NINE

53.1K 1.6K 227
                                    

CHAPTER NINE

Sa pagbiyahe pauwi, hindi ko pa rin matanggal sa aking isip ang sinabi ni Azriel kanina. Mas malakas ang epekto ng utak ko kesa sa impact ng boses ni Lavinia na sinasabayan ang electro-pop na kanta sa stereo ng kanyang kotse.

Nakamasaid ako sa labas ng bintana. Nadaanan namin ang kalye kung saan ko sila naabutang naglakad noong isang araw. Umaasa akong makikita ko siyang naglalakad ulit ngayon at marahil sa pagkakataong ito, baka pasasakayin ko na siya o sila ni Terrell. Depende kay Lavinia na mukhang good mood.

Kinumbinse ko ang sarili na hindi tungkol sa sinabi niya ako nadapuan ng kaba kundi sa titig na ginawad niya sa'kin. Tinatanong ko sa sarili kung natural lang ba na ganoon ang paraan ng kanyang titig o may iba pang kahulugan.

Inabot ko ang rearview mirror at inadjust. Tinignan kong mabuti ang mga mata ko. Tinanggal ko ang mga clip sa aking bangs at iniling upang matuyo kasabay ang pagsuklay gamit ang kamay, dinama ang bahagyang pamamasa. Medyo wavy siya ngayon dahil kakagaling lang sa pagkakaipit.

"Lav." sambit ko sa pinsan.

Huminto siya sa pagkanta. "Yes?"

"Bilog ba ang mata ko?" alinlangan kong tanong. Huminto ang kotse pagkalipat sa red traffic light.

"Hindi." mataray niyang sagot. "Ano bang ini-expect mo? Jang ka! Walang may malaking mata sa pamilya mo. Kahit nga si tita na hindi korean hindi bilog ang mata."

"Pero hindi naman ako singkit di ba?"

Sumimangot siya at weirdo akong tinignan. "Hindi rin. Pero chinita ka. Ay ewan! Basta hindi ka singkit. Halata lang na may lahi kang lahi mo."

Natawa ako ng bahagya. Kahit may pagkaprangka si Lavinia kadalasan weirdo ang mga sagot niya.

Lumipat na sa green ang traffic light. Nag-switch gear na si Lavinia at muling pinatakbo ang kotse.

"Bakit?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala."

Bakit ko nga ba yun tinanong? Wala naman akong dapat asahan sa sinabi ni Azriel kanina. Hindi na nga siya namansin ulit pagkatapos. But his eyes though. Parang pinapaaktibo nito ang lahat ng emosyon mo.

Pagkarating namin sa subdivision, una akong bumaba ng kotse. Ang bahay nina Lavinia ay katabi lang ng sa'min kaya minsan sa bahay namin siya nakikikain. Ayaw niya kasi sa luto ng mama niya dahil puro gulay ang pinapakain sa kanya.

Nadatnan ko si mama na nagluluto sa kusina kasama ni manang Terry, katulong namin ng limang taon. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako umupo sa silya upang hintaying matapos ang niluluto niya. I'm sure mapapasugod dito si Lavinia.

"Si dad po?" tanong ko. Pansin ko sa labas na wala ang Enclave ni kuya pero nakaparada ang Ford which is ang palaging dinadala ni daddy.

Pinagmasdan ko si mama na kumuha ng bowl sa shelf ng mga plato at tinidor. "He's with your kuya Ansel. I can't believe your kuya's getting married."

"Wala po bang engagement party?"

"This Saturday.Yun ang isinikaso nila ngayon. They went to the hotel para tignan ang magiging venue. Hindi na ako sumama. I want to surprise myself kung ano ang kalalabasan ngayong sabado. Anyway, paano ka nakauwi? You smell like a car freshener."

"Dinala ni Lav ang kotse niya." simple kong sagot.

"I see." Sa paghahalo ni mama ng sauce sa casserole ay mas lalong kumalam ang tiyan ko. "Kakagaling nga lang dito ng tita Sherry mo. She told me about Lav's sweet spoiled brat schemes kaya napapayag nilang dalhin niya ang kotse. How about you? You don't want a car? I'm sure your dad and Ansel can give you one."

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon