FORTY SIX

42.6K 1.1K 56
                                    

CHAPTER FORTY SIX

Kanina pa ako sinusundan nina Carlo at ng isang kasamahan niya sa dance troupe. I know her but I forgot her name. Medyo close din sila ni Kelly, at ngayon buong buo niyang sinusuporthan si Carlo sa pagkukumbinse sa’kin.

“Sige na Amber please...last year na natin ‘to.”

Hanggang sa pagpasok ko sa cr ay hindi siya nagpaawat. Ilang beses na rin siyang nakaka-cr dito sa girls cr kaya hindi ko na pinigilan. Aniya, he has a female soul na na-trap sa katawang lalake.

“Kaya nga, last year na. This is a critical year! Baka mag-conflict pa sa mga quizzes natin.” sabi ko. Pumasok ako sa bakanteng cubicle. Tinaas ko ang lid ng toilet bowl.

“Isang beses lang naman tayong sasayaw sa contest.”

“Madaming iba diyan Carlo.”

“Pero magaling ka! Pambato ka namin sa magagaling din na Engineering. Makaka-contribute ka sa pagkapanalo natin. Please...” patuloy  niyang pamimilit.

Lihim akong napabuntong hininga. Ayaw talaga niyang tumigil.

Honestly gusto ko naman talagang sumali. Last kong involvement sa mga ganitong activites ay noong highschool pa. Pagtuntong ng college, I kinda’ sacrificed things that I wanna do, and that is dancing. Hindi kaya biro maging nursing student.

I know na may iba, katulad nalang ni Carlo, na nakakayang ipagsabay ang studies at extracurricular activities, but not me. I know my priorities. Ayaw kong ipagsabay ang dalawang bagay lalo na’t alam ko naman kung ano ang mas prirority ko. Kung ano ang mas importante, yun ang uunahain. Yun at yun lang. The rest, they all fall at the second, third and so on.

“Amber...” muli niyang sambit. “I know how much you miss dancing. Remember noong elementary tayo? palagi kang nilalagay sa harap ng tagaturo ng sayaw tuwing recognition day.”

Hindi ko ‘yon makakalimutan. Every year kahit ano ang sinasayaw namin tuwing recognition day; Dr. Jones, Barbie girl, Macarena at mga folk dances. Sa harap ako palagi nilalagay ng baklang dance instructor. Akala ko nga noon kaya niya yun ginagawa ay dahil takot siya kay dad. But then they told me I’m good at it.

I don’t really think so. I just love what I was doing.

Lumabas na ako ng cubicle. Si Carlo nalang ang nadatnan ko na nakaupo sa sink counter.

“Ako lang mag isa?” tanong ko.

“Nope. Magiging representative tayo sa nursing department. I’m recruiting you to join us. Kulang kasi kami.”

A lot of members this year have graduated already. Kaya sila naghahanap ng additional participants. Pero okay lang kaya kahit hindi ako dance troupe member?

“Hindi kaya tayo ma-disqualify? Nangre-recruit kayo ng hindi DT member.”

Umiling siya. “Basta nasa same course lang ang mga nasa isang group.”

Napaisip ako habang nananalamin. Malapit na ang midterms. Paano ako makakapag-aral kung may mga practices? Kaya nga in the first place hindi ako sumali sa DT kahit pinilit na ako ni Carlo noon na mag audition. Conflict. ‘Yan ang general problem ko.

“Anong meron?”

Sabay kaming napalingon sa pintuan. Nakahilig ang nakapamulsang si Azriel sa doorframe at obvious ang pagkakaharang ng katawan niya sa doorway.

Mukhang kakarating niya palang. He’s early today. Usually dumadating siya 3-5 minutes bago dumating ang teacher, o di kaya sumasaby siya sa pagpasok ng guro namin.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon