FORTY THREE

38.6K 1.2K 277
                                    

CHAPTER FORTY THREE

Hindi tulad ng inaasahan, umuwi ako sa bahay namin. Mamayang alas diyes daw kasi ang uwi nina mama at dad ayon sa reply ni manang Terry sa text niya. Tarantang taranta ako pagkabasa sa mensahe kaya nagmadali kong kinuha ang bag ko.

Mag-aalas nuwebe palang sa aking relo. Sinamahan ako ni Azriel na mag-abang ng taxi sa labas ng dorm nila. Kalahating oras din ang tinagal bago ako nakasakay.

Pagkarating sa bahay, kaagad akong naligo at nagbihis ng pantulog. Binalik ko sa pagsuot ang shirt ni Azriel, mabango pa rin naman at saka dark colored siya, hindi mahahalatang may pasa ako. Hindi ko na sinabi kay manang ang nangyari sa'kin, natatakot akong madulas siya't masabi niya kina mama at dad.

Hirap pa rin ako sa pagsandal ng aking likod sa kahit saan kaya patagilid lang muna ngayon ang aking paghiga hanggang sa tuluyang mawala ang sakit. Siguro after a week pa.

Panay ang pag-buzz ng phone ko habang naliligo ako kanina. May text galing kay Azriel, tatlong beses niyang sinend.

Azriel:
You home?

Me:
Yep

Azriel:
Matutulog ka na?

Me:
Hindi pa. Hinihintay ko sina mama. Ikaw?

Tinanggal ko ang pagkaka-charge ng aking cellphone dahil nahihirapan ako sa pag abot nito habang nakahiga.

Azriel:
Sasabay ako sa'yo. Tell me when you're going to sleep.

Me:
Ha? Bakit?

Azriel:
La lang. ;)

Di ko mapigilang mapangiti. May mga naglalaro na kung ano sa tiyan ko at nagtatakbuhan sila papunta sa puso ko. Pabalik balik. Paulit ulit.

Tinatapik tapik ko ang tuktok ng cellphone sa'king bibig habang nag-iisip ng irereply. Naghahanap ako ng sagot sa kisame, pero blankong puti lang ang nakikita ko.

Busina ng kotse ang nagpagiba sa daloy ng aking pag-iisip. Bumukas at sumara ang pinto ng sasakyan saka lumangitngit ang pagbukas ng gate. Dumating na sila mama't dad!

Dumagundong ang mga yapak ko sa hagdan sa pagbaba ko upang salubungin sila. Unang pumasok si Manang dala ang luggage sumunod si mama. Si dad ay nasa labas pa, naririnig ko ang pag-uutos niya kay Mang Cesar.

"Ma!" sinalubong niya ako ng yakap. Humalik ako sa kanya sa pisngi. "Nagkita kayo ni kuya?"

Umupo kaming dalawa sa sofa. "Kahapon. He seems okay. Parang wala lang sa kanya ang nangyari."

"You think so? Baka nagpanggap lang." wala pang isang taon ang pagkawala ni ate Mauryn. I'm sure kuya's just pretending to be okay.

"That's what I thought. Hindi ko na nga lang pinahalata ang iniisip ko." ani ni mama.

Pumasok si dad dala ang kanyag nag-iisang hand carry. Tumayo ako't sinalubong siya at humalik rin sa kanyang pisngi.

"How's your birthday?" tanong niya habang tinatanggal ang kanyang jacket at sinabit ito sa armrest ng sofa. Kinuha 'yon ni mama sabay tayo. Umakyat siya sa kanilang kwarto.

"Okay lang po. Dinner with friends. Pumunta sila Lavinia dito. Manang cooked us spaghetti." I skipped the bar part. Sana hindi 'yon nabanggit ni kuya sa kanila.

"Ansel mentioned that he deposited in your account?" naningkit ang mga mata niya.

Dad looks intimdating kapag naniningkit na ang mga mata niya. Kaya si mama ang sinasabihan ko sa mga problema ko, or si kuya. Mabait naman si dad. Pero minsan, he terrifies me. Especially when it comes to decision-making and talking about matters of the future.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon