito at sinundan si allison.
"Tingnan mo yung lokong yun!"
"Sandro tama na nagmumukha kang bitter diyan!"
"Matt kakampi ba kita?"
"Sandro kakampi moko, pero tandaan mo si alexa ang pinili mo at hindi ang mag ina mo!"
Para namang sinampal sa mukha sandro dahil sa sinabi ni matt.
Habang nasa byahe sina matt jamie at sandro.
"Tanga ba ko?" out of nowhere na tanong ni sandro.
"You want me to answer your question?" habang nag dadrive ng sasakyan.
"Nevermind!"
"To be honest, si kamile ang nakakaawa sa mga desisyon mo!"
"Someday your getting married and build your own family magkakaanak ka, and you never know si allison ganun din diba?"
"Papano si kamile, i mean i know allison will take care of her pero hindi niya maibibigay ang buong pamilya sa anak mo!" mahabang wika ni matt.
Natahimik si sandro at ipinikit ang mga mata.
"Ihatid mo nalang ako sa bahay namin!" nakapikit na wika ni sandro.
Magsasalita pa sana si matt ngunit pinigilan na siya ni jamie.
Hinawakan ni jamie ang balikat ni matt at umiling.
Matanda na si sandro at alam ni jamie na naiintindihan nito ang gustong ipahiwatig ni matt.
SANDRO'S POV
Sa buhay tao lang talaga ang nagpapakomplikado sa lahat, alam naman natin ang tama pero mas pinipili natin ang mali.
Not because we don't want to do the right thing but we're just afraid of getting hurt.
"What happen here?" sigaw ni sandro ng makitang nagkalat ang mga gamit sa bahay niya.
"Sir si maam alexa po nagwawala!"
"What? Where is she?"
"Nasa room po ninyo!"
Dali daling umakyat si sandro.
Naabutan nitong nagwawala ang dalaga.
"What's going on alexa!?"
"Nagtanong ka pa, bakit ngayon ka lang!?"
"Ano bang problema mo!?"
Sinugod siya ng dalaga at pinagsusuntok ang dibdib niya.
"Ano sinamahan mo si allison, siya ba naghatid sayo dito nasan siya?"
"Alexa anong pinagsasabi mo hindi ko siya kasama, hindi niya ko hinatid at walang allison!"
"Your just being paraniod, itigil mo na to-"
Hindi na naituloy ni sandro ang sinasabi dahil dumapo na sa pisngi nito ang mga palad ni alexa.
"Yan ba ang dahilan kaya hindi moko mapakasalan?"
"You know what i choose you kasi alam ko hindi moko iiwan, i'm trying to understand you!"
"Kung hindi moko kayang pag katiwalaan mag hiwalay nalang tayo!" nag walk out ito at lumabas ng bahay.
Hinabol ito ni alexa pero mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan niya.
Alexa suddenly realize, what she have done to sandro.
Sinundan niya ang binata para i surprise ito para lang malaman niya na kasama nito si allison again.
Ngayon ano ang gagawin niya galit na sa kanya si sandro at nakikipag hiwalay.
It's all because of that woman, allison.
"You will pay for this!" sigaw ni alexa.
YOU ARE READING
Finding My Love(As A Friend?) BOOK 2
FanfictionHow will you define love? sapat ba na mahal mo lang ang isang tao? Hanggang saan mo kayang sumugal sa ngalan ng pagmamahal? Pipiliin mo parin ba siya kahit paulit ulit ka ng nasasaktan? Subaybayan natin ang magulong buhay pag ibig ng isang Sandro Ma...