FORTY FIVE

38.9K 1.1K 83
                                    

CHAPTER FORTY FIVE

Diniin niya ang labi niya bago siya bumitaw. Nakaawang kami pareho at kapwa humihingal. Nahagip ng paningin ko ang nakabukas na niyang polo at sumisilip doon ang batak niyang dibdib na produkto ng regular na pagji-gym. Mabilis kong binalik ang paningin sa namumungay niyang mga mata.

“First kiss mo ba si Riley?” seryoso niyang tanong. Nakatukod pa rin ang mga kamay niya sa gilid ng aking mga hita at pinatili ang lebel ng aming mukha.

“Gusto mo ba talagang malaman?”

Tumango siya.

Matagal kaming nagtitigan. Ewan ko kung bakit niya ito biglang naitanong. Seryoso at matagal niyang hinihintay ang sagot ko.

“Oo.”

Nagpakawala siya ng hangin at bahagyang ngumuso.“So he taught you how to kiss. And he has taught you very well.”

Hinaplos ng thumb niya ang labi ko. Nangilabot ako sa ginagawa niya. Hindi ko manlang siya magawang pigilan dahil parang nagustuhan ko ang pangingilabot na epekto nito sa’kin, at nanghihina ako.

Posible palang magustuhan mo ang pakiramdam na nanghihina. Hindi sa lahat ng oras ay gusto mong maging malakas.

Pinadulas niya ang kamay niya galing sa labi ko patungo sa likod ng aking leeg hanggang sa nahagip niya ang naka-hairnet kong buhok. Tinanggal niya yun at sinusuklay suklay ng kanyang mga daliri.

Anong bang trip mo Azriel? I thought mag-aaral ako dito pero inaakit mo naman ako. Nakakainis!

“Hindi ako uuwi?” tanong ko habang patuloy niyang pinagdidiskitahan ang aking buhok.

Tumingin siya sa’kin.

“Nakauwi ka na. Nandito ka na. Sa’kin.” aniya na parang obvious yun na sagot at hindi na kailangang itanong pa.

Napairap ako. “Sa bahay namin.”

“Sunday bukas.” sabi niya.

“May review class tayo.”

Binitawan na niya ang buhok ko saka umayos ng tayo. bBinaon niya ang mga kamay sa kanyang bulsa. Naka half-open ang butones ng kanyang polo uniform kaya nakita ko na naman ang dibdib niya.

Malalim siyang humugot ng hangin, may malalim siyang iniisip habang tinitigan ako.

“Gusto mo bang umuwi sa inyo? Ayaw mo dito?”

Parang may mga pangil na kumakagat sa puso ko sa nahihimigang lungkot sa tono niya. His expression is chap-fallen.

Napabuntong hininga ako’t kinuha ang aking cellphone. Tinext ko si mama. Hindi nagbabasa ng text si daddy, gusto kasi nun tawag agad.

Hinintay ko ang kanyang reply. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko. Kapwa kami napatingin ni Azriel sa cellphone kong nag-buzz.

Mama:
Okay

Nagtaka ako dahil hindi manlang siya nagtanong kung bakit hindi ako makakauwi. At the same time, masaya ako na hindi na siya nagtanong. Wala kasi akong maisip na alibi.

Pagkatapos ibalik ang phone sa bag, hinarap ko muli si Azriel na ganon pa rin ang ekspresyon.

“I’ll stay.” sabi ko.

Gumuhit ang malaking ngiti sa nakasarado niyang labi. His dimple winked at me, mistula itong sumang-ayon sa naging desisyon ko. Ang sarap niyang kunan ng picture sa ganoong ngiti, tapos ilalagay ko sa frame. Gulo gulo pa rin ang buhok niya dahil sa pagsabunot ko kanina.

Tuluyan na niyang hinubad ang kanyang polo uniform. Sinunod niya ang pagkalas sa butones ng kanyang pants. Nanlaki ang mga mata ko’t napaiwas ng tingin. Nagmadali kong hinalughog ang notebook ko sa bag.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon