SEVENTEEN

43.8K 1.2K 226
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Naghahanap ako ng kalinawan sa kinikilos niya sa tinging ginagawad ng kanyang mga mata. But all I could see are his glossy obsidian orbs.

Magtatagal pa sana kaming ganoon kung hindi lang kami sinita ng working student na inaayos ang mga librong wala sa ayos ng shelf. Sa pagluwag ng hawak ni Azriel, sa kanyang pagbitaw, ramdam ko pa rin ang init ng kamay niya.

"Bumalik na tayo. Saka nalang natin hanapin ang isang book." Mahina niyang ani bago ako tinalikuran.

Nahirapan pa rin akong makagalaw. Bakit ganoon si Azriel? Why did he stop me? Bakit ko siya sinunod at hindi ko sinundan si Riley? Marahas akong bumuga ng hangin, inaasahang mailabas ko rin ang aking pagkainis.

Hindi ako sumunod at basta nalang lumabas ng library. Hinagilap ko si Riley sa buong corridor ng third floor bago nagtungo sa gilid ng ledge upang hagilapin siya sa ibang palapag ng university building. Inulit ko pa ang paghahanap at katulad kanina, katulad niya, bigo ako.

Bababa na sana ako ng hagdan upang ituloy ang paghahanap sa ground floor ngunit tumunog ang bell. Gulat akong napaatras sa akma kong paghakbang pababa.

"Punta na tayo sa room."

Nilingon ko ang malamig na boses. Nasa nameplate niya ang tingin ko. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina. I could've had a talk to Riley kung hindi lang niya ako pinigilan!

"Your bag." inabot niya sa'kin ang aking shoulder bag. Padabog ko itong kinuha saka ko siya tinalikuran at nauna nang umakyat sa fifth floor kung saan ang sunod naming klase. Mamaya ko nalang siya pasasalamatan sa pagdala ng bag ko kapag nawala na ang inis ko sa kanya.

Buong araw kaming walang imikan. Nilapit niya ang kanyang upuan ngunit hindi ko pa rin siya pinansin. Ni hindi ko siya nilingon ng isang beses at tanging sa clinical instructor lang nanatili ang tuon ko. Sinadya niyang isagi ang kanyang braso sakin, pero hindi ako napalambot nito.

Hangga't hindi ko nakausap si Riley, this vexation won't dissolve.

Hanggang sa pag-uwi ay umaasa pa rin akong makikita ko siya. Pinuntahan ko siya sa kanilang classroom. Nakita ko ang isa sa mga kaibigan niyang si Paul na papalabas ng room. Sinalubong ko siya.

"Oi Amber. Musta?" nag-tataka niya akong tinignan. Marahil alam na niyang wala na kami ng kaibigan niya.

"Si Riley?" umaasa kong tanong.  Tumingin ako sa loob ng kanilang classroom.

Nagkamot siya ng buhok. "Ay...nauna na. Sana inagahan mong magpunta rito."

"Umuwi na ba?"

Sandali siyang umiling. "Parang hindi eh. Sabi niya may pupuntahan daw. Baka sa dad niya. Sa tuwing nagmamadali kasi siyang umalis ay sa daddy niya siya pumupunta."

Baka tungkol sa business na naman siguro. Parang ako ang nahihirapan sa sitwasyon ni Riley. He's the only son kaya sa kanya lahat ng responsibilidad.

"Mmkay. Salamat." Tipid akong ngumiti bago ako tumalikod.

"Itext mo nalang. Agad magrereply yun, panigurado." pahabol ni Paul. Tinanguan ko na lamang siya. Nawalan ako ng lakas na magsalita.

Sa pag-commute pauwi ay tinext ko na si Riley. Sana lang ay ginagamit pa rin niya ang dating number. Hindi man kailangan ay gusto ko pa ring ipaalam sa kanya na wala lang yung nakita niya kanina.

That was nothing Rai. He's a classmate.

Pagkarating sa bahay ay wala pa akong natanggap na reply. It's either he's using another sim, busy or ayaw niya akong replayan. I tried not to mind. Atleast nasabi ko sa kanya ang ibig kong iparating.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon