FOURTEEN

49.6K 1.5K 140
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Nakakailang ang paglalakad namin ni Azriel pabalik sa reception pagkatapos niyang makapagbihis. Naintindihan ko naman ang sinabi niya, pero ayaw kong paniwalaan kung may pinapahiwatig man siya. Kung meron man, iiwasan ko na ito dahil hindi maaari. Hanggang dito lang kami sa pagiging magkaibigan. I'm content with what we have right now.

"Do you need another shot of wine? Ikaw yata ang tahimik ngayon. Am I still scaring you?" nababahala niyang wika.

Medyo madilim sa parteng dinadaanan namin dahil sa naglalakihang mga puno na kaunti lang ang binibigay na liwanag ng ilaw. Ibig niya muna daw na maglakad lakad. Bahagya ko siyang nilingon. Tama ako, bagay sa kanya ang dark blue. Sa kaliwa niyang kamay bitbit niya ang paperbag laman ang namantsang damit.

"Hindi naman. Okay lang ako." mahina kong sabi. Wala lang talaga akong masabi. The effect of wine has worn off already kaya hindi ako madaldal.

"Dahil ba sa sinabi ko?" tanong niya. Bumagal ang paglalakad namin.

Hindi ako nakaimik. Mas nag-react ang puso ko kesa sa bibig ko. Kung may bibig lang ang puso ko, marami na itong tinatalak. Hindi lang ito basta magwawala, magsisisigaw pa!

"I meant what I said."

Napahinto ako. Dumaan ang malamig na pag-ihip ng hangin pero walang wala ito sa pag-iinit ng aking pisngi. Ilang segundo nalang ay pagpapawisan na ako.

"Are you mad?" malambing niyang tanong.

Kaagad akong umiling. "Hindi. Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit?" pumeke ako ng tawa upang takpan ang aking kaba.

"I don't know. Baka ayaw mo sa sinabi ko. Don't you want me to be honest?" bahagya siyang yumuko at nakataas ang dalawang kilay, ganito siya kapag matiyagang naghihintay ng sagot. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi sa kaba. You have no right to be nervous! Ako ang kinakabahan dito!

"Hindi naman sa ganon. Ano lang kasi..."

"Hindi ko na babawiin ang sinabi ko. I meant it Amberlyn." seryoso niyang saad.

Napatitig ako sa kanya. Kasing dilim ng gabi ang kanyang mga mata. But he's still a beauty in the night. And as mysterious-looking as the moon.

"Thank you." napamura ako sa'king isip. Thank you? Talaga lang Amber?

Kaagad nagpalit ang kanyang kaseryosohan at bumalik sa malambot na ekspresyon. "Don't get mad."

"Hindi nga ako galit." Yumuko ako. "Nahihiya lang ako."

Malakas siyang tumawa kaya mas lalo kong iniwas ang sarili sa kanya. Ano bang meron sa sinabi ko?

Hindi pa rin siya tumigil kaya nauna na akong naglakad. Binilisan ko ang aking paghakbang. Ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin dahil siya mismo'y hinahabol ako na walang tigil sa pagtawa. Hinayaan ko na siya hanggang sa nakabalik na kami sa ballroom four.

"Oi! Saan kayo galing?" sumulpot si Kelly na ngumunguya ng cookies. Nakapulupot ang braso niya kay Lian kasama si Terrell.

Sinabi ko sa kanila ang nangyari hanggang sa dumating si Noemi. Tinignan nila ang bagong bihis na si Azriel na ngayo'y humihikab na.

Unti unti nang nagsiuwian ang mga bisita. It's almost eleven in the evening. Sa hotel ako mananatili kasama nila mama, bukas pa kami uuwi sa bahay. Sinamahan ko ang mga kaibigan kong naghihintay sa labas ng entrance habang kinukuha ni Terrell ang sasakyan.

Nagbeso kami nina Kelly, Lian at Noemi. Nagpasalamat sila at ako din sa kanila sa pagpunta nila. Kumaway sila bago pumasok sa itim na Fortuner. Sumaludo sa'kin si Terrell galing sa driver's seat at tipid na kaway ang binigay ni Azriel na nasa passenger's seat.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon