FIFTY THREE

38K 1K 305
                                    




CHAPTER FIFTY THREE

_______________________________________________________________________________


Azriel laughed in much less humor, na para bang isang baliw na babae ang kausap niya. Hindi makapaniwala niyang tinignan si Penelope bago binalik ang tingin sa bata saka niya mariing sinabunot ang kanyang buhok. Napailing siya, na para bang sobrang imposible nitong mangyari.

Hindi rin ako sigurado kung dapat ko rin ba itong paniwalaan. O baka sa kalooblooban ko, alam kong ito ang totoo pero tinatanggi ko lang sa sarili ko dahil ayaw kong maging katotohanan ang narinig ko.

But the evidence has taken form in itself like an apparition. Nasa harap na namin, walang kamalay malay, umiinom ng chocolate drink habang seryosong nanonood ng tv. At hindi ko maipagkakailang kahit anong ekspresyon niya, si Azriel ang nakikita ko. At paniguradong sa kanyang paglaki, magiging kahawig niya siya.

"H-how...?"  halos hindi niya mabuo ang mga salita. Katulad ko'y mistula ring huminto ang mundo niya sa sinabi ni Penelope.

Kinarga ni Penelope ang bata. Wala manlang itong angal. I'll take that kid as an obedient one. Tahimik lang at mukhang masunurin. Inabot niya ito kay Terrell na gulat na gulat sa ginawa ng babae. Tinignan niya kami, tapos ay si Penelope.

"Take him inside ya room. He might hear the expletives I'm about to throw at ye' flat mate."

May attitude din 'tong babaeng 'to. Halata naman. Well I don't want to judge right away. Base sa pag-alaga niya sa bata, I could see that she's already fond of him so maybe she's not that all time bad.

Maingat na kinarga ni Terrell ang bata. "Come here kiddo'"

Pinulupot niya ang isang braso nito sa leeg ni Terrell habang hawak hawak ng isa ang kanyang chocolate drink na may straw. Pagkasara ng pinto, hinarap muli kami ni Penelope. Humakbang siya papalayo sa kwarto ni Terrell at papalapit sa'min.

Nagtaas siya ng isang kilay saka humalukiphip. She smirked. Hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin na para bang wala ako dito sa dorm at hindi hawak ni Azriel ang kamay ko.

"D'you want us to talk about this over a cuppa? 'Cause I'd rather blab the shortcut version. You rooted my sisteh when you were both seventeen, then voila! She went up the duff! While you flew your ass back here in your country. You didn't even have the bloody balls of callin' her or makin' sure if she's fine."  halos paghihisterikal niya.

"Then why are you here? Why not Phoebe? Where is she? She was supposed to be the one who has to show up here infront of me and tell it right straight to my face that that kid is my son!"  nagtaas na rin ng boses ni Azriel.

Napatunganga ako sa sagutan nila. Para bang matagal na silang magkaaway at sanay na silang ganito.

Nag-iba ang pinta ng mukha ni Penelope. Her scowl towards Azriel smoothened. Nag-iwas siya ng tingin. Sa paglingon niya sa kabilang direksyon, pinunasan niya ang kanyang pisngi saka suminghot.

"She died after givin' birth to 'your' son. Bloody blood loss." nanginginig ang boses niyang sabi.

Nabitawan ni Azriel ang pagkakahawak niya sa kamay ko dahil sa panghihina. Isang kawalan sa'kin ang pagbitaw niya pero wala akong dapat ikabahala dahil wala lang ito sa kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Hindi ko man kilala kung sino ang pinag-uusapan nila, nalungkot pa rin ako sa sinapit niya. Her death is the birth of her son. Their son.

Parang tanga akong nakatayo habang pinagmamasdan ang pagtakip ni Azriel sa kanyang mukha. Maybe at some point, he used to love her and now she's gone. Although she left him a living reminder of the things they shared.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon