TWO

75.7K 2K 170
                                    

CHAPTER TWO

"I love you goodbye ang peg niyo, ganon?" komento ng pinsan kong si Lavinia. Inabutan niya ako ng panibagong tissue upang ipangpunas saking luha at sipon.

Naiiyak kong kinuwento sa kanya ang nangyari habang ginugupitan ako ng buhok ni Ate Marijo, isang parloristang kapitbahay nina Lavinia na may straight at blonde na buhok.

"Okay lang yan inday, maganda ka naman. Makakahanap ka rin ng iba and I'm sure hindi ka nila tatanggihan sa beauty mo." sabi ni Ate Marijo o Ate Jo habang nilalagyan niya ng clip ang mga hibla ng aking buhok sa gilid.

"Mahirap nang makahanap ng isang tulad ng boy-I mean ex boyfreind niya Ate Jo, nasa kanya na ang lahat eh; looks to brains to abs to attitude. Mailap nga lang sa girls kasi loyal siya kay Amber."  sabi ng pinsan ko na namimili ng magasin at hawak hawak pa rin ang tissue box.

"Isipin mo nalang na mahal na mahal ka ng ex mo at kapakanan niyo ang kanyang inisip kung bakit niya nagawang makipag break sayo."

"Ako ang nakipag break ate." malungkot kong sabi. Hindi man lang lumiit kahit konti ang pamumugto ng mata ko.

Kaming tatlo lang ang tao dito sa parlor ni Ate Jo kaya hindi ako nagdalawang isip na ilabas ang luha ko. Weekends nagdadagsaan ang kanyang mga customers na karamihan ay nagpapa rebond. Since lunes naman ngayon at takipsilim na, kami lang ang natatanging customer ni ate Jo.

"Oo, dahil sinabi niya. Pero siya ang nag initiate. O diba english yun, nasasabayan ko na rin kayo." Natatawang sabi niya na sinabayan ng tawa ni Lavinia.

Inis kong tinignan ang sarili sa salamin. Mas lalong naningkit ang mata ko dahil sa pamumugto. Si Lavinia nalang ang pinagtutuunan ko ng atensyon na ngayo'y sinusuri ang hair color menu. "Ate, magkano pakulay ng buhok?" tanong niya.

"Anong kulay ba gusto mo?"

"Violet." sagot ni Lavinia.

"Pwede ba yan sa course niyo?"

"Hindi. Pagkagraduate ko nalang balik ulit ako."

"Two hundred lang inday." may arteng sagot ni ate Jo.

"Tsk." nagkamot siya ng ulo "gusto ko na tuloy ngayon magpakulay."

Nakikinig lamang ako sa pagmamaktol ni Lavinia upang iliko ang pag iisip ko palayo sa nangyari kanina.  Wala kaming pasok, kaugalian na yan pagkatapos ipagdiwang ang Sinulog. Hindi ako nakatulog at iyak lang ako ng iyak.

Ngayon ko lang napagtanto na mas masakit kapag maghiwalay kayo kahit mahal niyo pa ang isa't isa, kasi nasasayangan ka sa mga pagkakataon na dapat magkasama kayo ngunit hindi pwede, kesa sa pinagtaksilan ka, mananaig ang galit kesa sa sakit.

"Lagyan kita ng bangs, gusto mo? Magmumukha kang koreana." Suhestiyon ni ate Jo habang hinihimas ang mga hibla sa ibabaw ng aking noo.

"Koreana naman talaga siya ate." nagsalita si Lavinia bago pa ako makapagsimulang magsalita ng isang letra.

"O? kaya pala. Pure?" usisa niya.

Umiling ako "Yung papa ko half-Korean."

"So magkapatid ang mga nanay niyo?" turo niya samin ni Lavinia gamit ang gunting.

Sabay kaming tumango ng aking pinsan.

"Marunong ka bang magsalita ng korean? Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi sa mga koreanovela?"

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon