FIFTEEN

49.6K 1.3K 184
                                    

CHAPTER FIFTEEN
________________________________________

Pinabalik na ni Sir Alivio ang iba sa mga kagrupo sa students lounge. Kaming may mga kaso ngayong seven ng umaga ay nanatili.  Nasa holding area pa rin kami ni Azriel, hinihintay ang patient.

"Okay lang sayo ang case natin?" tanong ko. Pareho kaming nakasandal sa pader sa gilid ng pinto.

Pinaglalaruan niya ang strap ng kanyang relo,"Yeah. Sinong circu at scrub satin?"

"Anong gusto mo?"

"Ikaw."

Literal na nanlaki ang mga mata ko, nalalabuan sa narinig. "Ha?"

Gulat siyang nag-angat ng tingin. Ilang beses siyang kumurap saka pinilig ang ulo bago binalik ang focus sa kanyang relo.  "I-I mean...shit-ikaw, anong gusto mo?" di siya nakatingin sakin.

"Ahm..." lihim akong bumuntong hininga "Circulating nalang. Hindi ko pa kasi memorize ang mga instruments, baka mahirapan ako sa pag-abot sa doctor." sabi ko. Hindi rin kasi ako familiar sa case unlike ni Azriel na alam yata lahat.

"Ok. I'm fine with it."

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang patient. Pinuntahan ni Azriel si Sir Alivio na kasalukuyang nag-oobserve kina Lian sa isang operation upang ipaalam ang pagdating ng pasyente namin. Ako nama'y nakasunod lang sa babaeng nurse. Pareho naming tinignan ang ID band bracelet ng patient.

"Student?" tanong niya sa'kin. May hawak siyang chart at may nililista o nilalagyan ng checkmarks.

"Opo." tugon ko. Pangalawang beses ko palang na naa-assign sa operating room ngunit kinakabahan pa rin ako. Depende rin kung may ibang staffs na considerate. The stricter the staffs are, the more akong kinakabahan.

Hindi na ako nagsulat saking jotdown notebook, tutal kokopyahin ko lang rin naman ang data mamaya sa chart pagkatapos ng operation. Maya maya lang ay tinawag ako ni Azriel, sabay naming pinuntahan si Sir Alivio na nasa labas ng OR theater one kung saan on-going pa ang operation na kinabibilangan nina Lian at Terrell.

Sinundan namin siya patungong OR theater three. Inayos ni Sir ang pagkakaposisyon ng surgical light. Nanginig ako sa lamig ng aircon kaya pumagilid ako, ginawa kong panangga si Azriel na nakasuot na ng mask. Ang hirap mag-iwas ng titig sa kanya dahil sa kanyang ayos.

Nakahalukiphip na humarap si Sir sa'min. "Familiar na kayo sa settings dito so I don't have to orient you anymore. What's your case nga pala?"

"Myomectomy po sir." sabay naming sabi ni Azriel.

"Frozen section?" tanong ni Sir.

"Opo." Ako ang nagsalita, tumango lang ang katabi ko.

"Ok. Madali lang yan. It just takes two hours so you still have the time to fill up your forms. Focus on the operation, don't idle your minds elsewhere." Lumingon siya sa likod saka tumayo upang kunin ang stool chair na nasa tabi ng cautery machine na hindi na yata ginagamit.

Umupo siya sa harap namin. "By the way, who is the scrub nurse?"

Tinuro ko si Azriel. Tinuro ni Azriel ang sarili niya.

"So ikaw Mr..." binasa niya ang naka tahing pangalan sa breast pocket ng scrub top ni Azriel. "Fontaneza. Since hindi sila nagpapa hands-on dito ng student as a scrub nurse, assist the scrub nurse nalang. Mostly, ang gawin mo iwa-wipe ang instruments na ginamit ng doktor to make sure it's always clean, " Tumingin si Sir sa'kin. "Ikaw student circu, magiging busy ka. Papakinggan mo lang si Ms. Villafuente which is ang circu nurse mo. I know her cause she's my colleague. You don't have to worry mabait naman siya."

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon