TWENTY FIVE

44.5K 1.2K 327
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

Kinumpleto ko noong sabado ang one day extension duty na pinataw saking pag-absent. Ngayon ay maaga akong nagpunta sa school para sa enrollment. Binalak ko talagang matapos na sa unang araw palang para wala na akong aalahanin this week.

Kakatanggap ko lang ng text nina Kelly at Noemi na bukas sila magpapa-enrol. Hinihintay ko si Lian na siyang makikisabay sa'kin ngayon. Paharap akong nakasandal sa ledge dito sa ground floor at pinagmamasdan ang mga nagkalat na enrollees. May ibang naka duty uniform. May nakita pa nga akong nagpapapirma ng clearance sa clinical instructor upang makahabol sa graduation nila mamaya.

Napabaling ako saking gilid pagkaamoy ko sa baby cologne na pabango ni Lian. Kakarating palang niya. Nilapag niya ang kanyang red folder sa ledge saka huminga ng malalim tanda ng kapaguran.

"Bakit daw bukas pa sila Noemi?" bungad kong tanong. Sinuot ko na ang aking shoulder bag saka kinuha ang aking folder.

"Ayun tinamad. Ang aga daw natin." aniya. Nagpunas siya ng kaunting pawis sa mukha at leeg. "Tara?"

Isang beses akong tumango saka namin tinungo ang unang step ng enrollment. Binigyan kami ng form pagkatapos ay umupo sa mga bakanteng silya upang mag fill-up.

"Six pm pala ang departure time natin ngayong Friday." Pahayag ni Lian, tinutukoy ang pag-alis namin papuntang Bohol.

Noong nagpaalam ako kay mama at dad last week, nag-alinlangan pa silang sumang-ayon. Napapayag ko sila sa pagbanggit ko na marami kaming pupunta at mga kaklase ko pa.

"Saan tayo magme-meet?" tanong ko.

"Pier uno. Kailangan nandoon na lahat by five pm para maaga tayo maka check-in."

Simangot akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Ang aga naman."

"Ganon talaga. Alam mo naman ang mga kaklase natin, kung sasabihan mong magpunta ng ten, darating na yan ng eleven. At kung magte-text na papunta na sila, ay nako nasa bahay pa pala! Dapat nga four thirty nandoon na lahat eh para sure na walang maiiwan ng barko." pahayag niya.

"Alam na ba nila?" tinakpan ko ang aking ballpen pagkatapos kong mag fill-up sa form.

"Magr-group message ako mamaya." aniya.

Babalik na sana kami sa table upang ibigay ang natapos naming forms nang makasalubong namin sina Terrell at Azriel. May dala silang red folder at blankong form.

"Oi tapos na kayo? Hintayin niyo kami, sabay na tayo." ani ni Terrell sabay upo sa plastic arm chair.

Tinignan ko si Azriel na hindi ako tinapunan ng tingin. Diretso siyang yumuko at nagsulat. Nakakalito talaga ang lalakeng 'to! di ko makuha ang takbo ng isip. Ewan ko kung sinasadya niya ang ganyang ugali o inborn na ba.

Hinintay namin ang dalawang matapos at habang ginagawa yun, nagsimulang magtipa ng mensahe si Lian na isesend niya sa lahat ng sasama sa Bohol.

Before lunch kami natapos sa enrollment. Di ko alam ang paglalagyan ng saya ko dahil nakaabot ako sa huling year level kasama ng mga kaibigan ko. I'm bracing myself for more complicated topics and stressful duties to come. Sana hindi magpapapansin ang asthma ko.

Sumingit ang pagka-ilang pagkatanaw ko kay Azriel na walang niisang salitang ginawad sakin sa buong magdamag na magkasama kaming apat. Si Terrell lang yata ang kinakausap niya, may pagkakataon ding tinanong niya si Lian tungkol sa group message niya kanina.

Atat akong basahin ang kung anong tumatakbo sa kanyang isip para alam ko naman kung kailan ako aasa o hindi aasa na kakausapin niya ako.

Naiintindihan ko naman siya. Dinidistansya niya ang sarili sakin dahil sa desisyon kong hindi tanggapin at suklian ang nararamdaman niya. I want that feeling to be a phase only to him. I don't want it to go deep dahil mahirap na. Ayokong dumating sa punto na masisi ko ang sarili ko sa sakit na idudulot ko sa kanya. He has been through enough suffering with his family, ayokong dumagdag.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon