THIRTY TWO

41.4K 1.1K 154
                                    

CHAPTER THIRTY TWO

Sa lapit ng kamay ko sa dibdib niya ay damang dama ko ang mabilis na pag arangkada ng kanyang puso. Humigpit ang hawak niya sa'kin saka kinagat kagat na naman ang loob ng kanyang ibabang labi dahil sa paggalaw nito. Pansin kong ganito siya kapag nagkakatitigan kami, at marahil ganito siya kapag may malalim na iniisip.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Hindi ko kinaya ang paraan ng pagkakatingin niya. Para itong nanghihipnotismo. Paulit ulit kong binabanggit ang pangalan ni Riley sa isip upang ilayo ako sa mga posibilidad kay Azriel. I can't break Riley's heart like this. Not like this.

"What did I say about getting Riley out of the picture just for a while."

Nabasa niya ang iniisip ko. Bigo niyang ekspresyon ang bumungad sa'kin sa pagbukas ko sa'king mga mata.

"The remaining days are not 'for a while' for me."

Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay at mahigpit na tinikom ang kanyang bibig, na para bang pinipigilan niyang ipakita sa'kin ang sakit na nararamdaman niya. Pero huli na.

Muli akong pumikit. Ayaw kong makita ang sakit sa magaganda niyang mga mata. At ayaw kong matunghayan na ako ang dahilan ng sakit at kabiguang 'yon.

Inangat ko ang isa kong kamay upang hawakan ang mga kamay niya't dinala ang mga ito sa'king labi.

I kissed his hands as a sign of my apology.

Naabot ng alon ang aking mga paa ngunit wala akong ginawang pagkilos lalo na nang bumitaw si Azriel sa mga kamay ko't nilipat sa aking pisngi.  Pinatong ko ang mga kamay ko sa kamay niya't diniin ang kanyang pagkakahawak. Ayokong dumilat. Ayaw ko pa. Maiiyak lamang ako kapag makikita ang kanyang kabiguan.

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil nakasakit ako ng ibang tao. Naghahanap ako ng paraan kung paano ko maaaring pagbayaran ang nagawa ko. Sadya itong ginawa ko sa kanya, so I think somehow I deserve a hell lot of punishment.

"Ito na ang panghuli kong pagpapaala sa'yo Amberlyn." halos pabulong niyang ani. "Kahit sa mga natitirang araw lang, ipahiram mo muna sa'kin ang puso mo. At ang buong atensyon mo."

Kumunot ang noo ko. "You're asking me to pretend?"

Pinadaan niya ang kanyang daliri sa aking talukap. Dumilat ako. Bahagya akong nagulat dahil halos hindi na makadaan ang hangin sa lapit ng aming mga mukha. Sa kaunting kilos na ginawa niya, at sa tangos ng kanyang ilong ay naglapat ang aming mga ilong.

Iniisip ko ang maaaring maging reaksyon ng ibang taong nakakakita sa'min. Kahit wala naman kaming ginagawang masama, may mga makikitid ang isip na maaaring pag-isipan kami ng malisya.

Nakabahid ang pinaghalong kabiguan at pagsusumamo sa kanyang mga mata. Sinubukan ko ulit pumikit ngunit pinigilan niya sa kanyang pag iling at pag-angat ng aking talukap. Matatawa na sana ako sa ginawa niya kung hindi lang seryoso ang sitwasyon namin ngayon.

"I'm asking you to think about 'just us' and only us. Pagbigyan mo ako. Ngayon lang 'to. Kahit masakit sa bandang huli, then okay , let's say you pretend to reciprocate my feelings. Sa pagbalik natin ng Cebu, you can get your devotion back to him and forget everything that might happen here. You can even forget about me for all you want. Is it too hard for you, Amber? Masama bang hihilingin ko yun mula sa'yo?"

Oh my God Azriel. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. I'm hurting for him, for Riley and for myself. Madali lang ang pinapagawa niya pero mahirap pakitunguhan ang mangyayari pagkatapos at ang emosyong kalakip nito.

Kasi baka hindi na ako makakabalik. Baka hindi ko na magawa pang kalimutan ang lahat na mga alaala dito kasama siya. Baka ayaw ko na siyang makalimutan at tuluyan ko nang mababalewala ang pangako ko sa sarili ko na si Riley lamang.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon