THIRTEEN

49.9K 1.5K 240
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Binalikbalikan ko ang naging usapan nina papa kanina at ni Mr. Montero. Hindi ko maalis sa isip kahit anong tulak ko nito palayo. Kaunti nga lang ang nagalaw ko sa aking pagkain kaya kina kuya Trent at Kilmer ko nalang pinaubos.

"Amber, re-apply your lipstick. It's fading." Puna ni tita Sherry. "Here." Inabot niya ang ginamit na nude lipstick sakin kanina.

"Ma! You're not Amber's stage mother."  asik ni Trent, pero ang mga mata'y nasa table nina kuya Euan kung saan nandoon ang mga babaeng college classmates nila.

"Gusto ko lang puro magaganda ang nakikita ko." ani  ni Tita Sherry na kaagad ngumiti pagkatapat ng camera ng photographer sa kanya.

Kunot noong binalingan ni Trent ang ina, hindi makapaniwala. "Hindi ako maganda ma. So you don't like to see me? I'm your son! How could you?"

Humagalpak ng tawa si Kilmer. Tinawanan  lang din siya ni tita at ginulo ang buhok. Iling na umiwas si Trent at binalik ang tuon sa mga babae sa table nina kuya Euan. May isang tumingin sa table namin, nilingon ko si Trent na ningitian ang babae saka nagtaas ng wineglass. Sila lang ang tinitignan ko habang nagre-re apply ng lipstick.

Mabilis kong kinuha ang aking phone sa pagva-vibrate nito. Tumatawag si Kelly.

"Nandito na kami sa Shangri-la! Nasaan ang venue?" hindi ko na kailangan ipaulit sa kanya ang sinabi dahil sa lakas ng kanyang boses.

"Nasan ba kayo? Pupuntahan ko kayo." Tumayo ako't lumayo sa malakas na tugtog ng speaker.

"Nasa lounge kami, umiinom ng mango juice. Ihing ihi na nga ako eh."

Narinig ko ang mga boses ng tawanan nina Terrell, Lian at Noemi. Napailing ako. Wala talagang kahihiyan ang babaeng 'to.

"Okay. Papunta na ako." natatawa kong sabi.

Sa hotel grounds  ako dumaan dahil di ko alam ang daan papuntang lounge entrance galing sa ballroom. May mga ground lights sa gilid ng pathways at pinapaligiran ng lawn. May mga makukulay na ilaw ang nakakabit sa bawat puno pati na rin ang swimming pool.

Bahagya akong pinawisan pagkarating ko. Nakaupo silang lima sa couch at lahat busy sa kanilang mga cellphones. 

Hindi pa ako masyadong nakalapit ay natunugan kaagad ako ni Noemi kaya siya ang unang nakakita sa'kin. Nanlaki ang kanyang maamong mga mata saka tumayo't sinalubong ako.

"Mas lalo kang gumanda Amber!"

Nakasunod ang iba at nagsilapitan.

"Hoy ikaw ba ang ikakasal?" pinagdidiskitahan ni Kelly ang buhok ko.

Parehong naka cocktail dresses ang tatlo. Si Terrell nanibago ako dahil hindi naka spike ang buhok niya sa harapan, pero bumagay sa kanya ang hairstyle niya ngayon.

"Sinong nagmake up sa'yo? Bagay." tinignan akong mabuti ni Lian.

"Mama ni Lavinia." sabi ko. Tinignan ko silang apat. May kulang.

"Nasan si Azriel?"  tanong ko.

Ngumisi si Terrell. "Nag cr. Nagpapaguwapo pa, ang ganda mo raw kasi."

Sumunod ang kanilang pang-aasar kaya bigla akong nahiya. "Huwag kayong ganyan. Baka mainis pa yun lagot kayo."

"Bakit ako maiinis?"

Natahimik kami. Nagtikhiman ang aking mga kasama maliban kina Noemi at Kelly na namumula ang mga mukha at nagkislapan ang mga mata. Mahigpit ang pagkakapit nila sa isa't isa na para bang may pinipigilang gawin.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon